62

1.1K 82 20
                                    

Nilibre nga kami ni Regina. Ngayon ay nilalapag na ang mga pagkain na order namin.

“Grabe palang biruin si Maʼam. Ang galante!” sabi ni Chard kaya siniko pa siya ni Andre.

Natawa naman si Regina. “Oo, kaya huwag mo akong bibiruin,” sagot niya naman kay Chard.

Nagsimula na kaming kumain ngayon. Kagaya ng nakasanayan ko ay pinaghanda ko muna si Regina ng para sa kaniya bago ko ihanda ang pagkain ko.

“Narda...” mahinang tawag niya sa pangalan ko.

Taka ko siyang tiningnan. Pasimple naman niyang tiningnan ang dalawa at saka ngumiti. Gets ko naman agad kung anong gustong iparating ni Regina.

“Kain lang nang kain. Ang dami nating pagkain,” sabi ko sa dalawa.

Taka kasi silang nakatingin sa amin ni Regina. Kung magtatanong naman sila sa kung anong meron kami ni Regina ay sasagutin ko sila ng tama. Pero kung hindi naman sila magtatanong ay hindi rin ako magbabanggit nang kahit na anong tungkol sa amin ni Regina.

“Kain na, Regina.”

Nilagyan ko pa ng water ang baso niya. Nagsimula na akong kumain at hinayaan na lang silang tatlo.

“Ah... Kain na nga tayo!” sabi ni Andre.

Masyado yatang naging awkward sa pagitan namin dahil tumahimik sila. Masarap kumain kaya mas uunahin ko na muna ʼto kaysa isipin kung bakit sila natahimik.

“Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagpunta si Darna sa lugar natin, Maʼam!” sabi ni Chard.

“Huwag mong ipahalatang fan ka ni Darna. Mahiya ka ng konti kay Maʼam,” saway naman ni Andre.

“No. Itʼs okay.” Ngumiti si Regina sa kanila. “I know pare-parehas naman kayong fan ni Darna. Kahit naman si Narda ay gusto si Darna,” sabi pa ni Regina at bumaling sa akin.

Tipid lang akong ngumiti.

“Okay naman kasi talaga si Darna, Maʼam. Sobrang galing niya at tumutulong siya sa maraming tao. Para sa akin ay hindi siya palpak. Nagkakataon lang talaga na may mga konting aberya kapag may inililigtas siya pero hindi naman ibig sabihin noʼn ay mali siya palagi,” sabi naman ni Chard.

Nakatingin lang ako kay Regina at tinitingnan ang bawat emosyon niya. Ang ngiting nakikita ko ngayon ay ang ngiti niya noong kausap niya si Darna; plastic ang ngiti niya.

“Huwag na nating pag-usapan pa ʼyan. Kumain na lang tayo,” sabi ko dahil ayaw kong mawala pa sa mood si Regina.

“Pero infairness, Maʼam! Ang galing mong magkipag-usap kay Darna. Abogadong-abogado ang dating. Hanga ako sa inyo,” dagdag pa ni Chard.

Natawa si Regina. “Thanks for that,” sinserong sagot naman niya.

Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain namin. Nagkwentuhan naman kami pero hindi na tungkol kay Darna.

“Grabe busog na busog ako!” sabi ni Andre na nakahawak pa sa tiyan niya.

“Paano kasi halos ikaw na nakaubos nung ulam natin,” sabi ko naman.

Natawa na lang si Regina at Chard sa sinabi ko. Sabay-sabay na rin kaming bumalik sa loob ng pinagtatrabahuhan namin.

“Salamat po ulit, Maʼam Regina!” sabi ni Chard.

Tumango lang si Regina. “Minsan lang naman ʼto kaya sinulit na,” sagot ni Regina.

Humarap siya sa akin at ngumiti. Binigyan ko rin siya ng ngiti na madalas kong ipakita sa kaniya.

“Nag-enjoy akong kasama mga kaibigan ko, Narda. Sa uulitin ulit,” sabi niya naman at bahagya pang natawa.

“Sige lang. Ako naman manlilibre sa susunod,” sabi ko naman.

Bumalik na kami sa kani-kaniyang trabaho namin. Naging abala kaming lahat at anong oras na rin kaming natapos. Nagpresinta pa nga si Bryan na ihatid ako pero tumanggi naman na ako. Ayaw kong mag-isip si Regina ng kung anu-ano. Hanggaʼt maari nga ay iniiwas ko ang sarili ko sa mga bagay na pwedeng makasakit kay Regina.

“Ate!” bungad ni Ding sa akin.

Nilapag ko ang bag ko at nagmano ako kay Lola. Umupo ako sa tabi nila at sinandal ang sarili sa sofa. Sobrang nakakapagod ngayong araw.

“Okay na kayo ni Ate Regina?” tanong niya pa sa akin.

Tumango lang ako.

“Sinabi mo na ba sa kaniya ang totoo?” tanong naman ni Lola. Napabaling ako sa kaniya.

“Hindi pa, Lola. Tama nga sigurong huwag ko na lang sabihin sa kaniya.”

Ilang minuto pa kaming ganoʼn. Hindi na ako nagdinner dahil busog ako sa rami ng nakain namin kaninang tanghali. Nagbihis at nagpaalam na akong matutulog na dahil maaga pa ako bukas.

Nakagayak na ako nang lumabas ako sa kwarto. Naabutan ko si Lola na inaayos ang baon naming pagkain.

“Ate, umatake na naman ʼyung babaeng ahas!” sabi ni Ding sa akin.

Binuksan niya ang TV para makita namin ang balita. Mayroon ngang pinatay na dalawang lalaki ang babaeng ahas. Ang sabi ng mga pulis ay magnanakaw ang mga ito. Ayon din naman sa biktima ay nakita niya kung paanong pinatay ng babaeng ahas ang dalawang nagtangkang nakawan siya.

“Naglalakad lang po ako pauwi nung may humarang sa akin. Pang tuition ko po ang pera na nasa akin at nagmakaawa po ako sa kanila na huwag nilang kunin,” sabi ng biktima.

“Dumating po ang babaeng ahas at pinuluputan ng dalawang malaking ahas na galing sa ulo niya ang dalawang lalaki. Tinuklaw po ng mga ahas niya ang dalawang lalaki at lumapit po siya sa akin para tanungin ako kung okay lang ba ako,” dagdag pa nito.

Salubong na salubong ang kilay ko habang nakatingin sa TV. Pupurihin na naman ng mga tao ang babaeng ahas na ʼto.

“Ayon sa biktima, sinabi ng babaeng ahas kung ano ang pangalan niya. Ang babaeng ahas ay si Valentina,” sabi naman ng reporter.

“Nagpakilala na siya, Ate. Tingin ko ay nagugustuhan niya ang atensyon na nakukuha niya sa mga tao,” sabi naman ni Ding.

Napaisip ako tungkol sa babaeng ahas. Imposibleng walang ibang tao sa likod ng pagiging Valentina niya.

“Kung may Narda sa likod ni Darna. Sigurado akong may ibang tao rin sa likod ng babaeng ahas. Iyon ang dapat kong malaman. Kailangan kong malaman kung sino siya.”

At kailangan ko siyang mahuli agad. Hindi pwedeng mas lalo pang patagalin ang mga ginagawa niya. Kailangan niyang tumigil na sa pagpatay dahil hindi iyon tama.

“Mag-iingat ka sa kaniya, Ate. Matalino at walang iniwang bakas ang babaeng ahas, magaling siyang kikilos,” sabi naman ni Ding.

Napatitig ako sa kaniya. Puno ng takot ang puso ko dahil sa babaeng ahas pero hindi ako pwedeng pangunahan nito. Kailangan kong hanapin kung sino siya. Kailangan nang tapusin ang ginagawa niya.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon