30

1.8K 132 43
                                    

Kung saan-saan pa ako hinatak ni Regina. Ganito pala magshopping ʼto, kahit saan na lang pumunta kahit wala namang bibilhin. Feeling ko maiikot namin buong mall, e.

“Uwi na tayo, anong oras na...” reklamo ko na.

Paniguradong hinahanap na ako ni Lola. Malapit nang maghapunan pero hindi pa ako nakakauwi. Hindi ko naman sila nasabihan na kasama ko si Regina.

“Gusto mong magdinner na tayo rito?” tanong niya.

“Si Ali kanina pa tayo hinihintay, next time na lang tayo magdinner sa labas, Regina. May pasok pa bukas,” sabi ko naman.

Kung sana lang ay walang naghihintay sa amin ay papayag akong magtagal kami rito kaso lang ay nakakahiya naman kay Ali, kanina pa siya nasa labas at naghihintay lang.

Sumunod naman si Regina sa sinabi ko. At nandito na nga kami ngayon sa kotse para makauwi na ako. Marami pa namang pagkakataon para sabay kaming kumain o magmall.

“Sorry, Ali. Natagalan kami sa mall,” sabi ni Regina.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Si Ali naman ay nakatuon lang ang atensyon sa pagmamaneho.

“Okay lang, Regina. Nagdinner na ba kayo?” tanong nito sa amin.

“Hindi pa. Si Narda kasi sabi niya umuwi na raw tayo,” nakangusong sabi ni Regina.

“May next time pa naman kasi,” katwiran ko naman.

“Narda, masanay ka na kay Regina. Ganiyan talaga siya kapag nasa mall. Aabutin ng gabi at sa labas na kakain, buti nga at napapayag mong umuwi nang hindi kumakain muna ʼyan,” sabi pa ni Ali.

Napaangat ang isang kilay ko kay Regina. Ganito na ba kalakas ang epekto ko sa kaniya at sa isang sabi ko lang napapasunod siya?

“Madali naman akong masanay,” sagot ko habang nakatingin pa rin kay Regina.

Hindi pa rin naaalis ang pagkakanguso niya at nakacrossed arms pa. Tampo pa rin kaya siya?

“Sa weekend punta ka na lang sa bahay. Magluluto tayo ng kwek-kwek,” pag-aaya ko sa kaniya.

Nag-iba ang aura niya dahil sa narinig. Meet the family na agad? Lakas mo naman, Regina.

“Sure ʼyan?” naniniguro pang tanong niya na tinanguan ko naman.

Niyakap niya ako dahil sa sobrang tuwa niya. Napatingin ako sa gawi ni Ali na nangingiti na lang sa amin ni Regina.

“Maggrocery muna tayo noʼn para may magamit tayo pangkwek-kwek,” sabi ko pa.

At habang nasa biyahe nga ay walang tigil si Regina sa pagkukwento ng mga gusto niyang kainin at ang mga nakain niya na noon na gusto niya ulit tikman.

“Sa weekends na lang ako pupunta sa inyo, Narda. For now, hanggang dito muna ako,” sabi niya nang makarating na sa amin.

“Kilala ka naman na ni Lola. Pero sige ikaw ang bahala. Mag-ingat kayo pauwi,” nakangiting bilin ko sa kaniya.

Nakatitig lang siya sa akin at bahagyang nakanguso. Natatawa akong lumapit at hinalikan siya sa pisngi.

“Thanks for today, Narda. Bukas ulit!” nakangiting sabi niya na.

Sumaludo na lang ako kay Ali at hinintay silang makaalis na. Perks of being in a relationship with girl, we can act like weʼre just bestfriends.

“Ang ganda ng ngiti ng apo ko, a! Anong meron?” bungad ni Lola sa akin. Agad akong nagmano sa kaniya.

“Wala naman po, Lola. Sinamahan ko lang si Regina na magmall kaya medyo ginabi na ako,” sagot ko naman.

Naghahanda na si Ding ng mga plato dahil kakain na kami. Sakto lang yata ang dating ko para sa hapunan.

“Siya ba ang naghatid sa ʼyo? Sana ay pinapunta mo na rito sa atin,” sabi pa ni Lola.

Inakay ko na siya papunta sa hapag. “Lola, sa weekends na lang siya pupunta, magluluto kami ng kwek-kwek dahil gusto niya ʼyon,” nakangiting sabi ko.

Kanina pa ako nakangiti, baka nga kung ano na ang naiisip sa akin nila Lola, e. Bahala na nga, kasalanan ni Regina kung bakit ganito ako kasaya. Kasalanan ng girlfriend ko.

Sarap pala sa feeling kapag may label.

“Ate, sobrang close kayo niyang boss mo, a!” pang-aasar ni Ding sa akin.

Naupo na rin ako nang matapos na siyang mag-ayos. Magsisimula na kasi kaming kumain ngayon.

“Oo. Sobrang bait niya kasi talaga and hindi naman magkalayo ang edad namin kaya mabilis naging close,” sagot ko naman.

Sa sobrang close nga nagagawa na naming pagdikitin ang labi namin. Narda, nasa harap ka ng pagkain, huwag kang mag-isip ng kung anu-ano.

“Gusto kong makilala na ʼyang Regina na kaibigan mo. Sa mga kwento mo kasi sa kaniya ay parang ang bait bait nga niya,” nakangiting sabi ni Lola.

Tumango-tango ako. “Sobrang bait niya, Lola. Niregaluhan niya pa ako ng necklace, hindi ko sana tatanggapin dahil medyo mahal ang presyo pero hindi naman siya papayag na ibalik ko ʼto,” sabi ko at pinakita ang necklace.

“Ang ganda. Parehas kayo niyan for sure,” sabi ni Ding.

Tumango lang ulit ako. Sa haba ng nilakad namin kanina sa mall ay nagutom tuloy ako kaya ang dami kong nakakain ngayon.

“Mainam naman at may kasundo ka talaga sa trabaho mo. Mas masayang magtrabaho kapag kasundo mo ang lahat ng nasa paligid mo,” sabi pa ni Lola.

Nagsimula na rin silang kumain at nagkwento si Lola ng kung anu-ano. Nakikinig at minsan ay natatawa na lang kami ni Ding sa kaniya.

“Ate...” pagkuha ni Ding sa atensyon ko.

Nakatutok siya ngayon sa phone niya at may kung anong tinitingnan doon.

“May bago na namang extra, Ate.” Inabot niya sa akin ang phone niya para makita ko kung anong nakita niya.

May balita na naman tungkol sa extra. Isang lalaking nakakatagos sa pader ang extra ngayon. Nakamask at sumbrero siya nang makuhanan ng cctv.

Nawalan ako ng gana kumain dahil dito. Panibagong isipin na naman at panibagong laban na naman ang haharapin ko bilang Darna. Paano ko mahuhuli ang isang ʼto kung may kakaiba siyang kapangyarihan?

“Bakit kaya isa-isang lumalabas ang mga extra?” takang tanong ni Ding.

Napatitig ako sa kaniya dahil doon. Kung kumalat nga ang crystal na green na dahilan kung bakit may mga extra, bakit nga kaya isa-isa lang lumalabas ang mga ito?

“Mas mainam nang isa-isa na lang lumabas, mahihirapan si Darna kung sabay-sabay na lalabas ang mga extra,” sabi naman ni Lola at napatingin sa akin.

Tama si Lola. Pero nakakapagtaka nga na parang may kumokontrol sa mga extra na ʼto. Si Heneral Borgo lang naman ang may pakana ng lahat ng ito. Kailan kaya matatapos ʼto? Kailan ko mahuhuli ang lahat ng extra kasama na ang babaeng ahas?

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon