38

1.6K 124 26
                                    

Nag-aasaran pa kami nang tuluyang makarating sa office. Minsan nga naiisip ko na mas lalong nadadagdagan ang inggit sa akin nung tatlong babaeng kasamahan ko, e.

Sige lang, mamatay na lang sila sa inggit.

“Mamaya ulit? Meryenda naman!” sabi pa ni Andre.

Natawa na lang ako at tumango. Binalik ko na ang atensyon ko sa naiwan kong gawain kanina. Pero ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay may naramdaman naman ako sa gilid ko kaya napatingin ako.

“Ali?” takang banggit ko sa pangalan niya.

“Narda, pwede mo bang puntahan si Regina?” sabi niya sa akin.

Agad namang nagsalubong ang kilay ko. Anong meron?

“Bakit? Anong nangyari?” nakaramdam ako agad ng pag-aalala dahil sa sinabi ni Ali.

“Nasa cr siya. Umiiyak kasi, e. Hindi naman ako pwedeng pumasok sa cr at saka alam kong ikaw lang naman kailangan niya ngayon,” sabi niya pa.

Tumango ako at mabilis na iniwan ang ginagawa ko para puntahan si Regina. Ano kayang nangyari? Bakit naman umiiyak si Regina?

Nang makapasok ako sa cr ay pinakinggan ko muna kung nasaan siya. May isang nakasarang cubicle kaya sigurado na akong nandoon siya.

“Regina?” pagtawag ko.

Ilang saglit lang naman akong naghintay at lumabas na rin siya agad. Umiiyak siya kagaya ng sabi ni Ali. Mabilis akong yumakap.

“May problema ba?” malambing kong tanong.

Ilang minuto pa siyang nakayakap sa akin kaya hinayaan ko na lang din para naman gumaan ang pakiramdam niya.

“Narda... I think Iʼm crazy,” sabi niya.

Nakaupo na kami ngayon at nakasandal sa pinto ng cubicle. Nakatrouser naman siya kaya malaya lang din siyang nakakaupo at hindi siya masisilipan.

“Ano ba kasing nangyari?” tanong ko.

Nakapatong ang mga braso namin sa aming mga tuhod. Hinihintay kong magsalita si Regina tungkol sa problema niya.

“Narda, Iʼm hearing voices. Hindi sila nawawala, I think Iʼm crazy!” umiiyak na namang sabi niya.

Nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi na naman malaman kung ano ang totoong emosyon dahil sa rami nito.

“Regina, tumingin ka sa akin,” utos ko sa kaniya.

Tumingin nga siya kaya mas nakita ko ang mga mata niyang puro luha.

“Narda...” parang batang pagtawag niya.

“Hindi ka baliw, okay? Masyado ka lang nastress dahil sa mga kasong hawak mo at pati na rin dahil sa mga nangyayari sa lugar natin. Hindi ka nababaliw, honey.”

Ngumiti ako sa kaniya para ipakitang ayos lang ang lahat. Wala siyang dapat ipag-alala dahil nandito naman ako para sa kaniya.

“Natatakot kasi ako, Narda. What if malaman ni Daddy ang nangyayari sa akin? Mas lalo lang siyang magagalit sa akin, Narda. Ayaw kong mangyari ʼyon,” muling sabi niya.

Niyakap ko ulit siya saglit. Matapos noʼn ay hinawakan ko ang kamay niya at tumitig muli sa mga mata niya.

“Maayos ang lagay mo. Hindi siya magagalit dahil okay ka lang, Regina. Tandaan mong nandito ako palagi para sa ʼyo. Kailangan mo lang ng taong handang makinig palagi sa ʼyo para maiwasan mong mag-isip ng kung anu-ano. Nandito ako,” malambing na sabi ko sa kaniya.

“Iyon nga talaga ang kailangan ko, Narda. ʼYung handang makinig sa akin,” nakangiting sabi niya naman.

Pinunasan ko ang mukha niya na nabasa dahil sa luha niya. Hindi dapat umiiyak ang magandang mata niya. Dapat palagi lang siyang masaya. Ayaw kong nakikitang umiiyak siya sa kahit na anong dahilan pa.

“Nandito lang ako. Hindi kita iiwan,” paniniguro ko sa kaniya.

Mahigpit ang hawak namin sa kamay ng isaʼt-isa. Walang may gustong bumitaw ni isa man sa amin. Handa naman naming hawakan ito hanggang sa huli, handa naming ipaglaban kung anong meron kami.

“Balik na tayo sa trabaho, marami pa tayong dapat tapusin,” sabi niya.

Nauna akong tumayo para maalalayan ko siya. Inayos ko pa ulit ang sarili niya dahil halatang umiyak siya. Inayos ko ang magandang buhok niya.

“Palagi lang akong nandito, kapag may problema ka ay tawagin mo lang ako at makikinig ako sa ʼyo. Dadamayan kita hindi lang sa saya kundi pati rin sa problema, Regina. Magkasama nating haharapin ang mga problemang darating sa atin,” seryosong sabi ko sa kaniya.

Tumango siya habang may ngiti sa labi. Gumaan na ang pakiramdam ko dahil mukhang maayos naman na rin siya.

Bumalik kami sa trabaho namin. Ilang oras pa ang bubunuin bago matapos ang mga ito. Pero ngayon ay maayos na ako dahil nagkasama naman na kami ni Regina.

And speaking of Regina. Nakatanggap ako ng text mula sa kaniya. Kauupo ko pa nga lang pero may text na agad siya.

From: Regina

“Dinner tayo sa condo ko? May lakad ka ba mamaya?”

Napangiti naman ako habang nagtatype ng reply sa kaniya.

To: Regina

“Sige. Magpapaalam ako kay Lola. Sure ka bang dinner lang ang gagawin natin sa condo mo?”

Gusto kong matawa dahil sa pinagsasasabi ko. Nang-aasar lang naman ako pero kung tototohanin niya, bakit hindi ʼdi ba?

From: Regina

“Letʼs see later.”

Naiiling na lang ako habang natatawa nang ilapag ko ang phone ko. May wink emoji pa kasi siya sa text niya.

Bigla tuloy parang gusto ko nang matapos agad ang oras para magkasama na ulit kami at nang makapagdinner na kami sa condo niya. Parang bigla akong na-excite sa isiping magkakasama kami na kami lang talagang dalawa.

Ikalma mo sarili mo, Narda. Baka isipin ni Regina masyado kang ano sa kaniya.

“Ganda ng ngiti ni Narda! Anong meron?” tanong ni Andre.

Nandito na naman siya para mang-asar sa akin. Tapos na siguro siya sa trabaho niya kaya ako ang binubwisit niya ngayon.

“Nagtatrabaho ako kaya huwag kang magulo,” sabi ko naman.

Mapang-asar na tingin at ngiti ang binigay niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko at nagsalubong ang kilay dahil sa kaniya.

“Inspired ba ang Narda namin? Sinong dahilan?” tanong niya na naman.

Hindi talaga ako titigilan nito sa pang-aasar. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa computer at hindi na pinansin pa si Andre.

“Siguro si PO2 Robles ang dahilan. Halata namang crush ni Narda si Sir Robles,” sarcastic na sabi ng isa sa may inggit sa akin.

Hindi ko naman sila ka-close kaya wala na akong pakielam sa mga pangalan nila. At saka isa pa, hindi ko crush si Bryan. Baka sila ang may crush kay Bryan kaya ang laki ng galit nila sa akin. Isaksak nila sa baga nila si Bryan, wala akong pakielam dahil hindi ko naman siya gusto.

Si Regina lang ang dahilan kung bakit parang tanga akong nakangiti palagi.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon