REGINAʼs POV:
This is it! This is our 6th monthsary. I am so excited. Ano ba ang isusuot ko? Oh Gosh!
“Regina, tawag ka ng Daddy mo,” sabi ni Ali sa akin.
Pumipili pa lang ako ng isusuot ko, e. Iniwan ko muna saglit para makausap si Daddy. Sa telephone naman siya tumawag, bakit hindi na lang sa phone ko?
“Dad?”
[“What are you doing, Regina?”] tanong niya sa akin.
Nangunot naman ang noo ko. He sounds disappointed to me. Ano na namang nagawa ko?
[“All of your clients are now gone. Lumipat sila ng ibang lawyer dahil hindi mo raw magawang ipanalo ang kaso nila. What are you thinking, Regina? You ruined my name!”]
Napaawang ang bibig ko at walang ni isang salita na lumabas dito. Disappointed na naman sa akin ang Daddy ko.
[“Meet me here, kailangan kitang makausap tungkol sa kapalpakan mo.”] Pinatay niya na ang tawag matapos sabihin iyon.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at kinalma ang sarili ko. Hindi pwedeng magpadala ako sa galit ko.
“Wait me here, Ali. Gagayak lang ako then punta na tayo kay Daddy,” sabi ko kay Ali.
Mabilis akong pumunta sa kwarto ko at basta na lang kumuha ng maisusuot ko. Ayaw na ayaw ni Daddy na pinaghihintay siya kaya kailangan kong magmadali.
Iʼm checking the news right now. And guess what? Puro lang naman kay Darna ang nakikita ko. Puro papuri sa kaniya dahil sa paghuli niya sa mga extra.
From: @itsregi
“Nasaan na si Valentina? Dapat pinatay niya na lang ang mga extra. Kapag si Darna kasi ay hinuhuli lang niya. Dapat patayin na para hindi na makatakas pa at makapanakit ng maraming tao.
Umangat ang gilid ng labi ko nang makita ko ang isang post na ʼto. They need Valentina more than Darna.
“Letʼs go, Ali.”
Mabilis akong lumabas ng unit ko. Kumpara kanina ay okay na ang mood ko ngayon. Hindi ako pwedeng humarap kay Daddy na hindi ako maayos.
“Daddy...”
Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Pagkalabas ko ay nakita ko na agad siya rito kasama ang driver niya. Ganoʼn na ba kalaki ang nagawa ko at hindi na siya nakapaghintay na puntahan ko siya?
“I am so disappointed, Regina.” Naiiwas ko ang tingin ko sa kaniya. “Buti pa si Darna, nagagawa niya ang mga tungkulin niya. Ikaw na simpleng pagpanalo sa kaso lang ay hindi mo pa nagawa!” malakas at mariin niyang sabi sa akin.
Of all people bakit si Darna pa ang kinumpara niya sa akin?
“Kinumpara ka kay Darna...” May naririnig na naman akong boses. Nagsisimula na naman sila.
“Papayag ka ba na ganoʼn, Regina?” Ibang boses na naman.
“Mas magaling ka kay Darna. Ipakita mong kaya mong higitan si Darna...” Ibang boses na naman.
“Manahimik kayo!” malakas na sabi ko habang nakahawak sa ulo ko.
“What?” galit na tanong ni Daddy sa akin.
Oh Gosh! Akala niya yata ay siya ang sinabihan ko noʼn.
“Dad... Hindi ikaw... I mean, hindi...” Hindi ko na malaman kung ano pa bang sasabihin ko.
Napailing na lang si Daddy sa akin at basta na lang akong tinalikuran. Galit na galit akong pumasok sa kotse ko. Kasalanan ni Darna ʼto.
“Aaahhhh!” sigaw ko kasabay ng kakaibang pakiramdam sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...