“Magnanakaw! Tulong! May magnanakaw!”
Mabilis akong tumayo nang marinig ko ang sigaw ng isang Ale. Talamak talaga ang ganitong krimen dito. Kailan kaya matatapos ang ganitong sitwasyon?
“Bahala na nga!” nasabi ko na lang sa sarili ko.
Mabilis akong tumakbo kung saan gumawi ang magnanakaw na sinasabi nung Ale. May trabaho pa ako pero mas inuna ko pa ang bagay na ʼto. Panigurado akong pagagalitan ako ng amo ko kapag nahuli na naman ako sa tindahan niya.
“Hoy! Ibalik mo ʼyan!” sigaw ko at mas binilisan pa ang takbo para mahabol ko ang magnanakaw.
Bakit ba kasi ang hilig kong idawit ang sarili ko sa gulo, e. Kagaya ng sabi ni PO2 Robles, kung saan may gulo ay palagi akong nakakasama.
“Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas, e. Dahil sa mga katulad ninyong walang kwenta!” sabi ng isang babae matapos sipain ang magnanakaw.
Natigil ako sa kinatatayuan ko at nakatitig lang ako sa kaniya. Pinadampot niya ang magnanakaw sa lalaking kasama niya. Hindi maalis ang titig ko sa kaniya.
Sheʼs wearing trouser and croptop. Ang ganda ganda niya. Nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok na kulay blonde ang parteng harapan at kulay itim naman na ang ibang parte. Ang mga mata niyang maamo at animoʼy maraming gustong sabihin. At ang mga labi niya... parang ang lambot hawakan. Sheʼs so perfect.
“Miss? Okay ka lang ba?” tanong nito sa akin kaya napakurap ako at nabalik sa huwisyo.
Bahagya akong ngumiti sa kaniya at tumango. Nakakahiya at nakita niya pa yata kung paano ko siya titigan kanina.
“Uhm... Opo, okay lang ako. Kayo po ba?” balik tanong ko. Siya kasi ang sumipa sa magnanakaw kanina at nakahigh heels pa siya.
“Sa ʼyo ba ang bag na ʼyon?” Nakataas ang kilay niyang tanong sa akin at bahagyang nagawi ang tingin sa isang gilid.
Mabilis kong kinuha ang bag at muling humarap sa babaeng tumulong sa akin para mahuli ang magnanakaw.
“Hindi. Uhm... Hinabol ko lang din ang magnanakaw dahil narinig ko po ʼyung isang Ale na sumigaw kanina,” sagot ko.
Tumaas ulit ang kilay niya pero ngumiti naman siya sa akin. Ang ganda niya.
“Sa susunod ay tumawag ka na lang ng pulis kapag ganito ang sitwasyon. Baka mapahamak ka pa kung ikaw pa mismo ang susugod sa magnanakaw,” bilin niya pa sa akin.
Tipid akong ngumiti. “Opo, Maʼam...” mahinang sagot ko naman.
“Kailangan na nating bumalik sa office mo, Regina.” Napatingin naman ako sa lalaking kasama niya na hawak pa rin ang magnanakaw.
“Tinawagan ko na si Bryan. Hintayin na natin siya para mahuli na ʼyan,” sagot naman nung magandang babae na ang pangalan yata ay Regina.
Ang ganda ng pangalan niya... kasing ganda niya.
“Regina!” malakas na pagtawag sa pangalan nito. “Narda?” gulat namang banggit ni Robles sa pangalan ko.
Agad akong napairap nang magtama ang paningin naming dalawa. Nakakainis ang lalaking ʼto, e. Masyadong mayabang.
“Mauna na po ako, Miss Regina. May trabaho pa po kasi ako,” paalam ko na.
“Wait!” pigil niya naman sa akin.
Taka ko siyang tiningnan. Agad siyang lumapit sa akin ang ngumiti. Ang ganda ganda niya talaga.
“Iʼm Regina. Nice to meet you... Narda?” naniniguro pang tanong niya sa pangalan ko.
Todo na ang ngiti ko at tumango ako sa kaniya. “Yes, Miss Regina. Ako si Narda. Ikinagagalak ko ring makilala ka,” sagot ko naman.
Nilahad niya ang kamay niya sa akin kaya napadako ang tingin ko roʼn. Nakaramdam ako ng kaba pero agad ko ring hinawakan ang kamay niya.
Ang lambot ng mga kamay ni Miss Regina. Ang sarap hawakan kahit gaano pa siguro katagal.
Ano ka ba naman, Narda? Kanina ka pa puri nang puri sa kaniya. Baka mamaya kung ano na ang isipin niya tungkol sa ʼyo!
“Salamat sa tulong mo, Regina. Makakaasa kang makukulong ang magnanakaw na ʼto,” sabi naman ni Bryan kaya napakalas na ako sa kamay ni Regina.
Ang epal talaga niya kahit kailan.
“You should thank Narda, too. Tumulong din siya para mahuli ang magnanakaw na ʼyan,” sabi ni Regina kaya nahiya na naman ako.
“Uhm... Babalik na po ako sa trabaho ko,” muling paalam ko sa kanila.
Nakakahiya man siyang talikuran ay ginawa ko pa rin dahil kailangan ko na talagang gawin ang trabaho ko. Mabilis na akong tumakbo pabalik sa tindahan kung saan ako nagtatrabaho.
“Saan ka nanggaling?” bungad na tanong ng boss ko sa akin.
“May emergency po kasi, tinulungan ko lang po. Pasensya na, Boss!” Napapakamot ako sa ulo ko at nakanguso habang sinasabi iyon sa kaniya.
“Narda, hindi palaging ganiyan. Hindi ka naman superhero para tumulong nang tumulong. May obligasyon ka rin dito at dapat ito ang tinututukan mo!” sermon niya naman sa akin.
“Pasensya na talaga, Boss. Hayaan ninyo hindi na mauulit,” sagot ko naman.
“Dapat lang. Kapag naulit pa iyan ay maghanap ka na lang ng bago mong trabaho. I wonʼt tolerate you, Narda. Ang trabaho ay trabaho kaya kung gusto mong tumagal dito, ayusin mo ang bawat kilos mo. Maliwanag ba?” tanong niya pa sa akin.
Tumango ako ng ilang beses sa kaniya bilang sagot. Mabait naman ang boss ko, e. Minsan lang talaga ay hindi ko natityempuhan na maganda ang mood niya katulad na lang nitong nangyari ngayon.
“Regina...” banggit ko sa pangalan ng babaeng nakita ko kanina.
Para akong tangang nakangiti ngayon habang nag-aayos ng mga paninda na nagulo dahil sa mga bumili na hindi inaayos ang pagkuha.
Hindi maalis sa isip ko ang maamong mukha ni Regina at ang mga mata niyang nakakakalma. Ang ganda ganda niya talaga.
“Hay ano ba naman ʼtong naiisip ko? Baka kung anong sabihin sa akin ng mga makakakita sa akin. Nagagandahan lang naman kasi talaga ako sa kaniya,” pagkausap ko sa sarili ko.
Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagliligpit ng mga paninda habang wala pang bumibili. Baka mawalan ako ng trabaho kapag pinagpatuloy ko ang ganitong gawain ko. Kailangan ko pa naman ng pera dahil sa tuition ni Ding.
Ako na kasi ang tumayong magulang ng kapatid ko dahil noong bata pa lang kami ay nawala na agad sa amin si Tatay. Si Nanay naman ay namatay dahil sa isang hindi maipaliwanag na insidente. May mga sumugod na kakaibang nilalang at may dalang armas na hindi ko malaman kung ano.
At may mga pangyayari ding hindi ko pa kayang tanggapin sa ngayon. Hindi ko pa kayang tanggapin na ako ang susunod na magiging tagapangalaga ng bato na sinasabi ni Nanay noon. Hindi ko pa kayang maging si Darna.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...