35

1.6K 127 34
                                    

Maaga ako ngayon kumpara sa nakasanayan kong oras ng pasok ko. Gusto ko kasing puntahan si Bryan muna saglit, mahaba pa naman ang oras at pwede ko pa siyang madalaw.

Pero bago ʼyon ay pumunta muna ako kay Regina para malaman niyang hindi ako galit sa kaniya. Nagtampo lang ako dahil sa pagsigaw niya pero naiintindihan ko naman siya at nawala rin naman agad ang tampo ko dahil sa mga narinig ko kagabi.

“Ang sakit ng ulo ko, Ali!” narinig kong sabi niya nang buksan ko ang pinto.

Nilibot ko ang tingin ko pero wala naman si Ali kaya nagtaka pa ako kung sinong kausap ni Regina.

“Regina?” pagkuha ko sa atensyon niya.

Agad namang napaangat ang tingin niya sa akin. Bumakas ang gulat sa mukha niya at may halong pag-aalala sa hindi ko malamang dahilan.

“Narda!” bakas din naman ang tuwa sa tono niya.

Mabilis siyang lumapit sa akin. Bakit parang naiiyak pa siya?

“May dala akong gamot. Alam kong masakit ang ulo mo kaya nagdala ako nito,” sabi ko at binigay sa kaniya ang dala kong gamot.

“Narda, about what happened...” Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako roʼn.

“Hindi ako galit, Regina. Naiintindihan kita at kaya ako umalis noʼn kasi alam kong kailangan mo rin ng oras para sa sarili mo, hindi ka okay dahil sa nangyari at ayaw kong makadagdag pa sa ʼyo,” mahabang sabi ko naman.

Niyakap niya ako. “Iʼm glad hindi ka galit. Sorry talaga, honey. Nadala lang ako sa sobrang emosyon ko,” sabi niya naman.

Niyakap ko na rin siya at hindi na napigilang mapangiti. Naalala ko na naman ang mga sinabi niya kagabi. Siguro ay wala siyang naaalala na kahit isa man sa mga nangyari.

“Sige na, inumin mo na ʼtong gamot para mawala na ang sakit ng ulo mo. Masyado yatang naparami ang inom mo,” sabi ko nang makakalas sa yakap niya.

“How did you know?” tanong niya sa nagtatakang tono at tingin.

Ngumiti lang ulit ako. “Ang cute mong malasing,” pang-aasar ko pa sa kaniya.

Napanguso naman siya. Napapadalas ang pagiging ganito niya kapag ako ang kasama. Madalas magbaby talk at ang clingy niya rin talaga sa akin. Her love language is physical touch and acts of service. Kahit hindi ko tanungin halata ko naman sa kaniya ʼyan.

“Ang tagal kasi ni Ali,” sabi niya matapos uminom ng gamot. “Bakit ang aga mo naman yata?” tanong niya sa akin.

“Baka kasi hindi ka na mapakali at iniisip mong galit pa rin ako sa ʼyo kaya nagpunta ako agad para i-clear na hindi ako galit,” may halong yabang na sabi ko sa kaniya.

Natawa ako dahil nakatitig lang siya sa akin. Inayos niya ang buhok niya kagaya ng madalas niyang ginagawa. Ang hot niya kaya kapag ginagawa niya ʼyon.

“Well, okay na ako ngayon dahil hindi ka naman galit,” proud pang sabi niya.

Naiiling na lang ako sa bawat akto niya. Ibang-iba ang Reginang nakikita ko kaysa sa nakikita ng iba. Sa iba kasi ay ang seryoso niya pero kapag ako na ang kasama ay nagiging parang bata siya. Baka baby ko ʼyan.

“Nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Bryan?” tanong ko sa kaniya.

Naalala ko rin ang sinabi niya kagabi na may gusto siya kay Bryan. Okay lang naman sa akin ʼyon, ako pa rin naman ang pinili niya kaya walang selos o kahit ano pa akong nararamdaman kay Bryan kahit na gusto pa siya ni Regina noon.

Malakas ang loob kong maging chill lang dahil nasa akin naman na si Regina. Sino may sabing pakakawalan ko pa siya? Hindi uso sa akin ang ganoʼn kaya good luck na lang kay Regina. Pinili niya ako kaya panindigan niya ako hanggang dulo.

“Letʼs go. Pumunta na tayo para alamin kung anong lagay niya,” pag-aaya niya sa akin.

Hinawakan niya na ako sa kamay para hatakin sana paalis sa office niya pero hinatak ko naman siya pabalik kaya nagtama ang katawan naming dalawa.

Sobrang lapit namin ngayon sa isaʼt-isa. Mabilis kong dinikit ang labi ko sa kaniya dahil nakakadistract masyado ang bango niya pati ang labi niya.

“Okay na ba ang ulo mo?” tanong ko. Kung makapag-aya kasi na pupunta kay Bryan ay parang walang iniinda kaninang sakit ng ulo, e.

“Okay na. May good morning kiss na galing sa ʼyo, e.” Mapang-asar ang ngiti niya sa akin ngayon.

Hinapit ko siya sa bewang at tumingin ulit sa labi niya. Pwede bang ibigay ko na rin ang afternoon kiss pati ang evening?

“Ehem!” sabay kaming napabaling sa gawi ng pinto nang marinig namin ang boses ni Ali.

“Uso ang kumatok, Ali!” sabi ni Regina.

Sabay kaming natawa ni Ali dahil badtrip agad si Regina. Bitin ʼyan?

“Mamaya na kayo magharutan, Regina. Kailangan na ninyong pumunta sa Ospital kung nasaan si Bryan ngayon,” sabi ni Ali.

Tumango naman ako. Iyon naman talaga ang balak naming gawin, e. Hawak ko pa rin ang bewang ni Regina at naglakad na kami palapit kay Ali.

“You should knock next time, Ali.” Hindi pa rin talaga tumigil si Regina at binilinan pa ulit si Ali.

“Sa kotse na lang ninyo ituloy ang naudlot, Regina.” Natawa na lang ako dahil may halong pang-aasar sa tono ni Ali.

Nang makalabas sa office ni Regina ay nanatili pa rin ang kamay ko sa bewang niya para alalayan siyang maglakad. May makakita man sa amin o wala, may magsalita man ng kung ano ay wala akong pakielam. Hindi ko pipigilan ang sarili ko na gawin ang lahat ng gusto kong gawin para kay Regina kahit nasa public places pa kaming dalawa.

Kaming dalawa lang ang nasa relasyon na ʼto at wala akong pakielam sa sasabihin ng ibang tao. Gagawin ko kung anong gusto kong gawin kasama ang girlfriend ko.

“Ano nga ba kasi talaga ang nangyari kay Bryan?” tanong ni Regina nang makapasok na kami sa kotse.

Nasa backseat lang kaming dalawa kaya parang driver lang namin si Ali. Okay lang naman kay Ali ʼyon, e. Support pa nga siya sa kung anong meron kami ni Regina. And of course, alam niya kung anong namamagitan sa amin ni Regina.

Sana lahat tulad ni Ali, tatanggapin kung anong desisyon namin at kung ano ang gusto namin.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon