04

2K 134 9
                                    

Wala akong kibo habang magkatabi kami sa kotse. Hindi ko kasi alam kung paano ko ba sisimulan ang usapan.

“Nakatapos ka ba ng college?” tanong niya sa akin.

Mabilis akong umiling. “High school lang po ang natapos ko, Maʼam. Hindi na po kasi kayang magcollege dahil namatay ang Nanay ko noon,” sagot ko naman at alanganin pang ngumiti sa kaniya.

Bumaling siya sa harapan habang nakacrossed arms pa siya. Mukha siyang mataray pero maamo rin ang mukha at the same time.

“Mayroon akong foundation na nabuo. Mga EMT na tumutulong para sa mga nangangailangan. Marunong ka ba sa medical?” tanong niya.

Mabilis akong tumango at ilang beses pa nga dahil sa pagka-excite ko.

“Yes, Maʼam! EMT din po ang Nanay ko noon at idol na idol ko po siya. Gusto ko ring tumulong sa mga taong nangangailangan ng tulong. Ang sabi po kasi noon sa akin ni Nanay, “Ang pinakamalaking kasalanan ay may kakayahan kang tumulong pero hindi mo ginawa.” Iyon po ang palaging nasa isip ko kaya kapag po may nangangailangan ng tulong ay hindi po ako nagdadalawang isip na kumilos,” mahabang sabi ko pa.

Nakatitig lang sa akin si Regina at nakataas ang isang kilay. Bigla na naman akong nahiya dahil sa inasta ko sa harapan niya.

“Pasensya na po, Maʼam. Ang daldal ko talaga...” mahinang sabi ko sa huli.

Bahagya siyang natawa sa akin. “No. Itʼs okay. Natutuwa nga ako sa ʼyo.” Ngumiti pa siya sa akin pagkatapos.

“Ang gusto ko sa mga employees ko ay masipag, maagap at mabilis kikilos. Hindi pwede ang tatamad-tamad lalo na sa ganitong trabaho,” sabi pa niya.

“Kayang-kaya ko po iyan, Maʼam! Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, sisikapin ko po talaga at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko,” siguradong sagot ko naman.

Tumitig siya sa akin na para bang binabasa niya ang kung anong nasa isip ko. Ang mga titig niya ay nakakailang pero masarap din sa pakiramdam. Nakakakalma ang maaamo niyang mga mata.

“Okay youʼre hired. You can start tomorrow but for now, sumama ka muna sa akin para maipakita ko sa ʼyo ang iba pang kailangan,” simpleng sabi niya pa.

Hindi maalis ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. I am hired! May trabaho na ulit ako at hindi na ako mamomroblema pa para sa tuition ni Ding.

“Thank you so much, Maʼam Regina! Sobrang hulog ka talaga ng langit sa akin!” Nakahawak ako sa mga kamay niya dahil sa sobrang tuwa ko.

Napadako roʼn ang tingin niya kaya agad ko ring naalis ang mga kamay kong nakahawak sa kaniya.

“Sorry po. Na-excite lang ako masyado. Sobrang thankful po talaga ako sa inyo, Maʼam.” Todo ang ngiti ko ngayon habang nakatingin sa kaniya.

Ngumiti rin siya sa akin at hinawakan niya ang mga kamay ko. Nagulat ako pero hindi naman ako nagreklamo. Kumabog pa nga ang dibdib ko ngayon pero siguro ay dahil nahihiya lang ako at kinakabahan.

“You need a job so ito na, binigyan na kita. Kagaya nga ng sabi ng nanay mo ay isang malaking kasalanan na may kakayahan kang tumulong pero hindi mo ginawa. Ayaw kong magkaroon ng kasalanan kaya tumulong ako sa ʼyo,” pabirong sabi niya pa kaya sabay na kaming natawa.

Parang kami lang dalawa ang nandito ngayon. Parang wala kaming kasama dahil kami lang talagang dalawa ang nag-uusap at nagtatawanan. Para kaming may sariling mundo ni Regina.

“Ay! Maʼam Regina, lawyer po pala kayo ʼno? Grabe ang galing mo naman po. Balita ko po kasi marami ka nang naipanalo na kaso and marami ka na ring natulungan dahil sa foundation na binuo mo,” hindi ko na napigilang sabihin.

Sikat si Regina dahil sa galing niyang humawak ng kaso. Madalas ko nga siyang makita sa TV or sa kahit saan dahil isa rin siyang vlogger. Palagi niyang pinatatamaan si Mayor kaya sa tuwing may vlog siya ay palagi ring kasama sa sinasabi niya ang tungkol sa pwesto ni Mayor Zaldy.

“Ginagawa ko lang ang tingin ko ay tama. Inilalaban ko lang kapag alam kong nasa tama ako at hindi ako tumitigil hanggaʼt hindi ko napapanalo at nabibigyan ng hustisya ang mga naagrabyado,” seryosong sagot niya naman sa akin.

“Hanga po ako sa inyo, Maʼam! Saludo ako sa mga tulad ninyong handang gawin ang lahat para makuha ang hustisya,” seryosong sabi ko rin naman.

Tumigil ang sasakyan at bumaba ang lalaking kasama namin. Pinagbuksan niya kami ng pinto kaya agad akong lumabas at hinintay si Regina.

“Tulungan ko na kayo, Maʼam!” sabi ko nang mapansin kong nahihirapan siyang bumaba ng sasakyan.

Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya para maalalayan ko siya palabas ng kotse. Nang masiguro kong maayos na siya ay binitawan ko na rin naman siya. Kagaya ng madalas niyang gawin ay inayos niya ang buhok niyang nasa harapan niya gamit ang dalawang kamay.

“Letʼs go. Ipakikilala ko na rin sa ʼyo ang iba mo pang makakasama,” pag-aaya niya at nauna na siyang maglakad.

Sumunod ako sa kaniya at bahagya akong nakayuko dahil nahihiya ako sa mga nakakasalubong namin. May ilan na bumabati kay Regina, may ilan naman na hindi siya magawang tingnan.

“Good afternoon, everyone!” bati ni Regina sa mga EMTs.

Ang angas ng uniform nila. Bigla kong naalala si Nanay dahil ganito rin siya noon. Tipid akong napangiti at napahugot ng hininga para ikalma ang sarili ko.

Nay, gagawin ko rin kung anong ginawa mo noon. Magiging EMT din ako katulad mo.

“This is Narda, isa sa makakasama ninyo dahil magiging EMT na rin siya rito,” sabi ni Regina na nakapukaw sa atensyon ko.

Ngumiti ako sa mga makakasama ko sa trabahong ʼto. Marami sila at hindi ko sigurado kung lahat ba sila ay makakasundo ko dahil ngayon pa lang nakikita ko na kung sino ang hindi ko makakasundo dahil sa mga tingin nila sa akin.

“Nice to meet you all, sana magkasundo tayong lahat,” sabi ko sa kanila.

May isang umirap sa akin pero hindi ko na pinansin pa. Bumaling ako kay Regina at ngumiti sa kaniya. Ginantihan niya rin naman ako ng ngiti. Ang ganda niya talaga.

“Huwag kang mag-alala, Narda. Mababait kaming lahat dito at makakasundo mo naman kami dahil mabait ka rin naman siguro,” sabi ng isang lalaki na maputi at medyo chubby ang pisngi.

“Mabait naman si Narda. And for sure makakasundo ninyo siya,” sagot ni Regina.

Muli kaming nagkatinginan at sabay na ngumiti sa isaʼt-isa. Bukas pa ang simula ko rito at excited na ako.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon