21

1.6K 138 37
                                    

My morning is really good. Ganado akong magtrabaho ngayon dahil kay Narda. Mas malakas ang epekto ni Narda kaysa kay Bryan. Nakakalimutan ko na ngang gusto ko si Bryan, e. Geez! Itʼs okay. Nothing to worry about.

“Good morning!” bati ni Narda pagpasok niya. Sheʼs here!

Hindi ko napigilang mapangiti. “Ang aga mo naman, Narda!” natatawang sabi ko pa pero ang totoo ay ang aga kong good mood dahil sa kaniya.

“Pasensya na. Maaga lang din kasi akong nagising,” sagot niya naman.

Mabilis akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang braso. I wanna hug her tight pero baka mabigla siya.

“Okay lang, Narda. Good thing nandito ka nga, e. May kasama na ako. Wala kasi si Ali at mamaya pa siya darating dito,” sabi ko naman.

We sat here in my sofa. Hindi talaga maalis ang ngiti ko dahil sa kaniya.

“Uminom ka ulit ng wine?” tanong niya.

“No. Not yet. Medyo kailangan ko sana pero since nandito ka naman na, hindi ko na kailangang uminom ng wine para mawala ang inis ko sa mga nangyayari,” sagot ko.

Nagsalubong ang kilay niya.“Bakit? Ano bang nangyari?” takang tanong niya.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at inayos ang buhok ko. Sinabi ko sa kaniya ang dahilan kung bakit medyo naiinis ako pero hindi naman na ngayon dahil nandito na nga siya.

“Tama lang ang ginawa mo, Regina. Ang dapat mong ilaban at ipanalo ay ang tama lang at ang makabubuti. Proud ako sa ʼyo kaya naman dapat may reward ka!” masayang sabi niya.

Nagtaka naman ako sa kung anong reward ang sinasabi niya. “Ano namang reward ʼyan?” natatawang tanong ko.

Nakatingin lang ako sa kaniya. May kinuha siya sa bag niya at mukhang alam ko na kung ano ʼyon.

“Adobo ala Narda!” malakas niyang sabi at sinabayan ng tawa.

“Wow!” hindi ko napigilang mamangha dahil dito.

Tinotoo niya nga ang sinabi niyang lulutuan niya ako ng adobo. Gosh, Narda! Pinapakilig mo ako masyado!

“Isa lang pala ang kutsara na nadala ko, Regina. May extra kutsara ka ba rito?” tanong niya.

Napabaling ako sa kaniya. “Itʼs okay, Narda. Share na lang tayo, hindi naman ako maarte,” sagot ko sa kaniya.

Thatʼs indirect kiss if ever.

“Excited na akong matikman, Narda!” bakas ang excitement sa tono ko.

“Tikman mo na,” sabi niya at tinapat sa bibig ko ang kutsarang may lamang pagkain.

Narda! Binubuhay mo pagiging bading ko, e!

“Ang sarap! Grabe ito na yata ang pinakamasarap na adobong natikman ko. Ang sarap naman ng adobo ala Narda,” sabi ko matapos tikman ang luto niya.

Susubuan sana ulit niya ako pero turn ko naman kaya siya naman ang sinubuan ko.

“Tikman mo rin ang luto mo, Narda. Cʼmon ang sarap kaya!” Hawak ko ang kutsara at nakatapat sa bibig niya.

Para kaming couple sa inaakto namin. Thinking about that makes me blush. So gay, Regina. Youʼre exposing yourself too much—again!

“Kukuha lang akong water,” paalam ko sa kaniya at agad na tumayo.

Oras na makatalikod ako sa kaniya ay pigil ang kilig ko at inayos na rin ang sarili agad dahil baka mahalata niya pa ako. Isang basong tubig lang ang dinala ko, share na lang kami rito.

“Regi----” Oh God! Natapon ang water sa damit ko dahil nagkabungguan kami ni Narda.

Basang-basa ang damit ko ngayon at bumabakat ang ibang parte ng dibdib ko. Pati yata ang suot kong bra ay kitang-kita na ngayon.

“Sorry!” tarantang sabi niya at agad kumuha ng tissue para punasan ang damit ko.

“N-Narda...” pigil ang hininga ko ngayon dahil sa ginagawa niya.

Isnʼt she aware of what she doing? Gosh! My gay mode is now activated.

Pinupunasan niya ang parte ng dibdib ko na basa ngayon. Narda, this is torture for me!

“Hmm?” Cʼmon, Narda! Baka hindi ako makapagpigil at kung anong magawa ko ngayon.

“N-Narda... Stop it...” nahihirapang sabi ko.

Kung hindi niya alam ang ginagawa niya, pwes ako alam na alam ko at grabe ang epekto noʼn sa akin. Ilang beses na akong napahugot ng malalim na hininga dahil sa pagpipigil ko sa nararamdaman ko ngayon.

“Okay ka lang ba?” takang tanong niya.

Sheʼs too innocent.

Napatitig ako sa mga mata niya. My emotions are clear in my eyes and face right now and I know Narda can see that.

“Okay lang ako,” sagot ko sa kaniya.

Napatingin ako sa dibdib ko dahil ramdam ko pa rin ang kamay ni Narda roʼn dahil pinupunasan niya iyon kanina.

Ang init ng pakiramdam ko ngayon.

“Narda...” tawag ko ulit sa kaniya.

“Pasensya na, Regina. Hindi ko sinasadyang mabangga ka. Susundan lang sana kita kaso hindi ko napansin na nandiyan ka na pala sa likuran ko kaya nat---” Hindi ko na siya pinatapos pa sa sinasabi niya.

Sa susunod na maulit pa ang ganitong sitwasyon, hindi na daliri ko ang gagamitin ko para mapatahimik siya. Smirked.

“Itʼs okay, Narda. Matutuyo rin naman agad ʼto,” sabi ko at inalis ang daliri kong nakadikit sa labi niya.

“Uhm... Baka kailangan na ako sa trabaho, Regina. Babalik na ako,” paalam niya na.

Ngumiti ako at tumango. “Okay, Narda.” Hinawakan ko ang kamay niya. “Salamat sa adobo mo. Sobrang sarap at parang gusto kong matikman ulit sa susunod,” dagdag ko pa.

Alanganin siyang ngumiti. “Sure. Next time lulutuan ulit kita.”

I hug her. Bagay na kanina ko pa gustong gawin simula nang makita ko siyang pumasok sa office ko.

“Thank you, Narda! Sobrang swerte ko talaga na mayroon akong katulad mo. I wonʼt let anyone take you away from me. Akin ka lang, ha...” I pouted.

Para akong batang ayaw maagawan ng laruan dahil sa tono ko.

“Hindi rin naman ako papayag na mawala ka sa akin, Regina. Magkaibigan tayo at sobrang mahalaga ka sa akin kaya hindi ko hahayaang mawala ka pa. At syempre hindi ko rin hahayaang may mangyaring masama sa ʼyo,” sagot niya.

Nagkatitigan kaming dalawa habang may ngiti sa labi.

“And you know that I will do the same, Narda. Hindi ko rin naman hahayaang mapahamak ka. Like what you said weʼre friends,” tugon ko naman.

Weʼre friends... for now. I am not totally sure about my feelings pero once na sigurado na ako, sasabihin ko na sa kaniya ang totoo.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon