52

1.2K 88 9
                                    

Napatalsik ako ng extra nang bigla na lang siyang lumobo. Pero talo pa rin siya dahil kaya kong kumilos ng mabilis. Agad kong kinuha ang tali na nakita ko at ginapos ko siya sa poste ng kuryente.

Pero nagulat naman ang lahat nang biglang sumiklab iyon at nawalan na ng power ang buong lugar. Paanong nangyari ʼyon? Hindi ko naman tinamaan ang mga kuryente.

"Ano ba ʼyan, Darna! Puro na lang perwisyo ang dala mo!" sigaw sa akin ng isang tao.

Napatingin ako kay Bryan na nandito ngayon kasama pa ang ibang pulis. Tumango lang ako sa kaniya at mabilis na akong umalis sa lugar na ʼyon.

Bakit ako ang sinisisi nila? Ginawa ko lang naman ang dapat gawin, e. Niligtas ko sila sa iba pang dapat gawin nung extra. Bakit sa huli ay ako pa ang sinisi?

"Oh, Apo? Bakit malungkot ka?" tanong ni Lola sa akin.

Yumakap ako sa kaniya. "Lola, bakit parang mali pa na hindi ko pinatay ang extrang nakalaban ko?" tanong ko.

"Apo, tama lang na hindi mo siya pinatay. Tama lang na batas ang humusga sa kaniya. Hindi kailangan patayin dahil kaya pa namang magbago ng mga tao," pagpapaintindi ni Lola sa akin.

Muli lang akong yumakap sa kaniya. Para sa ibang tao kasi ay dapat daw pinapatay ko ang mga extra. Mas gusto na nila si babaeng ahas dahil sa ginagawa nitong pagpatay sa mga kriminal at extra.

Wala tuloy akong gana kinabukasan. Pumunta ako sa office ni Regina para sana maging maayos ang pakiramdam ko kahit papaano.

"That Darna. Galit na sa kaniya ang mga tao," sabi niya habang naglalakad-lakad at may hawak na basong may wine.

"Gusto niya lang namang tumulong," depensa ko naman.

"Pero hindi siya nakakatulong. Mas lumalala pa nga ang nangyayari dahil sa kaniya. Sila ng babaeng ahas, parehas lang silang dalawa na walang dinala rito kundi gulo!" tumaas ang tonong sabi niya.

Napatayo ako bigla. Parang sobra naman yatang magsalita si Regina tungkol kay Darna-tungkol sa akin!

Hindi niya alam na ako si Darna at sa nakikita ko ngayong reaksyon niya ay mas lalo lang akong nagkaroon ng dahilan para hindi na sabihin pa sa kaniya ang totoo.

"Narda?" pagtawag niya sa akin.

Nakatitig lang ako sa nagtataka niyang mukha. Walang sabi-sabing iniwan ko siya sa office niya.

Pumunta ako sa kaniya kanina para sana makalma ko ang sarili ko pero mas lalo lang bumigat ang loob ko dahil kahit pala mismong si Regina ay ganoʼn ang pananaw tungkol kay Darna. Wala siyang pinagkaiba sa mga taong humuhusga kay Darna.

"Anong meron? Bakit nagsusuntukan ang kilay mo?" tanong ni Andre sa akin.

Inirapan ko siya sa sobrang inis ko. Huwag niya akong asarin ngayon dahil wala ako sa mood.

"Huwag mo nang asarin si Narda, Pare! Kita mo namang wala sa mood ʼyung tao," sabi naman ni Chard.

Buti pa ʼtong isang ʼto marunong makaramdam, e.

"Kain na lang tayo sa karinderya. Libre ko!" sabi ni Andre. Nakatingin siya sa akin para tingnan ang reaksyon ko.

Agad sumilay ang ngiti ko at mabilis na tumayo. Aba libre na nga raw, e. Aangal pa ba ako? Sayang din ʼyon.

"Ang bilis namang magbago ng mood," pang-asar niya pang sabi sa akin kaya natawa ako.

Sabay-sabay na kaming umalis para pumunta sa karinderya. Ang alam ko ay may pupuntahan sila ngayong araw, e. Sa kabilang Ospital yata sila naka-assign. Hindi ako kasama dahil sa office lang ako ngayon naka-assign.

"Anong gusto mo, Narda?" tanong ni Andre dahil siya ang manlilibre sa amin ngayon.

Iba talaga kapag may kaibigang galante, e. Palaging busog ang tiyan ko sa ganito.

"Cornsilog na lang. Maiba naman," sabi ko dahil iyon ang unang nadapuan ng tingin ko.

Masarap naman lahat ng pagkain dito kaya kahit anong piliin ko ay pwede. Si Regina kaya ay kumain na?

Nagwalk out nga pala ako sa kaniya kanina. Baka isipin niyang galit ako kahit ang totoo ay nawala lang ako sa mood dahil sa sinabi niya.

"Oy nabalitaan na ba ninyo mga sinasabi about Darna?" tanong ni Chard.

Nakaupo na kami ngayon at naghihintay na lang na dalhin ang order namin. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap sila.

"Grabe mga tao, walang utang na loob kay Darna," sabi ni Andre.

"Kaya nga, e. Mas gusto pa nila ʼyung babaeng ahas na pumapatay. Kung ako papipiliin ay mas okay pa rin si Darna," sagot naman ni Chard.

"Bakit? Dahil sexy at maganda si Darna?" pang-aasar ni Andre. Bahagya naman din akong natawa dahil doon.

Sexy naman si Darna. Pero mas sexy pa rin ako bilang Narda. Kahit itanong pa kay Regina.

"Kung sa physical appearance naman ang pag-uusapan talagang maganda at sexy si Darna. Pero sa galing at sa pananaw naman, walang-wala ang babaeng ahas. Si Darna kasi ang gusto niya lang ay maging ligtas ang lahat, kahit masama pa ʼyan ay hindi naman dapat patayin kagaya ng ginagawa ng babaeng ahas. Naniniwala akong may dahilan si Darna kung bakit hindi niya pinapatay ang mga extrang nakakalaban niya," mahabang paliwanag ni Chard.

Napatango naman ako roʼn kaya sa akin natuon ang atensyon nilang dalawa.

"Tama naman ʼyon. Hindi naman porket nakagawa ng masama ay masama na agad ang isang tao. Minsan kasi wala talagang choice kaya nila nagagawa ang ganoʼng bagay. At isa pa, hindi naman natin pwedeng kunin ang buhay ng isang tao dahil hindi naman natin karapatan iyon, batas ang dapat humatol sa mga tao at hindi natin pwedeng pangunahan ang batas," sagot ko naman.

Napapalakpak si Andre sa amin ni Chard. May pag-iling pa nga siya at pang-asar na ngiti sa amin.

"Grabe! Ang grabe naman ng words of wisdom ng dalawang ʼto. Nahiya naman ako sa inyo, hindi halatang fan kayo ni Darna," sarcastic niyang sabi.

Natawa na lang kami sa kaniya. Nag-asaran pa silang dalawa pero hindi na ako nakisali. Bigla kasing pumasok sa isip ko ang nangyari kanina sa amin ni Regina.

Ako ba dapat ang unang lumapit para manghingi ng sorry? Hindi ko kasi talaga nagustuhan ang sinabi niya tungkol kay Darna.

Bahala na nga mamaya. Bahala na kung paanong magkakaayos.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon