(HUWAG SANA KAYONG MALITO. BABALIK TAYO SA UMPISA PERO THIS TIME POV NAMAN NI REGINA. MALALAMAN NINYO KUNG ANONG NAF-FEEL NI REGINA EVERY TIME NA MAGKASAMA SILA NI NARDA -Author M.)
REGINAʼs POV:
All my life I tried my best for my Dad. Lahat na lang ginawa ko para lang maging proud siya sa akin pero palagi na lang hindi sapat. Kailan ba siya magiging proud sa akin?
“Ali, pakikuha ang wine,” utos ko sa secretary ko.
I need some wine to freshen up my mood. Ang aga aga kasi pero bumungad sa akin ang text ni Daddy and as usual heʼs dis-appointed to me—again!
“Hindi ka pa nagb-breakfast, Regina. Baka mapasama ang tiyan mo,” sabi niya pero hindi ko na pinakinggan pa.
All my life binuhos ko sa trabaho ko. Naging lawyer ako dahil gusto kong maging proud si Daddy sa akin. Lahat ng kasong nahahawakan ko ay sinisiguro kong mapapanalo ko dahil gusto kong ipakita kay Daddy na dapat niya akong ipagmalaki hindi dahil sa dala ko ang apelyido niya kundi dahil proud siya sa kakayahan ko.
“Letʼs go, Ali. Gusto kong bisitahin ang foundation ko,” pag-aaya ko kay Ali.
Nilapag ko ang baso na wala ng laman sa table at kinuha ko ang bag ko. Sa ilang taon ko bilang lawyer, marami na akong natulungan at natutulungan pa. Ginagawa ko ang lahat ng ito dahil gusto ko at hindi para santuhin ako ng mga tao.
Being Regina Vanguardia is not easy. Mukha lang maganda ang buhay na mayroon ako dahil iyon ang pinakikita ko sa mga tao pero ang totoo ay hindi talaga ako masaya. Hindi ako masaya sa mga nararanasan ko. All I need is my Fatherʼs love and attention. Mahalaga sa akin ang sasabihin ng Daddy ko kaya nga halos lumaki akong “perfect” sa paningin ng lahat dahil iyon ang dapat.
“Hoy! Ibalik mo ʼyan!” My eyebrows furrowed because of that.
“Ali, ano ʼyon?” tanong ko habang nakatingin sa labas ng kotse.
“May magnanakaw yata, Regina. Huwag ka nang lumabas baka kung mapaʼno ka pa,” sagot niya.
Taliwas sa sinabi ni Ali ang ginawa ko. Lumabas ako at sinakto kong padaan ang magnanakaw na sinasabi para tamaan siya ng pinto. Sinipa ko rin siya para hindi na makatakas pa.
“Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas, e! Dahil sa mga katulad ninyong walang kwenta!” sigaw ko habang nakatingin sa lalaking nasipa ko.
Well, he deserve it.
“Ali, get him. Kailangan niyang madala sa presinto,” utos ko kay Ali.
Nagtext na rin ako kay Bryan para sabihing may nahuling magnanakaw rito. Palagi namang mabilis darating ʼyon sa ganitong pagkakataon. Siya lang ang magaling na pulis sa lugar na ʼto. Wala kasing kwenta ang Mayor namin, e. Wala man lang magawa para pigilan ang mga ganitong kaso.
“Miss? Okay ka lang ba?” tanong ko sa babaeng nakatulala habang nakatingin sa akin.
“Uhm... Opo, okay lang po ako. Kayo po ba?” balik tanong niya sa akin.
I asked her kung sa kaniya ba ang bag na kinuha ng magnanakaw. Sinabi niya namang hindi sa kaniya at tumulong lang din siya. Tumaas ang kilay ko sa kaniya pero may bakas naman ng ngiti sa akin.
I like her. I mean, bihira na lang ang mga tulad niyang handang tumulong sa ganitong pagkakataon. Nakakahanga naman ang tapang niya dahil nagawa niyang habulin kahit wala siyang kasiguraduhan sa kaligtasan niya.
“Iʼm Regina. Nice to meet you... Narda?” naniniguro kong tanong sa pangalan niya dahil iyon ang narinig kong sinabi ni Bryan kani-kanina lang.
As usual, Bryan is always at time. Maaasahan talaga ang tulad ni Bryan, sana ay lahat ng Pulis katulad niya para naman mahuli agad ang mga ganitong krimen at hindi na dumami pa.
“Uhm... Babalik na po ako sa trabaho ko,” paalam ni Narda.
Inaresto na ni Bryan ang magnanakaw na nahuli namin ni Narda. Kinausap na rin ako ni Bryan tungkol sa iba pang kaso na hawak namin dahil kami ang magkapartner sa ganitong sitwasyon.
“Okay. Iʼll call you once na may mahanap akong update,” sabi ko sa kaniya.
“Sige. Salamat ulit, Regina.” I just nod at him.
Sumakay na ulit ako sa kotse ko para makabalik na sa opisina ko. Hindi na ako tumuloy pa sa pupuntahan ko dahil sa mga nangyari ngayon. Masyado akong na-stress dahil sa magnanakaw na ʼyon kaya kailangan ko pang pakalmahin ang sarili ko.
Suddenly, Nardaʼs smile popped up in my mind. Ang ganda ganda ng ngiti niya sa totoo lang. Kanina nung ngumiti siya sa akin ay bahagya akong natigilan. Siya pa lang yata ang babaeng nakita kong ganoʼn kaganda ang ngiti. I mean, kahit ako sa sarili ko alam kong hindi ganoʼn kaganda ang ngiti ko. Si Narda kasi ay sumisingkit ang mga mata niya sa tuwing ngumingiti siya.
“Regina?” pagtawag ni Ali sa akin.
I raised my eyebrow. “Yes, Ali?” takang tanong ko.
“Kanina pa tayo nandito. Wala kang balak bumaba?” tanong niya naman sa akin.
Saka ko lang napansin na nandito na nga kami sa labas ng building. Mabilis akong bumaba at parang walang nangyari. Naglakad ako na taas noo papasok sa loob ng building.
“Good morning, Maʼam Regina!” bati ng mga nakakasalubong ko.
Tipid na ngiti o minsan ay tango lang ang binibigay ko sa kanila. Hindi ako close sa mga employees ko kahit na ang iba sa kanila ay ka-edad ko lang. I donʼt have friend except Bryan. Si Bryan lang ang masasabi kong kaibigan ko at mapagkakatiwalaan ko.
Tho, Ali is okay. Pero hindi ko masiguro kung dapat ko ba siyang i-consider as my friend. He is my secretary and I trust him naman if sa work. Sa personal life ko ay wala akong ibang sinasabihan kaya wala talaga akong matatawag na tunay na kaibigan.
“That Narda girl...” mahinang sabi ko nang makaupo ako sa swivel chair ko.
“Anong meron, Regina?” tanong ni Ali.
Napatitig ako kay Ali gamit ang nanunuring tingin ko. Sanay na siya sa akin kaya kabisado niya na ang bawat tingin ko.
“I want her here. Gusto ko siyang maging employee. Gusto ko ang tapang niya at lakas ng loob, ganoʼn ang hinahanap ko sa mga employees ko!” sagot ko.
Hindi maalis ang ngiti ko habang naaalala ko ang nangyari kanina. Matapang at handang tumulong ano mang oras, iyon ang hinahanap ko at na kay Narda iyon.
Kailangan ko siyang mapapayag na magtrabaho rito sa foundation ko. Gusto ko siyang mas makilala pa.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...