SPECIAL CHAPTER

1.9K 128 85
                                    

Ang sarap namang gumising sa umaga kapag mukha agad ni Regina ang makikita.

“Good morning, honey...” mahinang bati ko sa kaniya.

Hinalikan ko siya sa noo dahil nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko. Nakayakap din siya sa akin at mahimbing pa rin ang tulog.

Pinaglaruan ko na lang ang magandang buhok niya na nakasabog ngayon sa unan. Ang mga buhok na ʼto ay matagal nang hindi naging ahas. Simula noong nangyari ang laban namin kay Borgo ay hindi na kailanman lumabas si Valentina. Wala namang dahilan para lumabas pa siya.

“I love you...” muling mahinang sabi ko sa kaniya. Tatlong beses ko siyang hinalikan sa ulo niya.

Nagpasya na rin kaming magsama sa iisang bahay ni Regina. Pumayag naman si Lola sa gusto namin dahil malalaki na raw kami at alam na ang mga dapat naming gawin.

Mag-iisang taon na nga kaming magkasama sa iisang bahay ni Regina. Ganoʼn pa rin naman kami, sa office ay madalas pa ring magkasama at sabay nang uuwi rito sa bahay namin pagkatapos.

“Narda?” rinig ko ang pagtawag ni Ali mula sa labas.

Dahan-dahan kong inalis ang yakap ni Regina sa akin para mapuntahan ko si Ali. Magtatanghali na rin pala, masyado ko yatang napuyat si Regina kagabi.

“Good morning, Narda! May dala akong pagkain para sa inyo,” bungad niyang sabi sa akin.

Nilapag niya ang isang paper bag na dala niya. Agad ko namang nilibot ang paningin ko para hanapin ang kasama niya.

“Booo!” panggugulat sa akin ni Darlentina.

“Ikaw...” Mabilis ko siyang hinabol at kiniliti.

Sheʼs 3 years old pero ang bibo niya na agad. Gusto niya palagi na hinaharot siya sa tuwing nandito kami.

“Mama! Stop it!” sabi niya sa akin pero hindi pa rin ako tumitigil.

“Stop it, stop it ka pang nalalaman,” sabi ko naman at muli siyang kiniliti.

“Aahhh! Mommy, help me!” sigaw niya pa.

Lumabas naman nga mula sa kwarto si Regina. Pupungas-pungas pa at halatang nagising dahil sa sigaw ni Darlen.

“Hey, love. Good morning!” bati niya kay Darlen. Agad siyang lumapit at niyakap ang bata.

“Ang kulit ng anak ninyo, kung saan saan ako inaya kahapon,” reklamo ni Ali.

Natawa naman kami dahil totoong makulit nga si Darlen. Inampon lang namin siya noon, hindi na kasi kayang alagaan nung nanay dahil bata pa ito kaya pinamigay na lang sa amin. Noong una ay hindi naman kami pumayag na kunin ang bata pero nagulat na lang ako iniwan niya na lang sa labas ng bahay at wala na kaming balita pa sa magulang ni Darlen.

Kaya nagpasya na lang kami na ampunin. Minsan nasa akin ang bata, minsan naman ay kay Regina. Pero kapag may pasok ay si Lola ang nag-aalaga kay Darlen. Pinangalan namin si Darlen sa amin ni Regina. DarLentina Custodio Vanguardia ang gamit nito. Idinaan na rin namin sa korte at inayos para maging legal na magulang kami nung bata.

Inabot din ng isang taon bago na-settle lahat and good to know maayos naming nakuha ang bata. Kaya nagpasya rin kami ni Regina na magsama na sa iisang bahay dahil isang pamilya na kami.

“Mommy, Mama, look at this!” Pinakita niya sa amin ang braso niya.

“Iniyakan ni Darlen ʼyang bracelet na ʼyan noong nakita niya. Buti na lang may dala akong pera kahapon,” naiiling na sabi ni Ali.

Natatawa naman ako sa kanila. Mukhang masyadong pasakit ang ginawa ng anak namin kay Ali.

“Send ko na lang sa account mo ang bayad, Ali. Pasensya ka na sa inaanak mo, sobrang kulit talaga,” sabi naman ni Regina.

“Huwag na, Regina. Advance gift ko na kay Darlen ʼyan,” sabi naman ni Ali.

Nagpaalam muna ako saglit sa kanila para maghilamos at asikasuhin ang sarili ko. Nang makatapos at makalabas naman ako ay si Regina naman ang umalis. Inayos ko na ang mga plato para makakain na kami.

“Kumain na kami ni Darlen. Kayo na lang ang kumain ni Regina. Maglalaro na lang muna kami ni Darlen sa garden,” sabi ni Ali sa akin.

Napangiti ako sa kaniya. Sobrang swerte namin dahil sa kaniya. Kapag busy kami ay siya ang tumitingin kay Darlen. Sabi ko nga ay mag-asawa na siya para magkaanak na rin at magkaroon ng kalaro si Darlen pero ayaw pa raw niyang magkaasawa.

“Nasaan na sila?” takang tanong ni Regina nang makalabas at wala na ang dalawa.

“Naglalaro sa garden. Kumain naman na raw sila bago pumunta rito,” sagot ko naman.

Naupo na siya kaya pinaghanda ko na siya ng pagkain niya. Ramdam ko ang tingin niya sa akin habang inaayos ko ang mga pagkain na dala ni Ali.

“I love you.”

Napangiti ako at napatingin sa kaniya. Bahagya akong yumuko at binigyan siya ng halik sa labi.

“I love you, Regina.”

Maging si Regina man o si Valentina siya, mahal na mahal ko pa rin siya. Kumpleto na kami at masaya. Wala na kaming ibang gusto pa. Kasal na lang ang kulang at mangyayari din iyon soon. Sa ngayon ay focus muna kami kay Darlen. Kapag may pera na kami ay magpapakasal kami sa ibang bansa.

Hindi ko na makita ang sarili ko na wala si Regina sa tabi ko. Siya ang bumuo at kumumpleto sa akin. Siya lang ang kailangan ko, silang dalawa ni Darlen ang buhay ko.

-----------

Thanks for all your support, Badings! Regina and Narda are now signing off. I hope this story brings happiness to you.

I love you.

-M

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon