Ang dami kong iniisip at hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Nakakainis ang Mayor Zaldy na ʼyon. Bakit hindi na lang masibak sa pwesto ang corrupt na Mayor na ʼyon?
Arrghh! Nakakainis talaga. Sigurado akong magagalit na naman si Daddy sa akin nito, e.
“Good morning, Maʼam!” Nakangiting bati ni Narda sa akin.
Hindi ko naman siya pinatawag pero nandito siya. Well, thatʼs good kasi may kasama na ako ngayon at kakalma na ako.
“Good morning, Narda!” bati ko rin pabalik.
Naabutan niya akong nakatayo at may hawak na wine kaninang pumasok siya at ngayon ay nakatingin na siya sa hawak ko.
“Ang aga mo namang umiinom. Nagbreakfast ka na ba?” tanong niya.
Bahagyang napataas ang kilay ko at binalingan ang wine na hawak ko. I should put this on the table, baka magalit pa si Narda sa akin kapag ininom ko ulit ito ngayon.
“Sorry ʼbout that. Ganito lang talaga ako kapag maraming iniisip,” sagot ko at tuluyan nang inilapag ang baso.
May inabot siya sa akin na folder na about sa isang client ko. Ilang minuto pa siyang nagstay rito at nagkwentuhan kami saglit.
“Balik na po ako sa trabaho ko, Maʼam. May gagawin ka rin yata,” sabi niya.
“Sure. You can go here anytime para naman may kakwentuhan ako minsan.” Bahagya pa akong natawa sa huli kong sinabi.
Well, hindi lang kwentuhan ang gusto ko, e. Gusto ko siyang maging kaibigan, gusto kong mas mapalapit pa sa kaniya.
After Narda left the office, wala na naman akong ibang magawa. Tapos na akong magvlog, tapos na rin akong basahin ang mga documents about some clients.
“Regina?” Ali called me.
“Yes?” taas ang isang kilay na tanong ko.
“Nagbigay ng mga donations at libreng gamutan ang mga EMTs mo sa covered court ngayon,” sabi niya.
Mas lalong napataas ang kilay ko. “Thatʼs good!” bakas ang tuwa sa tono ko.
Hindi ko na kailangan pang utusan ang mga EMTs ko sa mga dapat nilang gawin dahil alam naman na nila kung anong dapat.
“Dumating din si Mayor Zaldy,” dagdag niyang sabi.
Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang pangalan ng bwisit na Mayor na ʼyon. As usual, pakitang tao na naman siya at magpapacute na naman sa harapan ng camera.
“Si Narda ba? Nandoon din ba siya?” I suddenly ask.
Tumango si Ali. “Nandoon lahat ng EMTs na nagtatrabaho sa foundation mo,” sagot niya.
Tumango-tango ako. At least alam ko kung nasaan si Narda. I know that sheʼs safe now.
“Gusto mo bang pumunta?” tanong pa ni Ali.
Gusto ko sana pero naisip ko ang sinabi ni Narda kanina. Baka magalit pa sa akin ʼyon kapag nakita akong nasa court at hindi sumunod sa sinabi niya.
Oh Right, Regina. Youʼre thinking too much.
“No. Iʼm okay here. May mga dapat pa akong gawin, Ali.” Kahit wala naman na talaga. Gusto kong pumunta sana roʼn pero huwag na lang.
“Sige, Regina. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka,” sabi niya.
I just nod. Gusto kong magmuni-muni rin muna ngayon dahil wala naman akong ibang gagawin and I am bored right now.
Kinuha ko na lang ang wine ko at nagbalak na lang na uminom. Okay lang naman siguro kay Narda na uminom ako ngayon? Hindi na umaga and kumain naman na ako so okay lang siguro?
“What you did to me, Narda? Bakit ganito na lang ang mga inaakto ko kapag ikaw na ang naiisip o nakikita ko?” pagkausap ko sa sarili ko.
Ibinuhos ko na lang sa ibang bagay ang atensyon ko. Hindi ko na nga namalayan ang oras at inabot na ako ng gabi rito sa office ko. I called Bryan to get some news about what happened earlier.
“Sino ʼyon? Are you with someone right now?” tanong ko. May kakaiba akong nararamdaman ngayon.
[“Ah si Narda. Narda Custodio. Isa mga EMTs natin,”] sagot niya.
Nagbago ang mood ko dahil sa sinagot ni Bryan. Bakit sila magkasama?
[“Hi, Maʼam!”] I heard Nardaʼs voice.
I heave a sigh. Cʼmon, Regina. Okay lang ʼyan, okay lang na magkasama sila. Hindi big deal ʼyan, Regina. Just calm down... Just cal---fvck! No!
“Bakit magkasama kayo?” Hindi ko na napigilang magtanong.
Hide your emotions, Regina. Baka mahalata ka nila dahil sa tono mo.
[“Nauna siya sa ʼkin doʼn, e. Nakipagkita si Sally kay Javier kasama siya. Kaya sila nasundan ng mga goons,”] sagot ni Bryan.
My eyebrows furrowed. Is Narda okay? Paano na lang kung napahamak siya sa pinuntahan nila? Gosh, Narda! You makes me worried.
“Oh God! Is she okay?” I hope she is. Her safety is more important.
[“Ay, Maʼam, ayos lang naman po ako. Buti nga po dumating ʼyung magaling na pulis, e. Kung hindi baka napahamak na po kami.”] Sounds happy, eh?
Calm down, Regina. Itʼs okay, just calm down.
“Thatʼs good to hear...” Again, I let my deep sigh out. “Sige na, Bryan. Magmaneho ka na lang muna, saka na tayo mag-usap.” I ended the call.
Mabilis kong kinuha ang isang baso kong may laman na wine at ininom iyon ng isang lagukan lang.
“Kami ni Bryan ang partner sa kasong ʼto. Bakit sila ni Narda ang magkasama?” naitanong ko na lang sa sarili ko.
Muli akong nagsalin ng wine sa baso ko. Hindi ko mapangalanan ang emosyong nararamdaman ko ngayon.
Gusto kong kami lang ni Narda ang close. Sounds possessive pero iyon talaga ang gusto ko. I want Narda to be my friend, mine and mine only.
“I like Bryan, I really like him...” I convinced myself.
Muli akong nagsalin ulit ng wine. Naiinis ako sa hindi malamang dahilan. Ang isipin na magkasama silang dalawa ay nakakapagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam.
“Narda makes me confused.”
And I donʼt know what to do. Should I let myself in this kind of situation?
“Let everything falls into places. Yeah, I will let myself in this kind of situation. Soon, I will figure it out. But now, let me enjoy the happiness that Narda brought to me.”
Muli akong uminom sa pangatlong salin ko ng wine. I need this, kailangan kong pakalmahin ang sarili ko.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...