53

1.3K 106 51
                                    

“Libre ba ulit bukas?” tanong ko sa pabirong paraan.

“Mauubos pera ko sa inyong dalawa. Pre, ikaw naman manlibre bukas!” sabi ni Andre kay Chard.

Natatawa na lang ako sa kanila. Papasok na kami ngayon office. Maya-maya lang ay aalis na ang dalawang ʼto kaya ako na lang ulit mag-isa rito. I mean, hindi ko kasi ka-close ang iba pang EMTs kaya itong dalawa lang na ʼto ang madalas kong kasama at nakakausap dito.

“Narda!” Nagulat ako sa pagtawag ni Regina sa akin.

“Bakit?” Ilang beses pa akong napakurap at iniwas ang tingin sa kaniya.

“Mauna na kami, Maʼam Regina, Narda.” Kumaway sa akin ang dalawa na tinanguan ko na lang.

Napabalik ang tingin ko kay Regina na ngayon ay nakatingin sa dinaanan nang dalawa. Nagseselos na naman ba siya?

“Saan ka galing?” malumanay niya nang tanong sa akin.

Pinamulsa ko ang dalawang kamay ko at humugot ng isang malalim na hininga. Napansin kong tiningnan niya pa ako mula mukha hanggang sa kamay kong nakapasok sa bulsa.

“Nagyaya lang si Andre kumain. Libre niya raw kaya pumayag na ako,” sagot ko sa kaniya.

“Okay. Letʼs go to my office, may gagawin ka ba?” tanong niya.

Umiling lang ako. Agad siyang tumalikod sa akin at nauna nang maglakad. Mabilis naman akong sumunod sa kaniya.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa office niya ay agad niyang sinara ang pinto at sinandal ako roʼn kaya nagulat ako at nanlaki ang mga mata. Ilang beses pa akong napakurap at napalunok habang nakatitig sa kaniya.

“I know youʼre mad at me, Narda. Bigla ka na lang umalis kanina after nung mga sinabi ko,” nag-aalala ang tono at mukha niya nang sabihin iyon.

Bumalik na naman tuloy ang inis na naramdaman ko kanina. Mabilis kong pinagpalit ang pwesto naming dalawa. Siya naman ngayon ang nakasandal sa pinto at nakaharang ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid niya.

“Hindi ako galit. Siguro nainis lang ako dahil kagaya ng ibang tao, pati ikaw ay ganoʼn ang tingin mo kay Darna.” Nakatitig lang ako sa kaniya.

“Okay, Iʼm sorry about that. Hindi ko naisip ang mararamdaman mo at nagpadalos-dalos ako sa mga sinasabi ko. Alam ko namang para sa ʼyo ay tama si Darna at malaki ang naitutulong niya sa atin—sa lungsod natin,” sabi niya naman habang tumatangu-tango pa.

“Masyado lang din akong nagreact kanina. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya sorry din. Hindi ko rin naisip ang mararamdaman mo sa ginawa kong ʼyon,” mahinang sabi ko.

Tumango siya sa akin at tipid na ngumiti. Hinawakan niya pa ako sa pisngi at mas tinitigan.

“Katatapos lang nating magcelebrate kagabi ng Monthsary natin, ayaw kong mag-away tayo nang dahil lang kay Darna,” sabi niya pa.

“Hindi na. Pasensya na talaga sa inasal ko kanina,” muling sabi ko.

Pinagdikit niya ang noo naming dalawa. Ang kamay kong nakaharang sa magkabilang gilid niya ay nilagay ko na sa bewang niya para mayakap siya.

“Letʼs eat lunch together later. Para naman makabawi ako sa naging tampuhan natin,” sabi niya at mabilis akong hinalikan sa labi.

“Sige, wala naman akong masyadong gagawin ngayon kaya marami akong oras para sa ʼyo,” sabi ko naman.

Akmang hahalikan ko na sana siya nang may kumatok naman sa pintong nasa likuran niya.

Mabilis kong inalis ang mga kamay ko sa bewang ni Regina at bahagya rin akong lumayo. Marahas na binuksan ni Regina ang pinto kaya palihim akong natawa. Inis ʼyan dahil nabitin.

“Ali!” inis na banggit niya sa pangalan nung kumatok.

Napatakip ako sa bibig ko nang muntik nang lumabas ang malakas kong tawa.

“May na-istorbo ba ako?” tanong ni Ali at tumingin pa sa akin.

Salubong naman ang kilay ni Regina at nagcross arms na nga saka tumingin kay Ali. Napakamot sa likod ng ulo si Ali dahil mukhang alam niya nang may nastorbo nga siya.

“Pasensya na hindi ko naman alam na nandito si Narda,” sabi niya at tipid na ngumiti sa akin.

“Ano ba kasing kailangan mo?” tanong ni Regina rito.

“Magtatanong lang sana ako kung gusto mong kumain. Baka kasi sabihin ni Narda hindi kita binabantayan nang maayos,” pang-aasar pa ni Ali at tumingin sa akin.

Natawa na ako sa kanila. “Ako na bahala sa kaniya, Ali. Salamat sa pagbabantay sa girlfriend ko,” nakangiting sabi ko naman.

“May dala na akong pagkain.” Pinakita niya sa akin ang isang paper bag kaya agad akong lumapit.

“Sige salamat. Ako na bahalang magpakain kay Regina,” sabi ko naman.

Tumango si Ali at bumaling kay Regina. Nakatanggap tuloy siya rito ng isang irap. Natatawa talaga ako dahil bahagya pang nakanguso si Regina. Parang batang inagawan ng candy.

“Sa susunod kasi huwag kayo sa pinto. At pakilock na rin para sure,” pang-asar pa ni Ali saka umalis na.

Tawa ako nang tawa. Padabog namang pumunta si Regina sa table niya para sana kunin ang basong may wine pero tinaasan ko agad siya ng isang kilay.

“Kumain ka muna, Regina. Nawiwili ka na puro wine na lang palagi ang tinitira mo sa umaga,” sabi ko at lumapit sa kaniya.

“Bakit? Gusto mo bang ikaw na lang?” mapang-asar ang tono niyang sabi.

Ilang segundo bago ko narealize ang sinabi niya. Pinisil ko ang ilong niya kaya natawa na rin siya. Naupo ako sa office chair niya at binuksan na ang dalang pagkain ni Ali para kay Regina.

“Kandong ka, honey...” pang-asar ding sabi ko at tinapik pa ang hita ko.

Sinandal ko kasi ang sarili ko sa sandalan nitong inuupuan ko at medyo nakabukaka ako habang ang dalawang braso ay nasa gilid ng upuan. Hindi naman sa pagmamayabang pero kung titingnan ang ayos ko ngayon ay baka mapatulala rin kayo kagaya ng reaksyon ni Regina ngayon.

“Susubuan kita, honey. Halika na rito at nang makapagsimula ka nang kumain,” sabi ko at hindi pa rin inalis ang pang-aasar sa tono.

Lumapit siya at naupo nga sa hita ko. Nakaharap naman siya sa gilid kaya naman nakikita ko pa rin ang side profile niya. Sinimulan kong ayusin ang pagkain at kumuha na para isubo sa kaniya.

“Anong trip ba ʼto, Narda?” tanong niya sa akin.

Pinatong ko ang baba ko sa balikat niya at muli siyang sinubuan. This is the proper way of eating in the office. Joke lang.

“Pinapakain lang kita, tapos mamaya ako naman ang kakain...” mahinang sabi ko sa bandang tainga niya.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon