Naiwan ako rito sa room ni Bryan para samahan siya saglit. Si Regina at Ali naman ay bumalik na sa office para ayusin ang mga gawain ni Regina ngayong araw. Hindi pa napupunta si Regina sa amin dahil busy siya noong weekend, siguro ay sa darating na weekend pa siya mapunta.
“Narda...” pagtawag ni Bryan sa akin.
Mabilis akong lumapit sa kaniya para tulungan siyang umupo. Mabuti na lang talaga at maayos siya.
“Dahan-dahan lang, hindi ka pa pwedeng gumalaw masyado,” bilin ko sa kaniya.
“Okay lang ako. Salamat!” sabi niya naman.
Pinanood ko lang siya. Natatawa siyang napatingin sa akin kaya inirapan ko na lang. Mukhang kulang pa ang nangyari sa kaniya, ang bilis niyang makarecover, e. Nagagawa na agad mang-asar kahit sa simpleng tawa lang.
Naaasar ako kahit hindi siya nang-aasar. Allergic ako sa mga tulad niya. Allergic ako sa lalaki.
“Mukhang okay ka naman na, maiwan na kita rito kasi may trabaho pa ako,” paalam ko sa kaniya.
Tumango naman siya. “Oo. Salamat, Narda!” nakangiting sabi niya pa sa akin.
Tumango na lang ako at tinalikuran na siya. May magbabantay naman sa kaniya rito at saka safe naman siya. Kailangan niya lang ng mahabang pahinga para gumaling siya kaagad.
“Sabay tayong magluch, Narda?” pag-aaya ni Andre sa akin pagpasok ko sa office.
“Sige lang. Marami bang gagawin ngayon?” tanong ko naman.
“Wala namang masyado. Depende na lang kung may emergency,” sagot niya.
Napatango na lang ako at naupo na sa pwesto ko. Nakakaramdam ako ng antok pero pinipigilan ko ang sarili ko. Masyado kasi talaga akong napaaga ngayon.
“Kumusta naman si Bryan?” tanong niya pa kaya muli akong napabaling sa kaniya.
“Ayos naman. Mukhang ready na ulit sa susunod na bakbakan,” sagot ko naman at sabay na naming tinawanan ang sinabi ko.
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin ngayon. May ilang soft copy na dapat iprint pero bago ʼyon ay may aayusin pa kaya iyon na muna ang ginawa ko.
Hindi ko na nga namalayan ang oras dahil masyado akong okupado ng mga gawain. Nagulat na lang ako nang tawagin na ako ni Andre at sinabing maglunch na kami.
“Wait lang,” sabi ko at mabilis kinuha ang phone ko.
Tinawagan ko si Regina. Ilang segundo lang naman saka niya iyon sinagot.
“Naglunch ka na?” tanong ko. Napatingin pa ako sa gawi ng mga kaibigan ko.
[“Not yet. Ang dami kong inaasikaso ngayon,”] sagot niya. Feeling ko ay nakabusangot na siya ngayon.
“Sasabay kasi ako kila Andre. May pagkain ka na ba? Maglunch ka muna tsaka mo ituloy ang ginagawa mo,” bilin ko sa kaniya.
[“Yeah, sure. Okay lang ako, kakain ako mamaya kapag nagutom ako.”] malambing pa rin ang tono niya.
Paeng gusto ko na lang tuloy pumunta sa office niya at totoohanin ang sinabi niyang pakalmahin ko siya roʼn.
Magtigil ka, Narda. Kung anu- anong naiisip mo.
“Sige. Basta kumain ka, a. Mamaya pupuntahan kita after work,” sabi ko pa.
Nagpaalam na siya kaya pinatay ko na ang tawag. Mabilis akong lumapit sa mga kaibigan ko at inaasar naman nila ako ngayon kung sino raw ba ang kausap ko at todo ngiti ako.
“Si Bryan siguro ʼyon!” sabi pa nila.
Natatawa na lang ako sa kakulitan nila. Sa tapat lang ng office kami kumain dahil may nagtitinda naman doon ng pagkain.
“Narda, tanong ko lang kung anong tipo mo sa isang lalaki?” tanong ni Andre sa akin.
Gutom ako kaya sunud-sunod ang subo ko tapos biglang nagtanong siya noʼn kaya halos masamid na ako—nasamid na nga talaga ako shutek na ʼyan.
“Anong klaseng tanong ba ʼyan?” umuubo pa rin ako dahil sa pagkakasamid ko.
“Wala namang masama sa tanong ko?” sagot niya na may bakas pa ng pagtataka.
Uminom ako ulit ng tubig. Nagtataka silang nakatingin sa akin ngayon. Bakit ba ganoʼn pa naisipan niyang itanong.
“Wala akong tipo sa isang lalaki,” sagot ko naman.
“Hindi kami naniniwala. Dali na ano nga?” Ang kulit talaga ng mga ʼto.
“Gusto ko ʼyung mukhang masungit pero mabait naman talaga. ʼYung matapang at kayang harapin lahat ng laban sa buhay niya. ʼYung gagawin ang lahat para sa ibang tao sa abot ng makakaya niya...” si Regina ang tinutukoy ko. Si Regina lang naman kasi ang gusto ko.
“Ganiyan ba si PO2 Robles?” pang-asar na tanong ni Andre habang nakangiti sa akin.
Napairap na lang ako sa kaniya at muling tinuloy ang pagkain ko. Hindi naman ganoʼn si Bryan, e. Saka wala akong gustong lalaki ʼno.
“Ano pa, Narda?” Inubos ko muna ang pagkain ko bago ko sila sinagot.
“May prinsipyo at paninindigan. Palaging tama ang pinaglalaban. Gusto ko ʼyung maangas ang datingan pero kapag ako na ang kasama o kausap ay nagiging soft siya ganoʼn,” nakangiting sagot ko naman.
Nagkatingin ang dalawa at sabay na tumingin ulit sa akin para asarin ako. Tinapos ko na lang ang pagkain ko at nang makabalik na kami sa office namin.
“Libre ba ʼto?” birong tanong ko sa kanila.
“Oo, libre ko na ʼyan,” sabi ni Andre at naglabas na nga ng pera.
Naks naman! Ang galante naman ng Andre na ʼyan. Sana laging may libre.
“Kung may poporma ba sa ʼyo, Narda. Papayagan mo ba?” tanong niya sa akin at umakbay pa.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa office namin. Mabilis ko rin namang sinagot ang tanong niya na hindi ako papayag.
“Ayaw ko. Hindi naman sa hindi ko sila binibigyan ng chance, a. Alam ko kasi sa sarili kong ayaw ko talaga so kahit na anong gawin nila ay wala ring mapapala sa akin dahil ayaw ko nga,” paliwanag ko.
At ayaw ko nga kasi sa lalaki. Si Regina lang ang gusto ko at okay na ako sa kaniya. Kuntento na ako kay Regina, loyal ako kay Regina, si Regina lang ang para sa akin at walang iba.
“Balak ka pa namang pormahan nung kaibigan ko, wala ba talagang pag-asa?” tanong pa rin ni Andre.
Seryoso akong tumingin sa kaniya. Gusto niya talagang diretsuhin ko na siya?
“Andre, ayaw ko. Hindi ko gusto ang mga lalaki at wala akong oras sa mga lalaki. Kaya kung may balak man ang kaibigan mo na pormahan ako, pakisabi na huwag na siyang sumubok kasi ayaw ko talaga.” Tipid ko siyang nginitian pagkatapos sabihin ʼyon.
May girlfriend ako at hindi ko siya ipagpapalit kahit sa kaninong lalaki.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...