23

1.8K 158 81
                                    

Nakasandal ang ulo niya ngayon sa balikat ko. Ilang minuto na kaming ganito at okay lang naman sa akin ʼyon.

“Nakakastorbo ba ako?” tanong ni Ali nang pumasok siya rito sa office ko.

Yes, Ali. Nakakastorbo ka sa amin ni Narda.

“Ali, bili mo na lang kaming ice cream. Narda needs some comfort food,” utos ko kay Ali.

“Sige, Regina.” Agad naman siyang sumunod.

Tahimik lang si Narda sa tabi ko at nanatili pa rin namang nakasandal sa akin. Hawak niya rin ang isang kamay ko gamit ang dalawang kamay niya. Ang isang kamay ko naman ay nakaakbay sa kaniya at marahang tinatapik ang balikat niya.

“Thank you, Regina...” sabi niya at bahagyang tumunghay sa akin.

Sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Halos maduling na kami kapag tititig sa isaʼt-isa. Konting galaw lang ay magtatama ang ilong namin o hindi kaya ay ang labi na.

Pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko ngayon, nag-iinit ang gawing pisngi ko dahil sa pwesto namin ni Narda.

“N-Narda...” mahinang banggit ko sa pangalan niya.

Itinagilid niya ang katawan niya paharap sa akin kaya mas lalong napalapit ang mukha niya sa mukha ko. What is this, Narda?

“Napapaisip ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing ikaw ang kasama ko,” mahinang sabi niya.

Pigil ko ang hininga ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. This is torture for me. Nagpipigil lang akong idikit ang labi ko sa kaniya. Konting-konti na lang ay magsasalubong na ang labi naming dalawa.

“What do you mean?” tanong ko, pilit inaayos ang tono para hindi niya mahalatang apektado ako sa sitwasyon naming dalawa.

“Sa tuwing kasama kita, masaya naman ako. Kapag nakikita kitang nakangiti may kung ano akong nararamdaman sa puso ko. Regina, normal ba ʼto?” kunot noong tanong niya.

Napalunok ako ng isang beses. “Narda, hindi ko alam pero parang parehas lang tayo ng nararamdaman. Masaya rin akong kasama ka, kapag nakikita kita buo na ang araw ko. I want to be with you everyday—no, every seconds pa nga, e. Kung pwede lang na hindi ka na umalis sa tabi ko baka ginawa ko na,” I said.

Napatitig siya sa akin. Bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya napalunok na naman ako. Isang pitik na lang, Narda. Ayaw kong lumampas sa limitations ko pero kung ganito gagawin niya sa akin, baka hindi ko na mapigilan sarili ko.

“Hindi ko alam ang nararamdaman ko, Regina. Parang may mali, e...” mahinang sabi niya pa sa akin.

Hinawakan ko ang pisngi niya gamit ang kamay kong pinaglalaruan niya kanina. Napatitig ulit siya sa mata ko.

“Narda, kahit naman ako hindi ko alam kung bakit ganito. Pero gusto ko ang nararamdaman ko, gusto ko kung anong nangyayari,” pag-amin ko.

Tipid siyang ngumiti sa akin. “Hindi ko rin alam pero masaya talaga ako sa ʼyo, e. Napapagaan mo loob ko, Regina.”

Napadako ang tingin ko sa labi niya. I touch her lips using my thumb. Pinaglalaruan ko ang malambot niyang labi gamit ang daliri ko.

Argh! Ano bang ginagawa ko?!

“Hindi ko pinipigilan kung anong nararamdaman ko, Regina. Hinahayaan ko lang at hinihintay na makumpirma ko kung ano nga ba ʼto,” dagdag niya pa.

Just tell me what you really want, Narda. At isang tingin mo pa sa labi ko... mararamdaman mo na ʼto sa labi mo.

“I let myself, too. Iʼm happy and thatʼs the important, bahala na sa kalalabasan basta masaya ako,” mahinang sabi ko rin.

Dahil nakatuon ang paningin ko sa mga mata niya, nakita ko kung saan dumapo ang paningin niya. I told you, Narda. Labi ko na ang mararamdaman mo.

Mabilis kong dinikit ang labi ko sa labi niya. Her lips are soft. Hindi ako kuntento na nakadikit lang ito sa labi ko. I want more.

“Regina...” mahinang tawag niya sa pangalan ko.

Her voice sounds music in my ears. Cʼmon, Regina. Masyado ka na namang bading sa kaniya.

“Inutusan mo si Ali, baka bigla niya tayong makita sa ganitong ayos,” natatawang sabi niya nang maghiwalay ang labi naming dalawa.

I want more!

“I can trust Ali. And so what if he see us like this?” taas ang isang kilay kong tanong sa kaniya.

Natawa lang siya at umayos na ng upo. I said I want more. Geez!

“Speaking of Ali. Nandiyan na siya,” sabi ni Narda habang nakatingin sa gawing pintuan.

Bored na bored akong bumaling kay Ali na nagtataka namang nakatingin sa amin. Nilapag niya ang ice cream na nabili niya sa table.

“Sa labas muna ako, Regina. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka,” sabi pa ni Ali na tinanguan ko na lang.

Natatawa si Narda nang makaalis si Ali. I pouted while looking at her. Pinagtatawanan niya yata ang pagkabitin ko kanina.

“Kuha lang akong kutsara, honey...” nang-aasar ang tono niya sa pagtawag sa akin ng honey.

I crossed my arms. Napangiti na rin ako nang makatalikod siya sa akin. Ano ba, Regina?! Huwag mo namang ipahalatang grabe ang epekto niya sa ʼyo.

“Isang kutsara lang ba ulit, honey?” mapang-asar pa ring tanong niya sa akin.

Hindi ako sumagot. Narinig ko ang malakas niyang tawa at palapit na siya rito sa akin. Inayos ko na ang ice cream na kakainin namin. Two flavor in one box pala ang binili ni Ali.

“Anong gusto mong tikman muna?” she asked.

Kumuha na siya ng ice cream at siya na rin unang kumain. Nakatitig lang ako sa kaniya.

“Ikaw...” sagot ko.

Mabilis siyang napabaling sa akin kaya bahagya akong natawa. Lakas din ng epekto ko sa ʼyo, Narda.

“Try mo ʼtong cheese flavor, masarap naman siya,” sabi niya at hindi pinansin ang sinabi ko.

Hinintay kong bigyan niya ako. Nakatitig lang ako sa kaniya habang sinusubo ang ice cream na nasa kutsara. Natatawa siya sa akin kaya nahahawa na rin ako sa kaniya.

“Grabe kang makatitig, a. Para kang mangangain!” natatawang sabi niya pa rin.

“Magpapakain ka ba?” birong sabi ko naman sa kaniya.

Kumuha siya ulit ng ice cream at siya na naman ang kumain.

“Basta ba magpapakain ka rin, why not?” natatawang sabi pa rin niya.

Biruan lang naman namin ʼto pero kung gusto niyang totohanin, why not?

Smirked.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon