24

1.9K 138 73
                                    

Kain lang siya nang kain ng ice cream. Tumayo ako at pumunta sa pinto para i-lock ʼyon. Ayaw ko ng storbo, hindi sila pwedeng mangstorbo.

“Ay may paglock pa ng pinto,” natatawang sabi niya sa akin.

Naglakad ako ng dahan-dahan palapit sa kaniya. Napansin kong napapatingin siya sa katawan ko. Hindi ko maitago ang ngisi ko dahil sa inaakto niya.

“You know the song Under the influence?” tanong ko habang palapit pa rin ako sa kaniya.

Nakasubo lang sa bibig niya ang kutsara habang nakatitig pa rin sa akin. Sheʼs freaking hot with her position. Nakatukod ang dalawang braso niya sa tuhod niya habang bahagyang nakaangat ang ulo dahil nakatingin sa akin.

“You donʼt know what you did to me~” pagkanta ko.

Tumayo na ako sa harapan niya. Mas lalo lang niyang inangat ang ulo niya para makita ko. She smirked while looking at me.

Narda, youʼre so hot!

“Your body lightweight speaks to me~” dagdag ko pa.

Inalis niya ang kutsarang nasa bibig at sinandal niya ang sarili sa sofa. Nanatili ang titig namin sa isaʼt-isa. I lean forward to her, hindi naman siya nagpatinag.

“Are you trying to seduce me, Maʼam Regina?” mapang-asar na tanong niya sa akin.

Bahagya akong natawa. I crossed my arms and still lean on and looking at her.

“Effective ba, Narda?” taas ang isang kilay kong tanong.

Lumapit din siya sa akin kaya sobrang lapit na naman ng mukha naming dalawa. Cʼmon, Narda! Binitin mo ako kanina.

“May trabaho pa ako, Maʼam Regina. Baka hinahanap na ako,” nakangising sabi niya sa akin.

I rolled my eyes. “Narda, ang hilig mo talagang mambitin!” parang batang sabi ko sa kaniya.

Natawa naman siya. ʼYan na naman ʼyung ngiti niyang pati mata ay kasama. Sumisingkit na naman ang mga mata niya sa tuwing ngingiti siya.

“Maʼam Regina, ano ba tayo?” tanong niya.

Napaayos ako dahil sa naging tanong niya. Ano nga ba kaming dalawa?

“More than friends but less than lover?” sagot ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang pagtayo niya. Pantay na naman ang mukha naming dalawa. May ngiti pa rin sa labi niya at ang paningin niya ay kung saan-saan na napupunta.

“May trabaho pa ako. Baka matanggal ako dahil wala na akong ginawa kundi harutin ka,” natatawang sabi pa rin niya.

Iniyakap ko ang dalawang kamay ko sa bewang niya. Napagawi roʼn ang tingin niya pero agad ding ibinalik sa akin.

“Iʼm your boss, Narda. And you think I can fire you?” mataray kong tanong sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot. Naramdaman ko na lang ang labi niyang nakadikit na ulit sa labi ko. This time, itʼs not a simple kiss anymore. Naramdaman ko ang marahang paggalaw ng labi niya sa labi ko.

Mas lalo ko siyang hinapit palapit sa akin. I can feel her body in mine now. I closed my eyes and feel her lips.

“Honey...” mahinang sabi ko sa pagitan ng halikan namin.

Habol ko ang hininga ko nang magbitaw ang labi naming dalawa. Wow! That was so hot!

“Babalik na ako sa trabaho ko. Kita na lang tayo bukas,” paalam niya.

Pinunasan niya pa ang gilid ng labi ko. Hindi ko alam kung nang-aasar ba ang ngiti niya ngayon or normal lang ʼyon.

“See you tomorrow...” sabi ko rin.

After work niya ay uuwi na rin siya dahil minsan ay gabi na rin natatapos ang work niya. Kapag hindi ako busy ay dadaan ako sa office nila mamaya.

Hindi na naman maalis ang ngiti ko nang bumalik ako sa pwesto ko. Ganado na naman akong magtrabaho nito dahil kay Narda.

“Regina?” I heard Ali again.

Tumaas lang ang kilay ko sa kaniya. Hindi siya mapakali habang nakatingin sa akin. Tumayo ako at lumapit sa table kung saan nakalagay ang dapat gagawin kong vegetable salad kanina.

“What is it, Ali?” tanong ko at sinimulan ko na ulit gawin ang vegetable salad ko.

“Bad news... May nakaalam sa ginawa natin kay Protacio,” sagot niya.

Natigilan ako sa narinig ko. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang account ko. Wow! Ako ang sinisisi nila dahil sa nangyari kay Protacio?

“Bakit mo hinayaang mangyari ʼto, Ali?” sigaw ko sa kaniya. “Ako ang sinisisi nila ngayon dahil sa nangyari kay Protacio! Ano na lang ang sasabihin ni Daddy sa akin?!” hindi ko mapigilan ang emosyon ko.

Hinagis ko ang bowl na may lamang vegetable salad. Napahawak ako sa ulo ko at naipikit ang mga mata ko.

“Ginagawaan ko naman na ng paraan, Regina. Kinakausap ko na siya at pera lang ang kailangan niya para manahimik siya,” natatarantang sagot ni Ali.

“Siguraduhin mong matatahimik siya, Ali. Hindi ako papayag na siya ang magiging dahilan para mas lalong magalit si Daddy sa akin.”

Mabilis akong umalis para pumunta sa room ko. Hindi ko mapigilan ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Sobra sobrang galit ang nararamdaman ko at ang isipin na magagalit si Daddy sa akin dahil sa pinagawa ko kay Ali ay mas lalong nakadagdag sa nararamdaman ko.

“Patayin mo siya, Regina...” What is that? Iʼm hearing voice.

“Kailangan mo siyang patayin, Regina. Guguluhin niya ang relasyon mo sa Daddy mo...” WHAT IS THAT?!

Napahawak ako sa ulo ko. Iʼm hearing voices. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon.

“Ipakita mo ang totoong ikaw, Regina.”

“Stop!” malakas na sabi ko.

Napaluhod na ako sa sahig habang nakahawak pa rin sa ulo ko. Iʼm not crazy. Hindi totoo ang mga naririnig ko.

“Ilabas mo ang totoong ikaw. Ikaw si Valentina!”

I donʼt know what happened next. Basta na lang nagdilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Nagising na lang ako na nasa kotse na ako at si Ali ang kasama ko. Anong nangyari? Bakit nandito ako?

“What happened, Ali?” tanong ko habang nakahawak pa rin sa ulo ko.

“Ah... Regina... Nawalan ka kasi ng malay kanina,” sagot niya.

Masakit pa rin ang ulo ko. May narinig akong siren ng pulis kaya agad akong napatingin sa labas ng kotse.

“Is that Bryan and Narda?” takang tanong ko.

Agad akong lumabas para lapitan sila. May isang lalaking nakahiga at puro sugat or should I say tuklaw ng ahas?

“Patayin mo siya, Regina. Hindi siya pwedeng mabuhay dahil ibubuko ka niya...”

May naririnig na naman akong boses. Napahawak na naman ako sa ulo ko. Namatay ang lalaki, natigil ang mga boses na naririnig ko pero ang kaba ko ay hindi maalis sa akin. What was that?

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon