68

1.4K 107 39
                                    

Pauwi na sana ako nang mapansin kong tumatawag si Ali. Bakit kaya?

“Hello?” sagot ko. Huminto muna ako sa paglalakad.

[“Narda, pwede bang puntahan mo si Regina?”] Agad nangunot ang noo ko nang marinig iyon.

“Bakit? May nangyari ba?” Nag-alala agad ako.

May problema kaya si Regina? Bakit biglang napatawag si Ali sa akin?

[“Medyo nagkaroon kami ng away. Galit siya sa akin at ayaw niya akong makita.”] Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit naman kaya?

“Sige, pupunta na ako. Salamat, Ali.” Pinatay ko ang tawag at agad bumalik para mapuntahan ko si Regina.

Anong oras na rin kaya nagtext na rin ako kay Ding na hindi ako makakauwi ngayon. Sinabi kong may problema si Regina kaya baka roʼn na ako matulog ngayong gabi.

Sobra ang pag-aalala ko kay Regina. Nagmadali na nga ako sa pagpunta sa unit niya. Mabilis kong pinindot ang doorbell. Sa bawat minuto na hindi iyon bumubukas ay mas lalo lang akong kinakabahan.

“Narda!” Agad siyang yumakap sa akin.

Nakasuot siya ng sando na pantulog at may robe na nakapatong. Magulo ang buhok niya at wala na ring make up kaya bakas ang maga ng mata niya. Anong nangyari sa kaniya?

“Okay ka lang ba? Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ko.

Mahigpit ang yakap ko sa kaniya. Umiiyak na naman siya kaya hinayaan ko muna saglit.

“Narda...” Ang lambot ng tono niya.

Sinabi niya sa akin ang nangyari. Hindi ko nga lang alam kung sa paanong paraan nasira ang tiwala niya kay Ali at anong dahilan kung bakit nagsinungaling si Ali sa kaniya. Nagtraydor daw si Ali sa kaniya pero hindi ko alam kung bakit at paano. Hindi ko na rin naman na tinanong kung anong dahilan dahil mukhang ayaw niya rin namang ipaalam sa akin. Nirerespeto ko naman kung anong desisyon niya.

Pinagluto ko muna siya ng pagkain. Tahimik lang siya at mukhang malalim ang iniisip. Nasabi niya sa akin na napanaginipan niya ang babaeng ahas. Sinasabi niyang siya raw ang babaeng ahas sa panaginip niya. Siguro ay masyado lang talaga siyang stress kaya lahat ng nangyayari sa paligid niya ay napapanaginipan niya na rin.

“Kumain ka pa. Ubusin mo ʼyang luto ko,” sabi ko sa kaniya nang mapansin kong hindi siya kumakain at nakatulala lang sa akin.

Iniisip pa rin siguro niya ang napanaginipan niya. Sabi ko sa kaniya ay rito na ako matutulog para may kasama siya. Bukas naman ay magd-date kaming dalawa. May pera naman ako at nakalaan talaga ʼyon para sa date naming dalawa.

“Wala akong gana... Sorry...” sagot niya sa akin.

Tipid akong ngumiti sa kaniya. Tapos naman na akong kumain at siya na lang ang hinihintay ko.

“Halika rito, pakainin kita.” Bahagya kong dinasog ang upuan ko para magkaroon ng space para sa kaniya.

Lumapit naman siya sa akin kaya hinawakan ko siya agad sa kamay at pinaupo sa hita ko. Niyakap ko ang isang braso ko sa kaniya habang ang isa naman ay inabot ang pagkain niya.

“Wala talaga akong gana...” reklamo niya. Parang bata na nakanguso pa ngayon.

“Kahit kalahati lang basta malagyan lang ng laman ang tiyan mo,” pilit ko naman.

Tinapat ko sa bibig niya ang kutsara na may pagkain. Wala naman siyang nagawa kundi ang kainin iyon. Pinakain ko lang siya habang ganoʼn ang pwesto namin at hindi niya na nga namalayan na naubos niya na ang pagkain niya.

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon