76

921 68 5
                                    

Panibagong extra na naman. Pero ang isang ito ay sobrang delikado. Naglalabas siya ng tinik mula sa katawan niya.

“Ate, trending kayo ni Kuya Bryan!” sabi ni Ding sa akin.

Magkatabi kami ngayon dito sa kama ko at tinitingnan ang mga balita ngayon. Kanina ay muntik nang tamaan si Bryan ng mga tinik nung extra. Mabuti na lang at mabilis ang naging kilos ko at nailigtas ko agad siya.

Ang problema lang ay masyadong ma-issue ang mga tao. Ginawa nilang bigdeal ang pagyakap at titigan namin ni Bryan kanina—na normal lang naman dahil niligtas ko si Bryan.

“Ang dami na ngang problema sa lugar natin, mas inuuna pa nila ang ganiyan,” sabi ko naman at naiiling na lang dahil sa nakikita ko sa internet.

“Mabuti na lang at hindi alam ni Ate Regina na ikaw si Darna. Kung alam niya ay siguradong mag-aaway pa kayo dahil dito,” sabi ni Ding.

Umiling ako. “Kung alam man ni Regina, hindi namin pag-aawayan ʼyan dahil maiintindihan niya naman. Parehas naming kaibigan si Bryan at walang malisya kung ano man ang nasa picture na ʼyan,” paliwanag ko naman.

Napatango na lang si Ding sa sinabi ko. “Pero, Ate. Sa tingin mo ay hindi na makakatakas pa ang extra na nakalaban mo kanina?”

Nahuli na ang extra at nadala na sa dapat nitong kalagyan. Siguro naman ay hindi na siya makakatakas pa. Para siyang si Valentina... Pumapatay siya ng mga kriminal. Pero kanina ay may mga inosenteng nadamay dahil sa kaniya.

“Ang kailangan kong alamin ay kung nasaan si Borgo. Alam kong nandito lang siya sa paligid,” seryosong sambit ko.

“Si Klaudio na ang bahala sa paghahanap kay Borgo, Ate. Ang dapat mong gawin ay ang pagtuunan ang mga extra na dumarating dahil nasisiguro kong hindi lang itong si Human Urchin ang huli,” sabi rin niya.

Tumitig lang ako sa kaniya ng seryoso. Alam ko namang hindi rito nagtatapos ang lahat. Hanggaʼt may babaeng ahas at hanggaʼt nandito si Borgo, hindi ako makakampante.

Kinabukasan ay abala ako dahil sa rami ng gawain namin nila Chard. Pero kahit na ganoʼn ay nagawa ko pa ring pumunta kay Regina.

“May problema ba?” tanong ko sa kaniya.

Hindi siya nakaharap sa akin pero nang magtanong ako ay humarap naman na siya at huminga nang malalim.

“That girl again!” inis niyang sabi.

Tumaas ang isang kilay ko. “Si Darna ba?” alangan ko pang tanong.

“Yes. Sobrang nakakairita siya!” gigil niya pa ring sabi.

Anong problema niya kay Darna? Wala namang ginawa si Darna na ikagagalit niya.

“Sheʼs obvious, halata namang hinaharot niya si Bryan!” muling sabi niya.

Muling tumaas ang isang kilay ko. So dahil ba ito sa kumakalat na picture sa internet? Anong dahilan at ganito siya makapagreact?

“Kung hinaharot niya man si Bryan, ano naman ang koneksyon noʼn sa inis na nararamdaman mo?” tanong ko.

Tumitig siya sa akin. “Nakakainis siya. Kaibigan ko si Bryan, ayaw kong madamay siya sa kapalpakan ng Darna na ʼyon,” sagot niya.

Umayos ako ng tayo at nagpakawala ng isang malalim na hininga.

“May gusto ka pa rin kay Bryan?” tanong ko sa mababang tono.

Umawang ang bibig niya dahil sa naging tanong ko. Gusto ko lang naman malaman kung may gusto pa rin siya kay Bryan.

“Wala! Kaibigan ko si Bryan, kaibigan natin siya at ayaw ko lang talaga na madamay siya,” depensa niya naman.

“Huwag kang mag-alala, alam naman siguro ni Bryan ang ginagawa niya. At si Darna, wala naman siguro siyang oras para sa ganiyan, I mean busy siya sa pagliligtas ng mga tao,” depensa ko naman din.

“Basta sobrang nakakainis siya!” muling inis na sabi niya.

Napabuntong hininga na lang ako. Laki talaga ng galit niya kay Darna, e. Paano ko ba aalisin ang galit na ʼyon?

“Anyways, ipapakilala kita kay Daddy later. Pupunta siya rito,” sabi niya pa.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Ito ang unang beses na makikilala ko ang Daddy niya kaya siguro ganito na lang ang kabang nararamdaman ko.

“Uhm... Kinabahan ako bigla,” pag-amin kong sabi.

Natawa siya sa akin. Lumapit na siya at hinawakan ang kamay ko na ngayon ay mukhang malamig pa yata dahil sa kaba.

“Mabait naman si Daddy. Kaya lang siya strict ay kapag hindi ko naaabot ang expectations niya sa akin. Hindi naman siya magsasabi sa ʼyo ng kung ano,” sabi niya.

Ngumiti na lang ako sa kaniya. Hindi pa rin maalis ang kaba ko. Napag-usapan naman na namin ni Regina na bilang kaibigan lang muna ang pagpapakilala niya sa akin sa Daddy niya.

“Relax, honey. Mamaya mo pa naman siya makakaharap,” natatawang sabi niya pa sa akin.

Nagpakawala ako ulit ng malalim na hininga at tumango na lang sa kaniya.

“Babalik na muna ako sa trabaho ko para mamaya ay wala na akong gagawin,” paalam ko sa kaniya.

Hinalikan niya ako sa pisngi at ngumiti. “Iʼll text you later. Sasabihan kita kapag parating na si Daddy para naman makapaghanda ka,” bakas ang pang-asar sa tono niyang sabi.

Bahagya akong napanguso.

“Relax, Narda. Mabait si Daddy,” muling sabi niya.

Mabilis ko siyang hinalikan sa labi para makaalis na ako. Kailangan kong matapos agad ang trabaho ko para mamaya ay wala nang gagawin pa. Nakakahiya naman sa Daddy ni Regina kung dumating at maabutan akong may ginagawa pa.

“Okay ka lang, Narda?” tanong ni Chard nang makalapit ako sa kaniya.

Tipid akong tumango. Inayos ko na ang mga folder na inutos sa aming dalawa.

“Tungkol ba ʼto sa kumakalat na balita?” muling tanong niya sa akin.

Nangunot naman ang noo ko sa kaniya. Inayos ko na ulit ang mga hawak ko.

“Hindi naman. Wala naman akong pakielam sa mga issues na ginagawa ng mga tao. Kinakabahan ako kasi makikita ko na ang Daddy ni Regina mamaya,” sagot ko sa kaniya.

Hindi pa rin nga mawala ang kaba ko. Hindi ko alam kung dahil ba ʼto sa pagkikita namin ng Daddy ni Regina mamaya o may iba pang dahilan.

“Legal na kayo? Grabe naman talaga ang relasyon ninyo. Ibang level na!” pang-asar na sabi niya sa akin.

Umirap ako. “Hindi, ipapakilala niya ako bilang kaibigan MUNA. Syempre baka mamaya hindi pala okay sa Daddy niya ang relasyon namin, baka kung ano pang masabi kay Regina,” sabi ko naman.

Napakamot naman si Chard sa ulo niya. Napabuntong hininga na lang ako ulit. Kinakalma ko ang sarili ko dahil kanina pa mabilis ang tibok ng puso ko. Daddy lang ni Regina ang kakausapin ko mamaya pero bakit hindi ako makalma?

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon