48

1.4K 131 63
                                    

Wala pa ring tigil ang bilis ng tibok ng puso ko. Nasa harapan ko ngayon si Noah at Regina. Salitan pa rin sa kanila ang tingin ko.

“Narda, para sa ʼyo nga pala!” sabi ni Noah at inabot sa akin ang isang paper bag.

Napatingin ako kay Regina nang kunin ko iyon. Iba ang ngiti niya kung ikukumpara sa mga normal niyang ngiti. Nagseselos yata siya?

“Salamat, Noah. Hindi ka na sana nag-abala pa,” nahihiyang sabi ko naman kay Noah.

Napangiti ito. “Okay lang, Narda. Para sa ʼyo talaga ʼyan,” sagot niya.

Sinandal ni Regina ang ulo sa board kung saan nakasandal din siya at nakacross arm na nakatingin sa amin ni Noah. Ang hot mo naman diyan, Miss Maʼam.

Pero nakakabother pa rin ang mga tingin ni Regina ngayon. Mukhang manunuyo ako mamaya, a.

“Salamat, Noah!” Binigyan ko siya ng isang malawak na ngiti.

Nang mapatingin ako kay Regina ay napataas ang kilay niya kaya agad ko ring inalis ang ngiti ko kay Noah. Nadadagdagan ang utang ko kay Regina. Lagot talaga ako mamaya nito.

“Mauna na ako sa inyo,” paalam ni Regina.

Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin nung paalis na siya. Lagot ka naman talaga mamaya, Narda.

“Ah... Noah, may trabaho pa kasi ako...” nahihiyang sabi ko kay Noah.

Mukhang napansin naman din niya na kailangan niya nang umalis.

“Sige, Narda. See you again!” nakangiting paalam niya na sa akin.

“Bye. Ingat ka!” bilin ko.

Nang makaalis si Noah ay agad na akong nagsimula sa trabaho ko. Pero hindi ako makapagfocus dahil okupado ni Regina ang isip ko. Alam ko namang nagseselos siya dahil halata naman sa mukha niya kanina.

Sino ba namang hindi magseselos kung makikita ang girlfriend na binigyan ng regalo ng isang lalaki?

“Narda, sabay ka sa amin maglunch?” tanong ni Andre.

Umiling ako. “Kay Regina ako sasabay maglunch,” sagot ko naman.

May kakaiba sa tingin niya pero hindi ko na lang pinansin ʼyon. Wala naman din akong pakielam kung isipin nilang may kung ano sa amin ni Regina. Meron naman kasi talaga.

Bawat patak ng oras ay kabado pa rin talaga ako. Nagagawa ko ang trabaho ko pero hindi pa rin ako mapakali ngayon. Ilang minuto na lang ay lunch break na namin at pupunta na ako kay Regina para makausap siya tungkol kay Noah.

“Kain na, Narda!” sabi ng mga kasamahan ko na tinanguan ko na lang.

Mabilis kong inayos ang mga gamit na nasa table ko at pumunta na agad ako kay Regina.
Walang nang pagkatok pa at basta na lang akong pumasok sa loob.

Umiinom na naman siya.

“Regina!” pagkuha ko sa atensyon niya kahit na alam niya namang nandito ako.

“Narda...” walang emosyong pagbanggit niya sa pangalan ko.

“Tungkol doon kay Noah...” panimula ko.

Humarap siya sa akin na wala pa ring emosyon. Kumabog na naman ang dibdib ko dahil sa kaba.

“Magkakilala pala kayo ni Noah? ʼYung anak ni Mayor Zaldy!” mariing sabi niya sa huli.

Alam ko namang malaki ang galit niya kay Mayor Zaldy. Pero for sure naman hindi siya galit kay Noah? Wala namang ginagawa si Noah na ikagagalit niya.

“Oo. Minsan na niya kaming hinatid ni Ding. At bumili rin siya sa online selling namin ni Mara,” sagot ko.

Pinaglalaruan ko ang daliri ko ngayon sa likuran ko. Ganito ako kapag kinakabahan lalo na kung si Regina ang kaharap ko.

“Anong meron sa inyo? Bakit ka niya binigyan ng regalo?” tanong niya ulit.

Nilapag niya ang basong hawak niya at inayos ang buhok saka bumaling ulit sa akin. Nanatili akong nakatayo lang malapit sa upuang nandito sa office niya.

“Wala naman. Magkaibigan kami at siguro ay pasasalamat niya sa pagtulong ko sa kaniya noong naaksidente siya.” Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.

Hindi mapakali ang mata ko at hindi ko siya matingnan nang maayos dahil sa kaba ko. Paano ba manuyo?

“Hmm.. Okay!” iyon lang ang sinabi niya sa akin.

Napatingin ako sa kaniya. Bumalik siya sa pwesto niya. Naupo lang siya at pinaglaruan ang isang ballpen sa daliri niya. Natuon tuloy ang atensyon ko sa daliri niya.

“Ano pa kayang kayang paglaruan ng mga daliring ʼyan?” natanong ko na lang bigla.

Napaangat ang tingin ko sa mga mata niya. Nakataas ang isang kilay niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko kapag si Regina na ang kasama ko.

“Wanna try, Narda? Maraming kayang gawin ang daliring ʼto, It can brings you to heaven if you want,” mapang-asar na sabi niya.

Umangat ang gilid ng labi ko. Lumapit ako sa kaniya at pumwesto sa harapan niya. Nakaupo siya at nakatayo ako sa harapan niya. Ako ang top ngayon, Regina.

“Galit ka pa rin ba?” mahinang tanong ko.

Umangat ulit ang kilay niya. “Iʼm not mad at you, Narda.”

Yumuko ako para maglapit ang mukha naming dalawa. Nagkadikit ang ilong namin dahil sa ginawa ko.

“Nagseselos ka kay Noah?” tanong ko pa ulit at pinagkiskis ang ilong namin.

“Bakit ba kasi may paregalo pa siya?” bakas ang inis sa tono niya.

Nangiti ako dahil bakas na naman ang pagseselos niya. Ang cute naman magselos ng isang Regina Vanguardia.

Dinikit ko ang labi ko sa kaniya. “Huwag kang magselos kay Noah. Wala naman kaming ugnayan,” sabi ko at muling hinalikan siya.

Hinapit niya ako sa bewang para mas mahalikan namin ang isaʼt-isa. Palitan ang pwesto ng labi naming dalawa. Minsan pa ay nararamdaman ko ang mahinang pagkagat niya sa labi ko.

“Selos ka pa?” tanong ko matapos ang halikan naming dalawa.

“No. Hindi na...” sagot niya.

Napangisi ako at muling inangkin ang labi niya. Hindi ako sanay manuyo kaya idinaan ko na lang sa kiss. Mukhang effective naman pero baka lahat na pagselosan niya para lang makakiss siya sa akin.

“Babalik na ako sa trabaho ko. Okay nang lunch ang labi mo. Busog na ako,” pang-asar na sabi ko.

Umayos ako ng tayo at inayos ko rin ang sarili ko. Si Regina naman ay humarap sa salamin para ayusin ang lipstick niyang nagulo dahil sa ginawa namin.

“Bye, honey. Text me when youʼre done,” bilin niya sa akin na tinanguan ko na lang.

Malawak ang ngiti ko nang lumabas ako sa office niya.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon