CHAPTER 62

27 1 0
                                        



"Finally! Philippines!"

Matapos ang mapanubok na finals noong nakaraang linggo lang, deserve namin ang bakasyon. Ang dami nangyari nitong nakaraang mga buwan so we consider this trip an escape after all.

"Later na, ah."

Bulong ni Mark sa akin habang pababa kami. Alam ko naman iyon dahil dito namin sa Pinas pinili i-celebrate ang anniversary namin kahit na tapos na ito two weeks ago, I guess? Hindi na ako sure dahil ang bilis dumaan nang araw.

Tinangal ko muna 'yong jacket ko since napakainit dito lalo nang nakalabas na kami galing loob ng airport.

"Ang init!" Natawang sabi ni Ada, napakainit kasi talaga.

"Let's go? Nandito na sundo natin."

Sumunod kami lahat kay Tita Carol.

Isang black van 'yon 'tas isang red na Honda. "Doon na kayo sa van, kami na ni William sa car."

"Thank you, Tita and Tito." Sabi namin, saka namin nilagay ang mga bagahe namin sa rear hatch ng van. Since we will stay here for at least a month, marami-rami ang dala namin gamit.

"See you there, Mom and Dad." Paalam ni Edric kila Tita at Tito bago kami pumasok sa loob.

Naunang umalis ang sasakyan nila Tita sa'min kaya iyon ang sinundan namin.

"Insan!" tawag ni Eric doon sa driver namin ngayon. "Kumusta ka na? Long time no see, ha." Nakipag-fist bump si Eric doon sa pinsan niya.

"Aba kay buting mamamayan pa rin, Eric. Masaya akong makita ulit kayo."

"Hi, Jerome!" Kinawayan ni Edric 'yong pinsan nila.

Si Eric at Ada ang nasa unang row ng van, katabi nila si Edric at Blare habang kami ni Mark ay nasa likod magkatabi.

"By the way, Insan. Si Andrea nga pala." Inakbayan ni Eric si Ada, napatingin naman 'yong Jerome sa salamin sa harapan. "Girlfriend ko." Proud na sabi ni Eric.

"Hi, Jerome." Kumaway si Ada sa kaniya.

"Hello, Andrea. Nice meeting you. Ikaw pala 'yong palaging nasa IG ni Eric." Natawang sabi ni Jerome.

"Oo naman, mahal ko 'to, e." He kissed Ada on her cheek.

"Ito naman si Blare, boyfriend ko." Pagpapakilala ni Edric kay Blare.

Kumaway si Jerome sa kaniya at ganoon din si Blare. "Nice meeting you, bro... Prepare yourself lang."

"Bakit?" Blare asked.

"Mga tito kasi namin hindi alam na may boyfriend si Edric. You know...."

Nagkatinginan kami ni Mark sa sinabi ni Jerome.

"I don't care, Jerome. They are just my uncles." Natahimik kami lahat, "They don't have any say in how I live my life."

"Apir tayo, Insan." Natawa si Edric nang ilapit ni Jerome iyong kanang kamay niya sa kaniya, inapiran nga niya si Jerome.

"Ah, Jerome, sila nga pala si Mark at Jino, mga kaibigan namin."

Kumaway kami ni Mark sa kaniya pagkatapos kami ipakilala ni Edric.

"Hi, Jino and Mark." He smiled at us, so we smiled at him back. Ngumiti ulit ako sa kaniya nang magtama ang mga mata namin, pero bigla niya iniwas tingin niya sa akin. "Ah, ano, s-single ba 'yong Jino?"

Nagkatinginan kami ni Mark at sabay na natawa.

"Gago, boyfriend niya si Mark." Binatukan ni Eric si Jerome.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon