Maaga kong ginising si Regina dahil balak kong ayain siyang magdate. Pupungas pungas pa siya at halatang inaantok pa.
“Mag-asikaso ka na, honey. Magluluto lang akong breakfast natin,” sabi ko sa kaniya.
Hinalikan ko pa siya sa labi bago ako bumangon. Nakagayak na ako, gumayak na ako kanina bago ko pa siya ginising para hindi na magmadali pa mamaya.
“Uhm...” Nag-inat pa siya at parang walang balak bumangon.
Naiiling na lang akong lumabas ng kwarto. Maghahanda muna ako ng pagkain namin para hindi agad magutom kapag umalis na kami. Bacon, egg and ham lang ang lulutuin ko dahil iyon lang naman ang nakita ko sa ref na pwedeng breakfast namin.
“Okay lang ba suot ko?” tanong niya.
Tapos na akong maghanda ng pagkain nang lumabas siya at tanungin ako noʼn. Napatingin naman ako sa suot niya. Nakalongsleeve na white polo siya na nakatupi hanggang sa siko at bukas ang tatlong butones sa itaas. Nakapantalon at nakasuot ng high heels niya. Ang ganda niya.
“Honey?” pagtawag niya sa akin. Agad akong napatango.
Napatulala pala ako sa kaniya. Ang ganda ganda niya kasi, e.
“Oo, sobrang ganda mo,” sagot ko sa kaniya.
Natawa siya dahil napansin din yata na natulala ako sa kaniya kanina. Pumwesto na kami para makakain na at makaalis na pagkatapos.
“You know what, Iʼm not into this,” sabi niya.
Nandito na kami sa gusto kong puntahan kasama siya. Gusto ko lang mamasyal habang kasama siya. Nandito kami ngayon sa amusement park. Gusto kong makasama lang siya at maging masaya lang kami.
“Minsan lang naman, e. Pagbigyan mo na ako,” sabi ko naman.
Kumapit siya sa braso ko at ngumiti sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko habang patuloy kami sa paglalakad.
“Wala naman akong sinabi na ayaw ko rito. Ang sinabi ko lang ay hindi ako mahilig sa ganito. Magkaiba naman ʼyon ʼno?” natatawang tanong niya sa akin kaya bahagya na rin akong natawa.
“Ako rin naman, wala akong hilig sa ganito. Pero gusto kitang makasama kaya nandito tayo ngayon,” sagot ko sa kaniya.
Ang sarap pagmasdan ng paligid. Ang daming rides na pwedeng sakyan. May mga pagkain na bago lang sa paningin ko dahil hindi ko naman madalas nakikita ang ganoʼn. Gusto kong subukan lahat ng ito kasama si Regina.
“Ferris wheel tayo?” tanong ko sa kaniya.
Huminto kami sa tapat noʼn at tumingala. Sa totoo lang ay hindi ko naman naranasan ang mga ganito noon. Kami ni Ding ay hindi namin naranasan ito. Hinasa kasi ako ni Nanay sa pag-eensayo na noon ay hindi ko alam ang dahilan.
“I wanna try something new with you. Hindi ko pa naranasan sumakay sa mga rides. Masyadong mahigpit ang parents ko noon sa akin kaya hindi ko na-enjoy ang pagkabata ko,” sabi niya naman.
Napatingin ako sa kaniya. Nakatingala siya sa ferris wheel at makikita sa mga mata ang pananabik na makasakay roʼn.
Kumuha ako ng pera sa bulsa ng pantalon na suot ko. Lumapit ako sa nag-a-assist dito sa ferris wheel. Nagbayad ako ng para sa amin ni Regina.
“Pila na lang po kayo rito,” sabi nito at tinuro kung saan pwedeng pumila.
Hinawakan ko si Regina sa bewang at inakay papunta sa pila. Nagtataka pa siya nung una pero nang makita niyang nakapila na kami ay nangiti na lang siya sa akin.
“Thank you, Honey...” sabi niya at niyakap ako.
Mahigpit ko rin siyang niyakap. Nang kumalas siya at humarap na ulit sa ferris wheel ay iniyakap ko pa rin ang braso ko sa bewang niya. Sabay naming tiningala ang ferris wheel na sasakyan din namin ilang minuto mula ngayon.
“Hindi ko rin naranasan sumakay sa ganito,” sabi ko sa kaniya. Bahagyang napabaling ang ulo niya kaya tumama sa pisngi niya ang ilong ko. Nakapatong kasi sa balikat niya ang baba ko.
“Bakit naman?” tanong niya, nanatili kami sa ganoʼng pwesto.
“Hindi naman kasi kami madalas lumabas sa bayan natin. Kami ni Ding ay kuntento na sa kung anong meron kami. Hindi naman din namin naisip na magganito noon,” sagot ko naman.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.
“So this is our first time. Magkasama nating masusubukan ang hindi natin nagawa noong mga bata pa tayo,” sabi niya naman. Bakas ang tuwa sa tono niya kaya napangiti na rin ako.
Hinintay naming matapos ang mga naunang nakasakay. Nang kami na ang susunod ay inalalayan ko si Regina nang papasok na siya sa loob ng ferris wheel. Capsule type kasi ito kaya safe na safe naman at maganda rin dahil may privacy ang mga nasa loob. Pwedeng magyakapan dito, oo yakap lang.
“Ang ganda ganda...” mahinang sabi niya habang nakatingin sa bintana.
Nakatingin naman ako sa kaniya at in-e-enjoy ang bawat ekspresyon sa mukha niya. Ang sarap sa feeling na makitang natutuwa at masaya siya sa mga bagay na ngayon niya lang naranasan. Pero mas masarap sa pakiramdam na kasama niya ako sa unang beses na nasubukan niya ito.
Hinawakan ko ang kamay niya at napatingin lang ako roʼn. Naramdaman ko namang napabaling siya sa akin pero hindi ko siya tiningnan pabalik.
“Kapag dumating ʼyung araw na handa ka na. Na handa na tayong dalawa... Gusto kong makasama ka habang buhay,” sabi ko sa kaniya.
Nanatiling nakatingin ako sa kamay niya. Hinahaplos ng hinlalaki ko ang isang daliri niya. Ang daliri niyang lalagyan ko ng singsing kapag handa na kaming dalawa.
“Narda...” emosyonal na tawag niya sa akin.
Saka pa lang umangat ang tingin ko sa kaniya. Medyo naluluha na ang mga mata niya. Nakangiti siya sa akin kaya sinuklian ko rin ng ngiti iyon.
“Regina, hindi ko na kasi alam kung ano pang buhay ko kapag wala ka. Nasanay na akong nandiyan ka at hindi ko na kaya na wala ka,” sabi ko pa.
Handa naman akong aminin sa kaniya na ako si Darna. Ako ang babaeng dahilan ng sobrang galit niya. Handa akong tanggapin kung anong kalalabasan kapag sinabi ko na sa kaniya. Pero hindi muna ngayon, siguro kapag nakahanap na ako ng tyempo ay baka masabi ko na sa kaniya ang totoo.
“Hindi ko rin naman kaya na mawala ka pa. Kaya gagawin ko ang lahat para hindi tayo masira, Narda.”
Hinalikan ko ang likod ng palad niya. Ilang beses pang umikot ang ferris wheel at inenjoy na lang namin iyon. Binigyan ko siya ng isang mababaw na halik bago kami bumaba nang matapos na.
Handa kong gawin ang lahat makapiling ka lang, Regina. Handa kong isugal ang totoong pagkatao ko. Itatago ko muna sa ngayon pero sisiguraduhin kong masasabi ko pa rin naman sa ʼyo ang totoo. Masaktan ka man sa katotohanan at masira man tayo dahil dito, hindi ko pagsisisihan na sabihin ang totoo.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...