CHAPTER 49

31 1 0
                                    


"We're done!!!!"

Napayakap ako kay Edric dahil sa tuwa.

Tapos na kami!

Natawa naman ako nang isaboy ni Ada 'yong mga nagamit namin mga papel, folder at coloring material dahil sa tuwa rin. Sinabayan na nga namin siya dahil sobrang saya namin na natapos na rin, wala na kaming iintindihin ni Edric.

"Thank you so much, guys!" natigil sila sa pagbubunyi nang magsalita si Edric.

"Salamat sa inyo." Nginitian ko silang lahat, nakatapos kami dahil sa tulong nila.

Good for one week sana 'to pero natapos kami two days lang.

"Ano ba kayo, wala 'yon. Ang saya rin pala gumawa ulit ng mga ganito."

"Tama, Ada. Noong high school tayo palaging may ganito, e. Naiinis na nga ako dahil hindi naman ako creative, pero ngayon na napagdaanan na natin nakaka-miss din pala gumawa ng mga ganito."

"Magligpit na tayo. Ang dami natin kalat."

Sinunod namin si Mark dahil ang kalat na nga talaga ng k'warto ko. Puno-puno ng mga papel, coloring material at glue.

"Okay, walwal na!" tuwang-tuwa si Jino habang pumapalakpak pa pagkatapos namin malinis ang k'warto ko, hindi naman siya mukhang excited.

"Love, 'yong paalala ko, ha, please lang!" Seryosong nakatingin si Mark kay Jino.

"Kailangan ba talaga may alak? Duda ako rito sa mga pasaway na 'to, e." Turo ko sa kanilang dalawa ni Ada.

"Promise, walang malalasing." Napatingin siya kay Ada. "'Di ba?"

"Oo.... wala, walang malasing." Napaiwas siya ng tingin sa'min, natawa tuloy ako.

"Alright, wala na lang kasi maingay. Hindi naman makakarating kay Dad 'to kung walang magsasabi, 'di ba?" Tinaasan niya kami ng kilay.

Desidido talaga siya uminom, napailing na lang ako bago tumango.

"Oo na." Lumaki ngiti niya sa sinabi ko.

"Love?" Tumingin siya kay Mark.

"Oo na, kaunti lang, ha!"

"Yup, promise!" tumingin siya kay Ada sabay hatak sa kaniya. "Samahan mo ako,"

"Oo naman, baka kung ano pa bilhin mo. Wala ka pa naman taste pagdating sa alak."

"Gago 'to, nilait pa ako!"

Pinaalis ko na sila, bago pa sila mag-away rito.

Iyon na rin naman ang ginawa nila, tumakbo pa sila palabas, rinig na rinig pa namin 'yong asaran nila hanggang mawala sila sa bahay. Nang tumahimik na napagdesisyunan na namin na pumunta sa balcony ng bahay at doon nag-set up kami ng table at mga upuan para sa "walwal" na gusto ni Jino.

"Bawal ka malasing ngayon, ha. May pasok na tayo." Paalala ko kay Edric.

"Ako pa, ha? Hindi ako pala-inom 'no." He laughed.

"I don't trust Jino when it comes to this. I'm very sure he'll be wasted after." Napapailing na sabi ni Mark.

"Same, babe, too. I need to monitor her. Ang kulit pa naman niya kapag nakainom." Natawang sabi ni Eric.

"Basta kapag nakarami, patigilan niyo na. Si Jino low ang tolerance niya sa alak kaya madali siyang malasing, si Ada ang mataas."

"Yeah, I observe it that to her."

Tinanguan ko si Eric.

Mayamaya ay dumating na si Jino at Ada dala 'yong mga alak na binili nila.

Napasapo ako sa noo ko nang makita 'yong bitbit nila. Bacardi 151 at Devil's Spring Vodka 160 ang mga iyon at ang dami pa.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon