72

1K 70 2
                                    

Pagkauwi ko sa bahay ay binalita na agad sa akin ni Ding na malapit na raw matapos ni Borgo ang sandata na gagamitin para sa akin.

“Ate, kailangan mong maghanda, isa na lang daw ang kailangan at mabubuo na ang sandata na ʼyon,” sabi pa ni Ding sa akin.

Napaisip ako. Alam kong malapit na kaming magharap ni Borgo pero bago iyon, ang babaeng ahas muna ang gusto kong makaharap. Gusto kong malaman muna kung paanong ganoʼn na lang kalakas ang kapangyarihang mayroon siya.

Nasisiguro kong ibang-iba siya sa mga extra na nakalaban ko na. Makamandag ang mga ahas na mayroon siya at bukod doon, iba rin ang itsura niya. Para siyang si Darna, nag-iiba ng anyo at nagkakaroon ng kapangyarihan. Kailangan ko lang malaman kung sino ang nasa likod ng Valentina na ʼyon.

“Hindi ako papayag na magtagumpay si Borgo. Hinding-hindi ko isusuko ang mundong ito sa kaniya,” sagot ko kay Ding.

Nagpunta ako kila Lolo at Klaudio para magtanong sa kung ano pang pwedeng gawin ni Borgo.

“Narda, matalino at tuso si Borgo. Hindi natin alam baka nasa harapan na pala natin siya. Kagaya ko ay kaya rin niyang kumopya ng mga tao,” paliwanag ni Klaudio.

“Ganoʼn din ang kanang kamay nito. Kaya mag-iingat ka sa lahat ng nakakasalamuha mo, Narda. Kilalanin mong mabuti ang mga taong nakakausap mo,” sabi rin ni Lolo.

Tumango lang ako sa kanila. Nagpaalam na akong uuwi na dahil maggagabi na rin. Bukas ay may pasok na ulit at magkikita na naman kami ni Regina.

Habang naglalakad ay may naramdaman ako. Parang may sumusunod sa akin kaya mas lalo kong pinakiramdaman iyon sa gawing likuran ko. Nang subukan kong bumaling ay wala namang tao pero nang humarap ako ay muntik na akong tamaan sa mukha ng sapatos nung babae dahil sa ginawa niyang pagsipa sa akin.

“Sino ka? Anong kailangan mo?” tanong ko sa kaniya.

Sumugod ulit siya sa akin pero hindi naman niya ako tinamaan. Malakas ko siyang sinuntok sa tiyan. Sino siya?

“Para kang isang magaling na mandirigma. Bawat kilos ni Zora ay gayang-gaya mo,” sabi niya sa akin.

Zora? Si Nanay ʼyon. Paano niya nakilala si Nanay? Sino ang babaeng ʼto? Si Borgo ba ito at nagpanggap na ibang tao?

“Anong kailangan mo sa akin?” muling tanong ko sa kaniya.

Naglaban kaming dalawa. Malakas ang isang ʼto pero natatamaan ko naman siya kahit na papaano. Sinipa at sinuntok ko siya.

“Wala kang kawala, protektor!” nakangising sabi niya sa akin at muli akong sinugod.

Tinawag niya akong protektor. Paano niya nalaman? Siya na ba si Borgo?

Ilang beses ko siyang sinugod at tinamaan ko siya sa panga nang sumipa ako. Bigla na lang siyang nagpalit anyo bilang isang ibon at mabilis na nawala. Para siyang si Klaudio na nakapagpapalit ng kahit anong anyo.

Sino siya?

“Ding!” Hinihingal na banggit ko sa pangalan niya.

“Ate, ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin, puno ng pag-aalala ang tono niya.

“May nakalaban ako. Hindi ko alam kung si Borgo na ba iyon. Malakas siya at kayang magpalit anyo katulad ni Klaudio,” sagot ko sa kaniya.

“Paano mo naman nasabing si Borgo na ʼyon? Kung si Borgo ʼyon sigurado akong hindi ka niya titigilan,” sabi niya naman.

Napatitig ako sa kaniya. Tama siya. Kung si Borgo nga ang nakaharap ko kanina ay baka napatay na ako noʼn dahil hindi pa naman ako nagpalit anyo bilang Darna.

“Tinawag niya akong protektor,” sabi ko.

Salubong na salubong ang kilay niya habang nakatitig sa akin. Siguro ay iniisip niya rin kung tama ba ang hinala ko o hindi.

“Puntahan na lang natin bukas sila Lolo at Klaudio para malaman kung anong ibig sabihin ng nangyaring ʼto,” sabi niya pa.

Tumango na lang ako. Kinakalma ko ang sarili ko dahil sa nangyari kanina lang. Hindi ako pwedeng maging kampante na sa mga susunod pang araw dahil delikado na ang mga nangyayari.

“Si Ishna ang nakita mo,” sabi ni Klaudio.

Nandito na kami sa kanila. Dito kami dumiretso ni Ding pagtapos naming gumayak. Dumaan na muna kami rito bago kami pumasok sa trabaho at sa school.

“Paano mo naman nasabi? Paano kung si Borgo na pala iyon?” tanong ni Ding.

Nakatitig lang ako kay Klaudio at hinihintay ang isasagot niya.

“Nasisiguro kong si Isha ang nakalaban mo. Hindi basta-basta susugod si Heneral Borgo. Isang ordinaryong tao ka lang nang magkalaban kayo, pwedeng-pwede ka niyang patayin kung siya man si Borgo,” sagot niya na.

“Tinawag akong protektor nung nakalaban ko. Paano niya nalaman?” takang tanong ko naman.

“Nagmamatiyag si Ishna kung ganoʼn. Siguro ay nakitaan ka niya ng dahilan para masabing ikaw ang protektor. Kailangan nating magawaan ng paraan ang bagay na ʼyan para maisip niyang hindi ikaw ang protektor,” sabi niya pa.

Nagkatinginan kami ni Ding. Wala akong tiwala kay Klaudio dahil siya ang pumatay sa Nanay namin at sinaktan niya si Ding. Pero sa ganitong pagkakataon ay maniniwala ako sa kaniya dahil nakikita po namang totoo ang mga sinasabi niya.

“Anong plano mo, Klaudio?” tanong ni Lolo Rolando kay Klaudio.

“Magaling na ako at kaya ko na ulit magpalit anyo. Ang plano ko ay gayahin si Narda at gumawa ng gulo saka lalabas ang protektor para iligtas kami,” paliwanag niya.

“Teka, teka nga. Gagawa ka ng gulo gamit ang mukha ni Ate? Hindi yata tama ʼyon!” reklamo agad ni Ding.

Tumitig si Klaudio sa kaniya. “Kailangang lumabas ng protektor at iligtas tayong dalawa, nang sa ganoʼn ay makita ni Ishna na hindi si Narda ang protektor,” paliwanag niya kay Ding.

“Maganda ang planong ʼyon. Kung totoo ngang sinusundan ka ni Ishna, makikita niya na ililigtas ng protektor ang pinaghihinalaan niya,” sabi naman ni Lolo.

“Sige po, lolo. Mamayang gabi natin gawin ang planong iyan. Kailangan pa naming pumasok ngayon,” sabi ko naman.

Nagpaalam na kami ni Ding. Alerto ako sa paligid ko dahil baka mamaya ay bigla na lang akong sugurin nung Ishna.

“Ate, sure ka bang papayag ka sa gusto nung Klaudio na ʼyon?” tanong ni Ding.

Umakbay ako kay Ding. “Oo, Ding. Maganda ang naisip niyang plano dahil iisipin nga nung Ishna na hindi ako ang protektor,” mahinang sagot ko sa kaniya.

Napakamot naman siya sa ulo niya at parang hindi sang-ayon sa plano namin. Naiintindihan ko naman kung nahihirapan pa rin siyang magtiwala o maniwala. Sobrang laki ng kasalanan ni Klaudio sa amin at lalo na kay Ding. Sobrang nasaktan si Ding sa ginawa niya noon.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon