CHAPTER 93

53 3 0
                                    


"Ang ganda mong bride."

Nanatili lang akong nakatitig kay Ada sa reflection ng sarili niya sa salamin kung saan siya inaayusan.

This is the day, their wedding day. I'm so happy for both of them. As their best friend, there is nothing that I feel today but excitement and joy. They finally face God as they promise in front of him that they'll love each other forever.

"Ang panget mo. H'wag kang umiyak."

Napapunas agad ako sa mata ko sabay tawa.

"Biruin mo 'yon ikaw pala mauuna sa'tin. Masaya ako para sa inyong dalawa ni Eric. You guys went through a lot too. Deserve na deserve niyo ang isa't-isa." Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa likod niya. "Congrats, Andrea."

"Maraming salamat, Jino. Alam mong napakasaya ko ngayon dahil ito ang kasal na pangarap ko noon pa lang, simula nang batid ko na sa sarili ko na si Eric na, 'di ba?"

Tinanguan ko siya.

"Iyong dalawang best friend ko nasa mismong kasal ko. My dream is now granted. Napakasaya ko sobra." Niyakap ni Ada ang isang braso ko sabay gigil doon.

Kumalas na rin naman agad ako dahil kailangan pa niya ayusan.

"Uwi na muna ako. Sa simbahan na lang tayo magkita."

Tinanguan niya ako.

"Oo naman. I'll see you there." Pagkasabi niya no'n ay kinawayan ko siya, ganoon din ang ginawa niya bago ako tuluyang umalis sa studio.

Dahil ako lang mag-isa ngayon nag-book na lang ako ng masasakyan pauwi sa bahay. Saglit lang naman ang naging biyahe. Pagkarating ko sa bahay, naabutan ko sila na handang-handa na. Lahat sila nakasuot na, ready na papuntang simbahan.

"Mahal. Ang gwapo mo!"

Hindi maalis ang ngiti ko pagkarating sa bahay at naabutan ko siya na ganito ang ayos, napatulala ako. Ang gwapo niya talaga!

"Bagay na bagay sa'yo, ang pogi mo!" Pinisil ko ang pisngi niya, muntik ko na nga magulo ang buhok niya buti na lang napigilan ko ang kamay ko.

"Salamat, mahal. Kanina pa kita hinihintay, eh, kaso sabi ni Mommy magbihis na rin daw ako para sabay-sabay na tayo pumunta roon sa simbahan pero ikaw, mukhang matatagalan ka pa kaya papaunahin ko na sila roon."

"Hindi mahal. Sumabay ka na sa kanila, susunod na lang ako. Maaga pa naman kaya hindi ako mala-late."

"Sigurado ka?" Tinanguan ko siya. "Sige, maligo ka na at magbihis."

"Yeah," sa kanila naman ako tumingin. "Mauna na po kayo roon, Mom at Dad, Nanay, Yaya Pearl, Ate at Pat. Sunod na lang po ako."

"Sige anak. Mauuna na kami. Ikaw na bahala rito, ha." Lumapit sa'kin si Mommy, nakipagbeso.

"Yeah, mom, sure. Take care. See you all at the church." Kinawayan ko sila habang palabas sila ng bahay.

"Nanay, ingat po. Ganda-ganda niyo pa naman po." Natawa lang si Nanay sa sinabi ko.

"Salamat, anak. Mag-ingat ka papunta roon, ha." Nagmano ako kay Nanay. "Kaawaan ka ng Diyos."

"Sige p're, kita na lang tayo roon."

Inapiran ko si Pat.

"Oo naman."

"Dalian mo kumilos. Napakabagal mo pa naman." Sinamaan ako ng tingin ni Ate.

"Oo. Gusto mo ba na hindi na ako maligo?" Natawang sabi ko pero si Ate hindi natawa, nairita lang.

"Sira, ang baho mo no'n."

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon