31

1.6K 126 29
                                    

“Narda!”

Napaangat agad ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Bryan. Ano na namang ginagawa niya rito?

“Bryan?” takang banggit ko sa pangalan niya.

“Ah magandang umaga nga pala. Napadaan ako rito para magtanong kay Doc Mandy nung tungkol kay Doc Ava,” sabi niya na mas lalo ko lang pinagtaka.

“Anong meron?” tanong ko dahil sa sobrang kuryosidad.

“Nagpakamatay kasi si Doc Ava,” sagot niya.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Parang nakita ko lang siya nung nakaraang araw, a. Bakit naman biglaan yata?

“Hindi talaga natin masasabi kung maayos nga ba ang isang tao o hindi. Nakikita man natin silang masaya, hindi natin alam kung totoo nga ba at wala silang kinikimkim na problema,” saad niya pa.

Nakaramdam ako ng lungkot. Parang kailan lang kasi nang alukin pa ako ni Doc Ava tungkol sa pangarap ko, tutulungan pa nga raw niya ako. Nakakagulat lang na nabalitaan kong wala na siya ngayon.

“Parang okay naman kasi talaga siya...” mahinang sabi ko.

“Ikaw ba, okay ka lang ba?” tanong ni Bryan sa akin.

Mabilis akong tumango. “Oo, ayos lang ako. Mauna na ako sa ʼyo, a. May trabaho pa kasi ako,” paalam ko na sa kaniya.

“Ganda ng necklace mo, a.” Nakatingin siya sa bandang leeg ko. Napangiti naman ako at hinawakan ang necklace na bigay ni Regina.

“Regalo sa akin,” sagot ko naman.

“Naks! Luma-love life ka na ba? Sino ʼyan?” mapang-asar niyang tanong at bahagya pa akong sinunggo sa balikat.

“Sira!” Nahampas ko tuloy siya. “Sige na, may gagawin pa ako,” muling paalam ko sa kaniya.

Sumaludo naman siya sa akin bago ko talikuran. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon dahil sa maagang balita na narinig ko.

Hindi man kami sobrang tagal nagkasama ni Doc Ava pero ramdam kong sobrang bait niya at handang tumulong sa abot ng makakaya. Bakit naman umabot sa ganitong punto na kitilin niya ang sarili niyang buhay?

“Narda?” rinig kong tawag ni Regina sa akin.

Nakaupo ako ngayon sa swivel chair kaya inikot ko iyon para mapaharap sa kaniya. Suot niya na ang binili namin kahapon. Pinartner-an niya nga ng black sleeveless crop top ang cream trouser niya.

Ang sexy naman ng girlfriend ko.

“Magandang umaga, Maʼam!” bati ko sa kaniya.

Agad naman siyang napanguso dahil sa itinawag ko sa kaniya. Wala kami sa loob ng office niya kaya dapat lang naman na Maʼam ang itawag ko sa kaniya. May mga matang nakamasid sa amin kaya dapat lang na mag-ingat sa bawat binibitawang salita.

“Kumain ka na ba?” tanong niya sa akin.

Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko at nakapaweywang pa ang isang kamay. Ako naman ay nakapatong ang dalawang siko sa gilid ng inuupuan ko at nakasandal habang nakatingin sa kaniya.

“Kumain ako kasabay sina Lola. Ikaw ba?” tanong ko rin sa kaniya.

Nakapout na naman ang labi niya at napahawak sa tiyan niya. Hindi kumain ʼto kaya ganito.

“I want coffee and pancake, samahan mo akong bumili...” parang batang sabi niya.

Baby talk outside the office, Regina? Naririnig siya ng ibang EMTs niya. Baka isipin ng mga ʼto nagagawa kong pagbaby talk-in si Regina.

“Saan ba?” tanong ko naman at tumayo na.

Agad sumilay ang ngiti sa kaniya. Kahit naman saan ay sasamahan ko siya, e. Kahit sa pagtanda pa kung gusto niya.

“May café naman sa labasan, gusto mong magtry?” tanong niya.

Naglakad na nga kami palabas. Araw-araw na lang talaga na hindi pwedeng hindi kami magkakasama ni Regina kahit na may trabaho ako. Baka sa susunod na araw magulat na lang ako tanggal na ako sa trabaho ko.

Hindi yata ako nagtatrabaho bilang EMT, e. Nandito yata ako para talaga maging girlfriend ni Regina.

“Did you know what happen to Doc Ava?” tanong niya.

Tatawid kami kaya naman iginilid ko siya sa akin at hinawakan sa bewang para alalayan.

“Oo. Nakakalungkot at nakakagulat nga ang nangyari, e.”

Hindi ko na inalis ang kamay ko sa bewang niya kahit na tapos naman na kaming tumawid. Nakahigh heels kasi siya, baka matapilok pa kaya aalalayan ko na lang siya.

“Doc Ava is fine. Sobrang hirap paniwalaan na nagsuicide siya, Narda. I mean, I know her and sobrang dami niyang plano para sa ibang tao, nakakapagtaka naman na nagsuicide siya nang ganoʼn ganoʼn na lang,” tumaas pa ang tonong sabi niya.

Pumasok na kami sa Café na sinasabi niya. Hindi na ako nakasagot sa sinasabi niya tungkol kay Doc Ava dahil pumila na agad kami sa counter. Wala namang ibang bumibili pa kaya mabilis lang din kaming naka-order.

“Ang alam ko inaayos na ni Bryan ang tungkol diyan,” sabi ko.

Naupo na kami sa isang bakanteng pwesto at pinag-usapan na ulit ang tungkol sa nangyari kay Doc Ava.

“And guess what, hindi lang si Doc Ava ang nawala, pati na rin si Mr. Jerusalem. My gosh! Anong nangyayari na naman?” Napatapik siya sa noo niya na para bang stress na stress siya.

Nabalita nga ngayon-ngayon lang na may namatay na naman. Pero itong si Mr. Jerusalem naman ay nakitang nakahandusay sa office niya at nagkalat ang mga gamit. Kailangan kong makausap si Bryan tungkol dito.

“Huwag mo na masyadong isipin ʼyan. May mga kaso ka ring hawak ngayon at iyon na lang muna ang pagtuunan mo ng pansin,” sabi ko sa kaniya.

Umorder din siya ng kape para sa akin kaya sabay na kaming nagkakape ngayon. Pinanonood ko lang siya habang nagsisimula na siyang kumain.

“What?” takang tanong niya nang mapansing nakatingin ako.

“Hindi ko lang lubos maisip na girlfriend na kita,” mahinang sagot ko sa kaniya.

Bumagal ang pagkakasubo niya sa pancake kaya natuon doon ang atensyon ko. May chocolate syrup pang nadikit sa labi niya, nananadya yata siya kaya dahan-dahan niya ring inalis iyon gamit ang dila niya. Alam niya kasing nakatingin ako sa labi niya kaya niya ginawa ʼyon, e.

“Swerte mo nga may girlfriend kang maganda na, magaling pang abogado,” nakangiting sabi niya sa akin.

Napangiti na rin ako. “Swerte ka rin naman kasi may girlfriend kang tulad ko,” mayabang ko namang sabi.

Sabay pa kaming natawa dahil sa pinagsasabi namin. Swerte naman kami sa isaʼt-isa. Nagsisimula pa lang kami pero sure naman akong mahahandle namin ng maayos ang relasyon namin.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon