CHAPTER 65

28 1 0
                                    



"I know I'm handsome. You can't fool me, Dom, by just telling me I'm handsome today. Go, rest for a while."

Natawa ako. Napabuntong-hininga na lang siya bago niya ako sinunod.

Well, wala siyang choice kukulitin ko lang sya. Hindi siya makakapag-focus kung hindi siya okay.

Inangatan ko siya ng kilay ng hindi siya gumalaw sa pagkakatayo niya, nakatingin lang siya sa akin.

"Go, sleep first." Niyakap ko siya at hinatak papunta roon sa kama niya, natawa lang siya bago niya ako niyakap din hanggang makarating kami sa kama niya.

"You? You don't wanna sleep?" tanong niya pagkaupo niya sa kama.

Umiling ako. "I'm fine." Nginitian ko siya ng tipid. I was about to go back to my place when he suddenly took his shirt off. "I just can't, you know... sleep properly if I'm wearing a shirt..." He explained.

Natawa ako, nag-explain pa. "No, it's fine. Just be comfortable. I mean, this is your room." Kung makapagsalita ako parang room ko.

He nodded before he lay down on his bed and wrapped the comforter all over his body. It's good for him. Looking at him, he looks like he really needs some more sleep. Bumalik na ako sa may study table niya at nakipagtitigan sa computer.

Dahil wala naman akong gagawin, napagdesisyunan kong mag-search na lang ng topic na pwedeng gamitin sa study namin. I stare at the ceiling, inaalala kung paano mag-search sa Google. I mean, I can use Google pero kung research purposes na hindi na ako sure.

"Google scholar!" Napapalakpak ako sa tuwa nang maalala ko kung saan kami naghahanap nang related literature noon.

"Gago." Napatakip ako sa bibig ko. Natutulog nga pala si Dom! Tumingin ako sa gawi niya, buti hindi siya nagising. He is now peacefully sleeping, ang bilis niya makatulog, huh?

"Hirap," napakamot ako sa ulo ko. Basta ang naalala ko lang noon magse-search ka lang sa Google 'tas may lalabas na. Tinype ko sa may search bar ang mga naiisip kong possible topic.

"Ang hirap naman nito." I give up. Sinandal ko na lang ang sarili ko sa swivel chair ni Dom saka itinaas ang kamay ko at ginamit iyon na parang unan sa ulo ko to support my weight.

I sighed. "Hirap maging bobo."

"Arf! Arf!"

Napatingin ako sa gawing kaliwa ko nang marinig ko si Dono na tumahol.

"Hi, baby." Kinuha ko siya saka kinarga at pinatong sa hita ko.

"Arf!"

Napanguso ako.

"Sana naiintindihan kita." Natawa ako sa sinabi ko.

"Arf! Arf! Arf!!" He barks again while wagging his tail. I pouted when he suddenly created a sound that sounded like he was comforting me.

"Thank you, baby." I messed up his furs.

Really, I wish that I could understand my baby. I hope I can understand my dog's language.

Napaangat bigla ang kilay ko nang hiniga ni Dono ang sarili niya sa hita ko. "Gusto mo rin matulog? Katulad ng daddy mo?" Matapos ko sabi 'yon ipinikit ni Dono ang mata niya, he rounded himself on my laps and lay down there like he was comfortable on my laps. Naramdaman ko pa ang init ng tiyan niya.

"Sleep well, baby." Hinaplos ko ang balahibo niya bago ako tumingin kay Dom. "Sleep well, Dom."

Hindi na lang ako nag-ingay, tulog na ang anak ko at daddy niya. Tutal wala naman ako gagawin, hiniram ko na lang iyong headphone ng computer ni Dom saka ako nag-play ng music sa Spotify niya. Pinakinggan ko mga kantang nasa playlist niya.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon