Nagpunta na kami sa kapitbahay. Ipakikilala ko si Regina kila Mara ngayon.
“Huwag kang mahihiya sa kanila, a. Mababait naman sila,” sabi ko habang palapit na kami.
“Of course. Alam ko namang mababait ang mga tao rito,” nakangiting sagot naman niya.
“Nandiyan si Bessy!” rinig ko agad ang boses ni Mara.
“May kasama. Boss niya yata ʼyon!” sabi naman ni Kuya Gardo.
Nang makalapit na kami sa kanila ay magkakasama na sila ngayon. May mga ngiti sa labi habang nakatingin sa amin.
“Magandang Umaga po sa inyong lahat!” bati ni Regina sa mga ito.
“Magandang Umaga rin!” bati rin ng mga ito sa kaniya.
“Ah si Regina po pala. Boss ko siya,” pakilala ko naman.
Binati nila ulit si Regina. Nagkatuwaan pa ang iba dahil sa naging biro ng mga ito. Pati si Regina nga ay natutuwa rin sa kanila.
“Excuse lang saglit, a. Kausapin ko lang bessy ko,” sabi ni Mara.
Hinatak niya ako palayo sa iba pa. Taka naman akong napatingin sa kaniya dahil sa biglaang pagsundot niya sa tagiliran ko.
“Umamin ka nga sa akin!” nanlalaki ang mga mata niyang sabi.
Nagsalubong naman ang kilay ko. “Anong aaminin ko?” takang tanong ko.
Mas lalo niya lang nilakihan ang mga mata niya. Anong problema ng isang ʼto?
“Bestfriend mo ako! Pinagpalit mo na ba ako?” Bigla naman siyang nag-inarte at hinawakan ako sa braso.
“Ha?”
“Kitang-kita ko naman kung ano ka! Huwag mo nang ideny pa, bessy. Alam kong bading ka!” mariing sabi niya sa akin.
Napaawang lang ang bibig ko. Napangiti naman siya dahil mukhang nakuha niya ang sagot na gusto niya.
“Halata ka kasi! ʼYung mga tingin mo sa kaniya tapos mga ngiti mo. Hay nako, bessy! Masyado kang halata na bading ka!” sabi niya pa.
“Oh ano naman?” taas ang isang kilay kong tanong.
Siya naman ngayon ang nagulat sa akin. Natawa na lang ako at napailing.
“So kayo na?” tanong niya. Halatang excited malaman ang sagot ko.
Tumango lang ako. Tumili siya at niyugyog pa ako. Napatingin tuloy sa amin ang iba naming kasama kaya tumigil din agad si Mara.
“Magkwento ka! So ano na? Nag-ano na ba kayo? Kiss?” excited niyang tanong.
Nanlaki ang mga mata ko. “Hoy! Hindi ka man lang ba tutol sa relasyon namin?” mariing tanong ko.
“Hindi. Bakit naman ako tututol?” takang tanong niya.
Grabe! Bakit parang lahat sila ay sang-ayon sa kung anong meron kami ni Regina?
“So ano nga? Nagkiss na kayo for sure!” sabi niya pa at tumingin sa gawi ni Regina.
Ngumiti sa amin si Regina nang magsalubong ang paningin namin. Ginantihan ko rin siya ng ngiti.
“Oo. Nagkiss na kami,” sagot ko kay Mara. Niyugyog na naman tuloy niya ako.
“Anong klaseng kiss?” muling tanong niya.
“Kung anong kiss ang madalas gawin ng couple,” simpleng sagot ko naman.
“Omg! Torrid? French?” Nanlalaki ang mga matang tanong niya sa akin.
Nagsalubong na naman ang kilay ko. “Anong french?” Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya.
“French kiss. ʼYung ano... kapag magkikiss na kayo ay kasama na ang you know... tongue,” sagot niya na medyo naiilang na.
Bakit niya ba kasi tinatanong pa? Ang tsismosa naman ng bestfriend ko.
“Oo nagawa na rin namin ʼyan. Huwag ka nang magtanong pa ulit,” pigil ko na sa kaniya.
Umakma naman siyang zinipper kunyari ang bibig niya. Natawa akong inangkala ang braso ko sa kaniya at hinatak na siya pabalik sa pwesto kung nasaan sila Regina.
“Balik na po kami sa bahay. Lunch time na rin kasi,” sabi ko sa kanila.
Tumango naman sila sa amin at nagpaalam na rin. Inalalayan ko si Regina habang naglalakad.
“Hoy, bessy! Marami kang utang na kwento sa akin!” sigaw pa ni Mara.
Tumango na lang ako sa kaniya at kumaway. Natatawa si Regina sa akin kaya bahagya kong pinisil ang bewang niya.
“What?” takang tanong niya sa akin.
“Tinatawanan mo yata ako, e!” sabi ko naman.
Papasok na kami sa loob. Naamoy ko agad ang mabangong niluluto ni Lola. Nakakagutom naman ʼyon.
“Sigurado akong magugustuhan ninyo ito,” sabi ni Lola.
Pumwesto na kami sa hapag. Naayos na ni Ding ang mga kagamitan kaya hinihintay na lang namin ang pagkain.
“Adobo na walang sabaw tapos maanghang?” tanong namin ni Regina.
Sabay kaming natawa ni Regina pagkasabi namin noʼn. Parehas naming gusto ang adobong walang sabaw na maanghang.
“Oo. Mapapalakas yata ang kain ninyo rito, a!” nakangiting sabi naman ni Lola sa amin.
Naglapag na ng kanin si Ding kaya pinaglagay ko na si Regina sa plato niya. Pinanonood niya lang ako habang inaasikaso ko siya.
“Ganiyan talaga si Ate, maalaga siya at talagang aasikasuhin ka niyan,” sabi ni Ding na kauupo lang sa tapat namin.
“Oo nga, e. Pero ginagawa ko rin naman sa kaniya ang ganito. Bigayan naman talaga sa isang relasyon,” sagot naman ni Regina.
“Oo, tama iyon mga apo. Hindi pwedeng palaging isa lang ang kikilos sa inyo. Kapag din may problema kayo ay pag-uusapan ninyo agad para maayos at hindi na lumaki pa,” sabi naman ni Lola na kararating lang at may dalang mangkok na may ulam.
“Opo, Lola. Hindi naman namin hinahayaang magkaroon ng malaking problema. Saka parehas naman po kaming kumikilos para sa isaʼt-isa.”
Napatingin ako kay Regina. Todo ang ngiti niya sa akin ngayon kaya napangiti na rin ako.
“Healthy relationship. Maganda ang ganiyan!” sabi naman ni Ding.
Oo nga, sa sobrang healthy ay saganang-sagana rin kami sa isaʼt-isa. Pfft. Kung anu-ano na namang naiisip ko.
“Kain na tayo. Gutom na yata kayo,” sabi ni Lola.
Natawa ako dahil totoo naman ʼyon. Gusto ko nang kumain kaya naman nauna na akong kumuha ng ulam pero kay Regina ko iyon binigay muna.
“Ang sweet talaga ni Narda...” malambing na sabi ni Regina.
“Ang sweet ninyong dalawa,” sabi naman ni Lola na todo ang ngiti sa amin ni Regina.
Nagsimula na kaming kumain. Nagkukwentuhan ng kung anu-ano at nakakatuwa an habang kumakain. Ang sarap lang sa feeling na ganito. Sana ganito na lang palagi ano?
“Ang sarap talaga!” sabi ni Regina. Nakakarami na nga siya ng kain.
“Kahit araw-araw kang pumunta rito ay okay lang sa akin. Ipagluluto kita ng kahit anong gusto mo, Regina.”
Tanggap na tanggap talaga ni Lola si Regina. Sobrang saya ko dahil doon.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...