CHAPTER 22

56 2 0
                                        


"Gosh! Totoo na ba 'to? Aalis na tayo sa bansang 'to!"

Magka-video call kami nina Mark, Blare, at Andrea ngayon habang nagpa-pack ng mga gamit na dadalhin namin.

Four years din kami nandoon kaya ito kami ngayon ngarag sa pagpa-pack. Kailangan namin madala ang pinaka kailangan namin doon. Si Kuya ang sasalubong sa amin doon, siya rin ang nag-asikaso nang matutuluyan namin.

Sa New York muna kami, sa condo ni kuya, bago kami pumunta sa San Francisco, California.

"Kinakabahan ako. It's my first time on a plane."

Napatingin ako kay Blare.

Nagtitiklop siya ng mga damit niya na dadalhin.

"Kawawa ka naman."

"Tangina mo, Charlotte." Pinakyu ni Blare si Ada. "H'wag mo ako tatabihan, ha."

"Ay! Ito naman 'di mabiro. Hayaan mo kakantahan kita ng lullaby."

Nagtawanan kaming lahat.

"Tangina mo talaga!" natatawa pa rin na sabi ko. "Ginawang bata." 

"Baby ko naman talaga 'yan si Blare, 'di ba?"

"Tangina, kilabutan ka nga." May pandidiri sa tono ni Blare. 

Natawa lang si Ada. "I love you, baby ko." 

Tangina talaga ni Ada, nag-baby talk pa.

"Enough! Kinikilabutan ako." Nanginig si Blare, gago talaga!

Sa kakatawa ni Ada sa kwarto niya, nahulog na niya 'yong phone niya dahilan nang pagtawa namin ni Blare.

"Gago ka, ha. Karma mo 'yan!" Rinig na rinig ko 'yong tawa ni Blare.

"I'm back, packers!"

Natawa ulit kami. Napailing na lang ako sabay tingin ulit sa mga gamit ko. Ang dami kong gamit na gustong dalhin.

"Mark. Ayos ka lang?" napatingin kasi ako sa kaniya nang mapansing tahimik lang siya. Nakalimutan na nga ata niya na nasa call kami habang nagpa-pack.

"Yeah, I'm just thinking about what to bring. I can't decide, eh." He's not looking at the camera. Naka-focus lang siya sa bagahe niya.

"Decide eh..." 

Natawa na naman ako, gago talaga 'to si Ada.

"What the fuck, Andrea?" sinamaan niya ng tingin si Ada. Si Ada naman natawa lang.

"Sarap n'yo asarin." Tumawa siya na parang evil.

"Demon amputek."

"Correction, Jino. Magandang demon." She flipped her hair.

"Lasing ka ba?"

Bigla siyang umalis sa p'westo niya nang itanong ko iyon. 

"Inom kayo!" Inalog niya 'yong hawak niyang bote pagkatapat niya sa camera.

"Tangina, kaya pala!" sabi ko.

Umiinom habang nagpa-pack, The Bar pink gin pa 'yon.

"Sarap! Maingit kayo."

Naiingit na nga ako. Gusto ko rin! Umiwas na lang ako ng tingin, natutukso ako.

"Kuha na! Hiya ka pa, e."

Bad influence!

"Ayaw!" hindi ko siya tinignan.

"Tha Bar! The Bar! Sarap! Hmm!" napapikit na ako, tangina talaga. "Drinking while packing is honestly one of the best feelings. Packing! Drinking! Packing! Drinking...!"

A Diamond Between UsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon