60

1.3K 98 22
                                    

Kinabukasan ay maaga akong gumayak pero hindi agad ako pumasok. Kailangan kong harapin si Regina bilang Darna para matapos na ʼto.

“Ate, sigurado ka bang pupunta ka bilang Darna?” tanong ni Ding sa akin.

Tumango lang ako. Nasa palad ko na ngayon ang bato at handa nang lunukin ito para maging si Darna na ako.

“Kailangan kong tapusin na ʼto,” sagot ko sa kaniya.

Pagkasubo ko sa bato ay agad akong sumigaw ng DARNA. Tumango lang ako kay Ding at mabilis na akong lumipad palabas.

“Lilinisin ko ang pangalan ni Darna,” nasabi ko na lang habang nasa himpapawid ako.

Nang makita ko na ang office namin ay agad akong bumaba. Agad sumalubong sa akin ang mga tao at ang iba ay mga reporter pa.

Taas noo akong naglakad papasok sa loob para mapuntahan si Regina. Si Ali ang naabutan ko sa labas ng office nito at sinabi naman niya kay Regina na may bisita ngayon at ako ʼyon.

“Regina, may bisita ka.” Binuksan ni Ali ang pinto kaya agad akong pumasok.

Nakatitig sa akin ngayon si Regina. Huminto ako nang magkaharap na kami. Ang tingin niya ay hindi mapakali ngayon.

Regina, kahit si Narda at Darna ay iisa, baka pagselosan ko rin ang sarili ko dahil sa mga titig mo.

“Darna...” banggit niya sa pangalan ko habang may kaunting ngisi sa labi at titig na titig sa akin.

Taas noo lang akong nakatingin sa kaniya. Hinihintay na magsalita ulit siya.

“Mabuti naman at nagpunta ka, Darna. Hindi ka duwag,” dagdag niya pa.

“Hindi ako nagpunta rito para makipag-away. Nandito ako para magpaliwa---” pinutol niya ang sasabihin ko.

“Good! Then letʼs get started,” mataray niyang sabi.

Inaayos ni Ali ngayon ang camera na nakatutok sa amin ni Regina ngayon. Siguradong nanonood na ang lahat ng tao ngayon sa amin.

“So tell us, Darna. Saan ka ba nanggaling? Bakit ka may superpowers? Isa ka rin bang extra?” sunud-sunod na tanong niya agad.

Kung hindi lang ako si Darna ngayon baka pinatahimik ko na siya gamit ang labi ko. Masyado kang maraming tanong, honey.

“Hindi ako isang extra,” sagot ko sa kaniya.

Tumaas ang kilay niya. “Kung ganoʼn ay saan nanggagaling ang powers mo?” tanong niya pa.

Napaangat ang gilid ng labi ko. “Hindi ko pwedeng sabihin,” sagot ko sa kaniya.

Nag-iba ang aura ng mukha niya ngayon. Nakalive kami at sigurado akong lahat ng sinasabi at sasabihin namin ay maririnig ng mga tao. Hindi ko intensyong mapahiya si Regina kaya sana lang ay ayusin niya ang bawat tanong na binibitawan niya.

“Darna... Umaasa ang mga tao na makilala ka. Kung hindi mo sasagutin ang mga tanong ko ay ano pang silbi ng pagpunta mo rito?” tanong niya ulit. Mataray na naman ang itsura niya ngayon.

“Nandito ako para sabihin sa lahat ng manonood,” Humarap ako sa camera. “Na hindi kailanman tamang pumatay ng tao kahit na kriminal pa ito!” mariing sabi ko.

“Mali ang nakararami na sumang-ayon sa babaeng ahas.” Napatingin ako kay Regina. Nakangiti siya pero alam kong pekeng ngiti lang iyon.

“Pero hindi ba dahil sa laging kapalpakan mo kaya kumakampi ang mga tao sa babaeng ahas!” Nakacrossed arms siya at nakatingin sa akin ngayon.

Ang hot mo, Miss Maʼam! Pakiramdam ko ay nasa korte ako at kalaban ko si Atty. Regina Vanguardia.

“Innocents... Kumakampi ang mga tao sa kasamaan... dahil sa ʼyo,” dahan-dahan pero may riin sa tono niya.

“Hindi ba unfair ang ganiyang pananaw, Regina?” tanong ko sa kaniya. Nag-iba na naman ang aura niya.

“Hindi ito tungkol sa kung sino ang kakampihan nila. Tungkol ito sa nangyayaring pagpatay. Dapat lahat ng tao ay binibigyan ng pagkakataon na depensahan ang sarili nila gamit ang batas. Hindi ba iyon din ang gusto mo bilang isang abogado?” tanong ko sa kaniya habang nakatitig pa rin ako.

Sorry, honey. Kailangan kong gawin at sabihin ito para malinawan ka na hindi mo dapat ginagawang kaaway si Darna.

Nagtuluy-tuloy pa ang sagutan naming dalawa. Alam kong hindi na maayos ang nagiging usapan namin dahil sa aura niya ngayon.

“Gawin mo ang tama, Regina. Nang hindi iniisip kung magugustuhan ka nila o hindi,” muling sabi ko sa kaniya.

Napansin kong lumalalim na ang paghinga niya dahil sa galit sa akin. Kung si Narda siguro ako, lalalim lang ang paghinga mo kapag nasa ibaba mo ako, Regina.

“Are you saying na ginagawa ko ʼto para hangaan ako ng mga tao?” Mabilis ang paghinga niya at mariin ang tingin sa akin.

“Hindi ako ang makakasagot sa mga tanong na ʼyan,” huling sabi ko at tinalikuran ko na siya.

Mabilis akong umalis doon. Kailangan ko ring magpalit anyo kaagad nang sa ganoʼn ay hindi ako mahalata.

Nasaktan ko si Regina dahil sa paghaharap namin bilang si Darna. Pero hindi naman pwedeng palagi na lang siyang galit kay Darna. Mas okay nang malaman niya rin kung anong saloobin ko bilang si Darna.

“Oy! Bakit ngayon ka lang? Sayang hindi mo naabutan si Darna!” bungad ni Chard sa akin.

Tipid lang akong ngumiti at inayos ang gamit ko.

“Medyo late na akong nagising, e. Nagpunta si Darna rito?” taka kunyaring tanong ko.

“Oo! Grabe hindi nga ako makapaniwala kanina nung nakita namin siyang papasok dito,” sagot niya.

Nangunot ang noo ko. “Anong ginawa niya rito?” muling tanong ko.

“Ah ininterview siya ni Maʼam Regina. Ang angas ngang sumagot ni Darna, e. Panoorin mo na lang, nakapost naman na ʼyon for sure,” sabi niya pa.

Tumango na lang ako sa kaniya. Nagpasya akong pumunta kay Regina para alamin kung anong ginagawa niya ngayon. Sakto may dala akong pagkain na luto ni Lola para kay Regina.

Peace offering kumbaga. Sana lang ay tanggapin niya at sana lang ay kausapin niya ako ngayon. Baka mamaya ayaw niyang kumausap muna dahil sa nangyari sa interview.

“Regina?” pagtawag ko sa kaniya.

Agad akong ngumiti at inangat ang hawak kong paper bag. Ngumiti rin siya sa akin. Ngiting iba kumpara sa kanina habang kausap niya si Darna.

“Luto ni Lola ʼyan, para sa ʼyo.” Nakatingin lang ako sa kaniya at tinitingnan ko kung maayos lang ba ang lagay niya.

“Tell her thanks for this,” sabi niya naman.

Tumango lang ako at muling tumitig sa kaniya. Nakonsensya ako bigla dahil sa sinabi ko sa kaniya kanina nung Darna pa ako. Apektado siya at hindi niya iyon maitatago sa akin ngayon.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon