13

1.8K 137 111
                                    

“May balita ka na ba kung saan nanggaling ang mga extra, Ate?” tanong ni Ding sa akin.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko para pag-usapan ang mga nangyayari sa lungsod namin.

“Wala akong idea kung paano naging extra ang mga ordinaryong tao lang. Pero malakas ang kutob ko na may kinalaman dito ang sinasabi ni Nanay noon na Heneral Borgo. ʼYung naghahangad sa bato at sasakop sa Marte at iba pang planeta,” sagot ko.

Tumango si Ding. “Oo, Ate. Lahat ng ito ay kagagawan ni Borgo. Hinahanap niya ang protektor ng bato kaya may mga extra ngayon dito sa atin, ginagamit niya ang mga extra para mapalabas si Darna,” seryosong sabi niya pa.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Hindi ko alam ang bawat hakbang ng mga extra at hindi ko rin alam kung saan ba sila nagmumula.

“Magpahinga ka na, Ding. Magpapahinga na rin ako dahil pagod ako ngayong araw,” utos ko sa kaniya.

“Sige, Ate.” Hinintay ko muna siyang lumabas ng kwarto ko.

Kinuha ko mula sa cabinet ang bato. May nakaukit na DARNA roʼn at umiilaw ito. Nakakapagtaka nga na nagagawa kong lunukin ang ganito kalaking bato. At bakit nga ba ako ang napiling maging protektor nito?

“Aalis na po ako, Lola!” paalam ko kay Lola kinabukasan nang makagayak na ako.

“Oh, apo? Hindi ka ba muna kakain?” tanong niya sa akin.

Umiling ako. “Nagluto ako kanina ng adobo, Lola. Ibibigay ko po iyon kay Regina at sabay na lang kaming kakain,” nakangiting sagot ko.

“Kaya pala may adobo sa kusina, akala ko ay galing lang kila Mara,” sabi niya pa.

“E, Lola... Napangakuan ko po kasi si Regina na lulutuan ko siya ng adobo. Gusto kong ipatikim sa kaniya ang luto ko,” nahihiyang sabi ko naman.

“Okay lang ʼyan, apo. Natutuwa nga ako at mayroon ka agad na kaibigan sa trabaho mo. Sobrang bait mo rin kasi kaya hindi ka mahirap pakisamahan,” aniya pa.

Humalik na ako sa pisngi niya at nagpaalam na. Si Ding ay kanina pa umalis dahil may projects daw sila na tatapusin kasama ang mga kaibigan niya.

“Salamat, Lola! Alis na po ako!” muling paalam ko sa kaniya.

Bumati pa sa akin ang mga nasa karinderya kasama na ang bestfriend kong si Mara. Kumaway na lang ako sa kanila dahil nagmamadali akong umalis.

“Good morning!” masiglang bati ko kay Regina nang makapasok ako sa office niya.

Agad sumilay ang ngiti sa kaniya. “Ang aga mo naman, Narda!” natatawang sabi niya pa.

Napakamot na lang ako sa batok ko dahil sa hiya. Masyado nga yata akong napaaga ngayon, baka kung anong isipin niya.

“Pasensya na. Maaga lang din kasi akong nagising,” sagot ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa dalawang braso ko. Napadako tuloy roʼn ang paningin ko.

“Okay lang, Narda. Good thing nandito ka nga, e. May kasama na ako. Wala kasi si Ali at mamaya pa siya darating dito,” sabi niya.

Umupo kami sa sofa na nandito sa office niya. Sa totoo lang ay dito agad ako dumiretso at hindi sa pwesto ko kaya dala ko pa rin ang bag ko ngayon. Nandito sa loob ang adobo na niluto ko para sa kaniya.

“Uminom ka ulit ng wine?” takang tanong ko dahil nandito sa table niya ang wine at ang isang baso.

“No. Not yet. Medyo kailangan ko sana pero since nandito ka naman na, hindi ko na kailangang uminom ng wine para mawala ang inis ko sa mga nangyayari,” sagot niya.

Nagsalubong ang kilay ko. “Bakit? Ano bang nangyari?” takang tanong ko sa kaniya.

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at inayos ang buhok niyang nasa harapan.

“Some clients, may ibang nagrereklamo kasi dahil hindi ko sila tinulungan. Narda, mali ba na tumanggi ako sa kanila? I mean, hindi ko kayang ilaban ang isang kaso na mali naman, hindi ko kayang ipanalo ang kaso na ang kalaban ay mismong biktima,” sagot niya. Bakas ang ibaʼt-ibang emosyon sa mukha at mata niya ngayon.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa hita niya ngayon. Ngumiti ako sa kaniya para ipakita na proud ako sa ginawa niya.

“Tama lang ang ginawa mo, Regina. Ang dapat mong ilaban at ipanalo ay ang tama lang at ang makabubuti. Proud ako sa ʼyo kaya naman dapat may reward ka!” masayang sabi ko sa huli.

“Ano namang reward ʼyan?” natatawang tanong niya.

Binitawan ko na ang kamay niya at kinuha ko ang bag ko. Nilabas ko mula roʼn ang dala kong tupperware na may lamang adobo na walang sabaw at maanghang.

“Adobo ala Narda!” sagot ko sa kaniya at muling natawa.

Nilapag ko na sa table ang tupperware at nilabas ko pa ang iba pang dala ko. May dala rin kasi akong kanin at kutsara para sa kaniya, baka kasi wala palang kanin dito kaya nagdala na ako para sure.

“Wow!” nasabi na lang niya habang nakatingin sa pagkaing dala ko.

“Isa lang pala ang kutsara na nadala ko, Regina. May extra kutsara ka ba rito?” tanong ko.

“Itʼs okay, Narda. Share na lang tayo, hindi naman ako maarte,” sagot niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi naman din ako maarte pero kung share kami sa iisang kutsara... indirect kiss na ʼyon ʼdi ba?

Ano ka ba naman, Narda?! Huwag ka na lang mag-isip ng ganiyan at hayaan mo na kung iisang kutsara lang ang gagamitin ninyong dalawa!

“Excited na akong matikman, Narda!” natutuwa at excited ngang sabi niya.

Kinuha ko ang tupperware na may kanin at siya naman ang naghawak sa tupperware na may adobo. Sinimulan ko nang kumuha ng kanin at nilagyan ko ng adobo.

“Tikman mo na,” sabi ko at tinapat sa bibig niya ang kutsarang may laman.

Agad niyang sinubo iyon at nakatingin lang ako sa magiging reaksyon niya. Napapikit pa siya habang ngumunguya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ang labi niya.

Umayos ka, Narda!

“Ang sarap! Grabe ito na yata ang pinakamasarap na adobong natikman ko. Ang sarap naman ng adobo ala Narda,” sabi niya at ngumiti sa akin.

Ngumiti rin ako sa kaniya at muli sanang kukuha ng pagkain pero inagaw niya sa akin ang kutsara at siya na ang kumuha ng pagkain. Itinapat niya sa akin iyon pagkatapos kaya bahagya pa akong nagulat.

“Tikman mo rin ang luto mo, Narda. Cʼmon ang sarap kaya!” aniya pa kaya naman sinunod ko na lang ang sinabi niya.

Ganoʼn ang ginawa namin, salitan kami para subuan ang isaʼt-isa. Parang mga bata dahil nagkakatapon pa ang ilang butil ng  kanin minsan at sabay pa kaming tatawa pagtapos.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon