73

1.1K 93 43
                                    

Sa office ni Regina agad ako pumunta nang makarating na ako rito. Agad sumilay ang magandang ngiti niya sa akin nang makita ako.

“Good morning, honey...” bati niya sa akin.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Mahigpit na yakap din naman ang binigay niya sa akin. Magandang simula para sa umaga, nakakaganang kumilos kapag ganito.

“Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya.

“Yes. Dad called me and sinabi niya na mas pag-igihan ko pa raw ang trabaho ko,” sabi niya naman.

Hawak ko na ang kamay niya ngayon habang nakikinig sa kwento niya tungkol sa Daddy niya.

“Hindi pa kita napapakilala kay Daddy. Sobrang dalang din kasi naming magkasama. Gusto mo na ba siyang makilala?” tanong niya sa akin.

Bigla naman akong kinabahan. Alangan akong ngumiti sa kaniya at hindi mahanap ang sagot para sa sinabi niya.

“Gusto kong sabihin sa kaniya na girlfriend kita pero sobrang strict niya at alam mo ʼyon,” bahagyang nakangusong sabi naman niya.

Tipid akong ngumiti. “Siguro ipakilala mo na lang muna ako bilang kaibigan mo. Baka kasi mapagalitan ka pa kapag sinabi mong girlfriend mo ako. At isa pa, okay lang naman sa akin kung kaibigan muna ang pakilala mo sa akin,” sabi ko naman.

Totoo ʼyon. Okay lang naman sa akin kung kaibigan muna ang pagpapakilala niya sa Daddy niya. Hindi ko alam kung bakit pero grabe ang kaba ko kapag nasasabi niya ang Daddy niya, e.

“If he have time, sasabihan ko siya na ipapakilala kita,” sabi niya naman.

Muli lang akong tipid na ngumiti sa kaniya. Natahimik na rin kaming dalawa at ngayon ay magkahawak kamay lang.

“Balik na ako sa trabaho, Regina. May mga kailangan kaming ayusin nila Richard at Andre,” sabi ko sa kaniya.

“Sure, honey. Sabay na lang tayong maglunch mamaya,” nakangiting sabi niya naman.

Tumango lang ako sa kaniya. Lumapit siya para halikan ako sa labi. Wala na, buo na buong araw ko dahil sa kaniya.

“I love you...” malambing niyang sabi.

Hindi kami madalas magsabi ng ganito pero kapag naman ginagawa namin ay grabe ang epekto. Parang natutunaw ang puso ko kapag naririnig ko siyang nagsasabi ng ganito sa akin.

“I love you...” sabi ko rin.

Hindi ko sinasabing “I love you, too” dahil kapag ganoʼn ay parang sinagot ko lang din ang sinabi niya o parang sinabi ko lang na mahal ko rin siya kasi mahal niya ako. Hindi ganoʼn ʼyon kaya naman kapag sinasabi niyang mahal niya ako, sinasabi ko ring mahal ko siya kumbaga ay mahal ko siya kasi mahal ko siya at hindi dahil sa mahal niya lang ako kaya ko siya minahal. Sana naiintindihan ninyo ako.

I love her because I love her, not because she loves me. English-in ko na para mas madaling intindihin.

“Ganda ng ngiti mo, a!” pang-asar sa akin ni Chard.

“Alangan namang nakasimangot ako? Ang aga aga para sumimangot,” sabi ko naman at bahagya siyang tinapik sa braso.

“Good mood ʼyan?” muling asar niya.

Natatawa na naiiling na lang ako sa kaniya. Ang hilig akong asarin nito. Walang araw yata na hindi lalapit sa akin para asarin ako, e.

“Narda, may bisita ka!” sabi naman ni Andre sa akin.

Taka naman akong napatingin sa kaniya. Tinuro niya lang sa akin ang pinto sa labas kaya tumango na lang ako at nagpaalam na lalabas muna saglit.

“Narda!” pagtawag ni Noah sa akin.

Anong ginagawa niya rito? Ang tagal na rin naming hindi nagkakausap simula nung pag-awayan namin siya ni Regina.

“Noah? Uhm... Bakit?” alangan kong tanong.

“Been busy these past few days. Kumusta ka?” tanong niya naman.

Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya. Ayaw kong titigan siya dahil baka kung anong isipin niya. Ayaw kong magbigay ng hope kasi wala naman talagang pag-asa.

“Okay lang, Noah.” Tipid akong ngumiti sa kaniya.

“By the way, busy ka ba mamayang lunch? Gusto sana kitang yayain,” sabi niya.

Siguro dapat ko nang sabihin kay Noah na tigilan niya na ako. Ayaw kong mas umasa pa siya sa akin.

“Noah, may aaminin ako sa ʼyo,” sabi ko.

Tumitig siya sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. Gusto kong sabihin na sa kaniya na may relasyon kami ni Regina.

“Pinatigil na kita sa panliligaw mo. May girlfriend ako, Noah. Kami na ni Regina noon pa kaya hindi ka na pwedeng pumorma pa sa akin,” diretsong sabi ko naman sa kaniya.

Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. Nakakagulat para sa kaniya pero normal naman para sa akin ang ganoʼn.

“Ano?” Hindi si Noah ang narinig ko.

Agad akong napabaling sa gilid at nakita ko si Bryan na takang-taka sa akin. Nagulat ako pero nanatili akong seryoso sa harapan nila.

“Youʼre kidding, right?” nakangiting tanong ni Noah sa akin.

Umiling ako. Tinitigan ko silang dalawa at pinakita ko kung gaano ako ka-seryoso. Hindi ako nagbibiro dahil totoo namang si Regina ang girlfriend ko.

“Narda, nasisiraan ka na ba?” sabi naman ni Bryan sa akin.

Tumaas ang kilay ko sa kaniya. “Bakit, Bryan? May mali ba sa sinabi ko?” mataray kong tanong sa kaniya.

“Narda, babae kayong dalawa...” sabi naman ni Bryan sa akin.

Pagak akong natawa. “Ano naman? Hindi ba pwedeng magkaroon ng relasyon ang parehas na kasarian?” tanong ko.

Nagkatinginan si Noah at Bryan. Alam kong hindi nila gusto ang sinabi ko. Pero wala naman silang magagawa dahil desisyon ko ʼto.

“Hey, whatʼs happening here?” tanong ni Regina.

Napabaling ako sa kaniya. Palapit na siya sa amin at nagtataka kung anong nangyayari dito.

“Regina, totoo bang may relasyon kayo ni Narda?” tanong ni Bryan.

Napatitig si Regina sa akin nagtatanong ang mga tingin niya. Alam kong nagulat siya dahil sinabi ko na sa dalawang ʼto kung anong meron kami.

“May relasyon kami. Mag-aanim na buwan na,” ako ang sumagot sa tanong ni Bryan.

Nanatiling nakatitig sa akin ang tatlo. Tumaas ang kilay ko dahil parang hindi naniniwala ang dalawang ʼto.

“Prove it,” sabi ni Noah.

Umangat ang gilid ng labi ko. Hinarap ko si Regina at walang sabi-sabing hinalikan sa labi. Wala na akong pakielam kahit nasa labas pa kami at maraming makakita.

Deserve ni Regina na ipagmalaki. At wala naman kaming pakielam sa sasabihin ng ibang tao—sa sasabihin ni Bryan at Noah sa amin. Ang mahalaga ay masaya kami at walang inaapakang ibang tao.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon