14

1.6K 138 143
                                    

WARNING: MATURED SCENES. (Oh? Bakit nakangiti ka?)

“Kukuha lang akong water,” paalam ni Regina kaya tumango na lang ako.

Malapit na naming maubos ang pagkaing dala-dala ko. Parang bitin pa nga yata sa amin ʼto, e.

“Regi---” Nanlaki ang mga mata ko nang mabunggo ko siya.

Natapon ang tubig na nasa basong hawak niya. Hindi ko naman kasi alam na palapit na pala siya sa akin at saktong pagtayo at pagbaling ko para sana sundan siya ay nabangga naman siya sa akin at natapon ang tubig sa damit niya.

“Sorry!” natatarantang sabi ko at kumuha agad ng tissue sa table para punasan ang damit niya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakakataranta kasi talaga, e. Hindi ko naman sinasadyang mabasa ang damit niya.

“N-Narda...” nauutal pang banggit niya sa pangalan ko.

“Hmm?” Hindi ko siya nilingon dahil abala ako sa pagpunas sa damit niyang nabasa.

“N-Narda... Stop it...” nahihirapang sabi niya pa.

Taka ko siyang tiningnan. Ilang beses siyang huminga ng malalim kaya mas lalo lang akong nagtaka sa kaniya.

“Okay ka lang ba?” tanong ko sa kaniya.

Nagtama ang paningin naming dalawa. Hindi ko maintindihan kung anong mayroon sa mga mata niya ngayon. Parang nangungusap na hindi ko malaman.

“Okay lang ako,” sagot niya.

Napadako ang tingin niya sa dibdib niya kung saan nandoon pa rin ang kamay ko dahil pinupunasan ko ang nabasa niyang damit. Kulay puti pa naman ang suot niyang blouse kaya bumakat ang balat sa gawing dibdib niya nang mabasa ng tubig kanina.

Napalunok ako habang nakatingin sa parteng iyon. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ganito magreact ang katawan ko sa nakikita ko ngayon.

“Narda...” muling tawag ni Regina sa akin.

Agad kong inalis ang kamay ko sa parteng iyon ng katawan niya. Ano ba ʼtong nangyayari sa akin? Bakit ba ganito ako umasta ngayon? Umayos ka nga, Narda!

“Pasensya na, Regina. Hindi ko sinasadyang mabangga ka. Susundan lang sana kita kaso hindi ko napansin na nandiyan ka na pala sa likuran ko kaya nat---” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil sa ginawa ni Regina.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. May naramdaman akong bagay sa labi ko kaya matigil ako sa pagsasalita.

“Itʼs okay, Narda. Matutuyo rin naman agad ʼto,” sabi niya at inalis ang daliri niyang nakadikit sa labi ko.

Tulala pa rin ako sa ginawa niya. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ako sa pisngi. Ilang beses na akong napakurap dahil doon.

Ano ba, Narda? Nababakla ka na ba kay Regina? Bakit ba ang lakas ng epekto niya sa ʼyo? Bawat galaw niya ay grabeng epekto ang nagiging dulot sa katawan mo!

“Uhm... Baka kailangan na ako sa trabaho, Regina. Babalik na ako,” paalam ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at tumango. “Okay, Narda.” Hinawakan niya naman ang kamay ko ngayon. “Salamat sa adobo mo. Sobrang sarap at parang gusto kong matikman ulit sa susunod,” dagdag niya pa.

Alanganin akong ngumiti sa kaniya. “Sure. Next time lulutuan ulit kita,” sagot ko naman.

Niyakap niya ako. Nagugulat na lang talaga ako sa mga nagiging kilos ni Regina. Nakakabigla naman kasi talaga ang bawat galaw niya at hindi ko siya mabasa.

“Thank you, Narda! Sobrang swerte ko talaga na mayroon akong katulad mo. I wonʼt let anyone take you away from me. Akin ka lang, ha...” lumambot ang tono niya sa huling sinabi.

Ilang beses na naman akong napakurap. Wala sa sariling dumako rin ang mga kamay ko sa bewang niya. Niyakap ko rin siya kagaya ng yakap niya sa akin.

“Hindi rin naman ako papayag na mawala ka sa akin, Regina. Magkaibigan tayo at sobrang mahalaga ka sa akin kaya hindi ko hahayaang mawala ka pa. At syempre hindi ko rin hahayaang may mangyaring masama sa ʼyo,” sagot ko naman.

Bahagya niyang inilayo ang sarili sa akin para makita niya ang kabuuan ng mukha ko. Nakatitig lang siya sa akin at may ngiti sa labi. Pati tuloy ako ay nahahawa na sa ginagawa niya. Nagtagal ang titig ko sa mga mata niyang marami na namang gustong sabihin pero hindi ko matukoy kung ano.

“And you know that I will do the same, Narda. Hindi ko rin naman hahayaang mapahamak ka. Like what you said weʼre friends,” sabi niya rin.

Tumango ako sa kaniya habang hindi maalis ang malawak na ngiti sa labi ko. Sabay pa kaming natawa sa isaʼt-isa at muling nagyakap. Ang sarap niyang yakapin sa totoo lang. Kung pwede lang na rito na lang ako sa office niya at magyakapan na lang kami ay papayag pa ako at walang maririnig na angal mula sa akin.

Regina is just my friend. Walang ibang meaning ang nangyayari sa amin dahil normal lang ang lahat ng ito. Tama, normal lang lahat ng ʼto, Narda.

“Sige na, Narda. Pumunta ka na sa trabaho mo at baka nga hinahanap ka na,” sabi niya nang kumalas na sa akin.

Muli ko siyang nginitian. Bumalik ako sa pwesto namin kanina para ayusin ang mga ginamit namin at para na rin kunin ang bag ko dahil nasa sofa iyon.

“Bye, Regina!” paalam ko sa kaniya.

Paalis na sana ako nang pigilan naman niya ako. Kunot noo akong bumaling sa kaniya dahil sa pagtawag niya sa akin.

“Bakit?” takang tanong ko.

Lumapit siya sa akin at mabilis akong hinalikan sa pisngi na talagang ikinalaki ng mata ko. Ano ba, Narda?! Umayos ka dahil baka kung anong isipin ni Regina!

“Thatʼs your reward from me. Sobrang sarap kasi talaga ng luto mo,” nakangiting sabi niya.

Nakabawi ako sa gulat at napalitan iyon ng malawak na ngiti. “Ano ka ba, Regina. Baka mawili na akong ipagluto ka ng adobo kung laging may reward na ganiyan,” birong sabi ko sa kaniya na tinawanan niya naman.

“Well, Iʼm willing to give you many rewards then,” pagsabay niya naman sa biro ko.

Sabay na naman kaming natawa. Hinatid niya ako sa labas ng office niya habang nag-aasaran pa rin kami tungkol sa reward na ʼyon.

“Narda, anong reward ʼyung narinig ko na pinag-uusapan ninyo ni Maʼam Regina?” tanong ni Andre sa akin.

Kumunot ang noo ko sa kaniya. “Ang tsismoso mo!” natatawang sabi ko.

Hindi ko na sinagot ang tanong ni Andre at dumiretso na ako sa pwesto ko. Hindi maalis ang ngiti ko dahil sa mga nangyari kanina.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon