Sabado na. Ang sarap ng tulog ko dahil wala namang pasok ngayon. Kagigising ko lang at naabutan ko nga sina Lola na naghahanda ng almusal.
“Magandang Umaga, apo. Kain na tayo,” bati niya sa akin.
Humalik ako sa pisngi niya. “Magandang umaga rin, Lola!” masiglang bati ko.
Naupo na ako dahil tapos naman na ang paghahanda nila. Si Ding ay naupo na sa tapat ko at si Lola naman ay nasa gilid naming dalawa ni Ding.
“May bago na namang extrang lumabas, Ate. Pero kakaiba siya sa mga nakalaban mo na,” sabi ni Ding.
“Nabalitaan ko nga iyon. Kaya niyang paramihin ang sarili niya,” sagot ko naman.
Hindi ko alam kung kaya ko ba ang extra na ʼyon. May kakayahan siyang paramihin ang sarili niya at ginagamit niya ang mga iyon para makatakas siya sa laban.
“Clone man ang tawag sa kaniya, Ate. Dahil sa kakayahan niyang iyon,” paliwanag pa ni Ding.
“Mukhang delikado ang isang ʼyan,” sabi naman ni Lola.
Nagsimula na kaming kumain. Kailangan kong magmasid ngayon sa paligid dahil baka biglang umatake ang clone man na ʼyon. Hindi pwedeng makapanakit pa siya ng maraming tao.
“Saan ka, Ate?” tanong ni Ding.
Nang matapos kumain ay dumiretso na ako sa kwarto para kunin ang bato. Napatingin ako kay Ding na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.
“Baka biglang umatake na naman siya. Kailangan maging handa tayo,” sabi ko naman.
Tumango si Ding sa akin. “Mag-iingat ka, Ate.”
Sinubo ko na ang bato at nagpalit anyo na ako. Mabilis na rin akong umalis dahil sayang ang oras, bawat segundo ay mahalaga. Hindi pwedeng maging kampante ako dahil may mga panganib pa sa paligid.
Hindi ako tumigil sa pagsuyod sa buong paligid para mahanap ang clone man na ʼyon at para na rin tumulong sa mga nangangailangan. Laganap pa rin ang krimen ngayon at mukhang hindi na iyon maaalis pa.
“Darna!” nakangiting sabi ni Bryan sa akin.
Pinuntahan ko siya para magtanong tungkol sa extra. Sinabihan niya naman ako ng ibang detalye at pangyayari.
“Balitaan mo na lang ako ulit,” sabi ko at mabilis nang umalis.
Nang magbabalik anyo na sana ako ay nakita kong nagbanta si Ding sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Regina na nasa sala.
Akala ko ba ay hindi siya makakapunta ngayong weekend? Bakit siya nandito?
“Ano pong tinitingnan ninyo, Lola?” tanong ni Regina.
Mabilis akong umalis sa pinto at nagtago. Paano ba ako babalik sa pagiging Narda kung nandito si Regina?
“Ah wala, apo. Parang nakita ko kasi si Narda.” Narinig ko si Lola.
Inayos ko ang sarili ko at mababang tono ang ginamit ko para banggitin ang pangalan ko. Mabilis na lumabas ang bato sa bibig ko kaya itinago ko na iyon sa cabinet.
Lumabas ako at ngumiti sa kanila. “Nandito ka pala!” sabi ko kay Regina.
“Narda!” bakas ang tuwa sa tono niya.
“Akala namin ay umalis si Ate. Mukhang kagigising lang yata,” palusot ni Ding.
“Oo. Nakatulog ako ulit kanina,” sagot ko naman.
Tumabi na kay Regina. Nakangiti sa amin si Lola ngayon.
“Nagdala na ako ng mga kailangan nating gamitin para sa pagluluto ng kwek-kwek. Okay lang po ba, Lola?” tanong niya kay Lola.
“Oo naman. Ano ka ba, apo. Anytime ay pwede kang pumunta rito at magbonding pa kayo ni Narda,” sagot ni Lola.
“Sa labas muna ako, Ate. Miss Regina, enjoy your stay po. Tingnan ko lang mga kaibigan ko, Lola.” Mabilis na ngang umalis si Ding pagtapos niyang magpaalam.
“Maiwan ko na kayo rito. Sa labas lang ako at magdidilig ng mga halaman,” paalam din ni Lola.
“Thank you, Lola!” nakangiting sabi pa ni Regina.
Nang makalabas na si Lola ay agad akong napabaling kay Regina. Todo ang ngiti niya sa akin ngayon.
“Sabi mo hindi ka pupunta!” sabi ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako.
“Surprise!” natutuwang sabi niya habang nakaangat pa ang dalawang kamay.
Napatitig lang ako sa kaniya. Walang nagbago, ang ganda pa rin talaga niya.
“Tara na nga at simulan na natin ang paggawa ng kwek-kwek,” sabi ko at naunang tumayo na.
“Excited na ako, honey.” Sabay na nga kaming pumunta sa kusina.
Nilapag niya ang dala niyang mga kailangan para sa lulutuin at ako naman ay naghanda ng mga gagamitin naming kasangkapan.
Ang pagtitimpla namin ng mga ito ay hinaluan pa namin ng asaran at harutan kaya nagtagal kami. Isang oras yata bago namin nailagay ang mga kailangan.
“Ako na ang magluluto,” sabi ko sa kaniya.
“Magtitimpla akong juice natin,” sabi niya naman.
Kani-kaniyang ginagawa na kami. Natatalsikan ako ng mantika kaya bahagya akong napapatalon. Tinatawanan naman niya ako dahil doon.
“Kawawa naman ang honey ko. Masakit ba?” tanong niya sa akin.
Hawak niya ngayon ang dalawang braso ko para tingnan kung marami bang talsik sa akin. Mabilis pa namang mahalata ang mga iyon dahil medyo maputi ako.
“Okay lang ʼyan. Hindi maiiwasang matalsikan ng mantika,” sagot ko naman.
Biniling ko na ang ibang kwek-kwek at tumalsik na naman ang mantika nito. Hinawakan ko sa bewang si Regina para bahagyang ilayo, matatalsikan siya kapag hindi siya umalis.
“Ako na nga magluto,” sabi niya pero hindi ko naman hinayaan.
“Ako na. Maupo ka na lang doon at hintayin mo akong matapos,” sabi ko sa kaniya at muling binalingan ang niluluto.
“Pinauupo mo ako roʼn pero ayaw mo namang bitawan ang bewang ko. Ang higpit ng kapit mo,” natatawang sabi niya.
Natawa na rin ako nang mapagtanto ko iyon. Binitawan ko na siya para makapunta na siya sa uupuan niya. Kinuha ko ang plato para mahango na ang ibang luto na.
“Mainit pa, a. Huwag kang magmadali baka mapaso ka,” bilin ko sa kaniya nang ilapag ko na ang lutong kwek-kwek.
“Masarap ʼyung suka sa ganito,” sabi niya. “Gagawa akong sawsawan,” dagdag niya pa.
Nandito sa gawi ko ang mga ingredients namin kaya lumapit siya para kunin ang mga kailangan niya. Napatingin naman ako sa kaniya nang maramdaman ko ang dibdib niya sa braso ko.
“Oops! Hindi ko kasi abot,” sabi niya. Mukhang naramdaman niya rin iyon kaya niya nasabi ʼyon.
Ako na ang kumuha ng mga kailangan niya. Natatawa siya at alam ko namang sinasadya niyang idikit kanina ang sarili niya sa akin, e.
Pasaway na Regina. Alam niyang hindi kami pwedeng gumawa ng kung ano rito kaya inaasar niya ako.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...