“Tanggal ka na!” malakas na bungad sa akin ni Boss pagkarating ko sa tindahan niya.
“Boss? Huwag naman, boss. Kailangan ko ng pera ngayon para sa tuition ng kapatid ko, e. Boss baka naman pwedeng huwag muna akong tanggalin?” pagmamakaawa ko.
Kailangan na kailangan ko ng pera ngayon dahil bayaran na ng tuition ni Ding. Kapag nawalan ako ng trabaho ay wala na akong pagkukuhanan ng pera.
“Narda, nakikita mo ba ang paligid? Halos lahat ng paninda ko nakatumba na. Ang daming nasira at luging-lugi ako!” Napapatampal sa noong sabi niya.
Napatingin nga ako sa paligid. Masyado ngang malaking abala ang nangyari dahil sa nagnakaw kahapon.
“Humanap ka na lang ng ibang trabaho, Narda. Ipapasara ko na ang tindahan dahil wala na akong kikitain pa rito. Lugi na talaga kaya titigilan ko na,” dagdag pa ni Boss.
Kung kailangan kong magmakaawa para sa trabahong ʼto ay gagawin ko. Kailangan ko talaga ng pera kaya hindi pwedeng sumuko ako rito.
“Boss, pwede namang maayos agad ʼto, e. Tutulong ako sa pag-aayos,” pamimilit ko na.
“Alam mo, kasalanan mo lahat ʼto, e. Kung sana hindi mo na pinatulan ang magnanakaw, baka hindi na umabot pa sa ganito!” malakas niyang sabi sa akin.
Bakit parang kasalanan ko pa? Niligtas ko na nga siya tapos sinisisi niya pa ako sa nangyari.
“Boss, tumulong lang naman ako,” mahinang sabi ko naman.
“Narda, umalis ka na lang parang awa mo na. ʼYung sahod mo para ngayong buwan? Huwag mo nang kuhanin at idadagdag ko na lang sa pagpapaayos nitong nasirang tindahan.”
Gusto ko pang magreklamo pero sinigawan niya na ako. Mabilis na akong umalis sa tindahan habang tumutulo ang luha. Paano ako nito hahanap ng bagong trabaho? Paano ang tuition ni Ding?
Hindi muna ako umuwi sa bahay dahil ayaw kong magtaka si Lola. Ayaw ko munang sabihin na wala na akong trabaho. Maghahanap na ako ngayon ng panibagong trabaho para naman hindi sayang ang oras ko ngayong araw.
“Paano ba kasi ʼto?” nasabi ko na lang sa sarili ko.
Wala akong dalang requirements dahil nasa bahay iyon. Kung maghahanap ako ng trabaho ngayon, kailangan ko ang mga requirements para sa pag-apply. Ano ba naman, Narda. Paano ako nito mag-aapply?
Naglakad-lakad na lang muna ako para makapag-isip isip din. Kung may mahahanap man ako ngayon, pwede naman akong umuwi para kunin ang requirements. Bahala na lang talaga. Patawid na sana ako nang may isang sasakyang parating pala.
“Jusko po! Muntik na ako roʼn!” Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba.
Hindi ko kasi napansin na may dadaan palang sasakyan nang patawid ako. Masyadong puno ang isip ko ngayon dahil sa mga nangyayari.
“Oh My God! Okay ka lang ba?” Narinig ko ang boses ni Regina.
Mabilis siyang lumapit sa akin para i-check kung maayos lang ba ako. Napatitig ako sa nag-aalala niyang mukha habang chinecheck niya ang katawan ko kung may sugat ba o galos.
“O-okay lang po ako, Miss Regina.” Pinilit kong ayusin ang salita ko kahit na kinakabahan ako ngayon at nahihiya sa kaniya.
“Narda, right?” tanong niya naman sa akin. Tumango ako. “Are you sure you are okay?” paniniguro niya pa rin.
Sumilay ang ngiti sa labi ko dahil sa tanong niya. Hindi yata siya makakalma kung hindi malalaman na okay talaga ako.
“Okay lang po ako. Wala naman akong galos o ano pa man. Nakaiwas naman po ako kaagad,” sagot ko.
Para siyang nakahinga ng maluwag sa narinig na sagot ko. Inayos pa niya gamit ang dalawang kamay ang buhok niyang humaharang sa pisngi niya. Ang ganda niya talaga.
“Ali, next time nga ayusin mo ang pagmamaneho at siguraduhin mong walang tatawid kapag nagmamaneho ka. Muntik na si Narda kanina kung hindi siya nakaiwas kaagad,” sermon nito sa lalaking kasama niya.
“Pasensya na, Regina. Pasensya na, Narda.” Bahagya pa itong yumuko. Bigla naman akong nahiya.
“Ah hindi. Okay lang po, kasalanan ko rin naman dahil hindi ako tumitingin sa daan bago tumawid. Ako po ang dapat sisihin sa nangyaring ʼto,” sambit ko.
“No. Ali needs to drive safety.” Bumaling sa akin si Regina. “Saan ka ba pupunta?” kunot noong tanong niya at pinasadahan pa ako ng tingin.
Bigla na naman akong nahiya sa kaniya. Hindi ako sanay na tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Pero nang ginawa ni Regina iyon ay wala naman akong naging reklamo sa kaniya.
“Maghahanap ng bagong trabaho, Miss Regina. Natanggal po kasi ako sa trabaho ko.” Alanganin ang ngiti ko nang sabihin ko iyon.
Tumaas ang kilay niya sa akin. “Bakit ka naman natanggal?” tanong niya at baka ang kuryosidad.
Napakamot ako sa ulo ko dahil sa hiya. Nahihiya talaga akong kausapin siya. Sheʼs pretty yet intimidating. Maamo ang mukha pero may parte sa kaniyang nakakasindak kapag kausap siya. Ang hirap ipaliwanag, e. Basta parang konting pagkakamali ko lang sa pakikipag-usap ko ay baka magalit siya agad.
“Regina, may lakad ka pa,” pukaw nung lalaking kasama niya.
“Oh yeah. Narda, gusto mong sumama? Wala ka naman yatang ibang gagawin?” tanong ni Regina sa akin.
Hindi ko siya matingnan ng matagal dahil nahihiya pa rin ako. Kapag titingin ako sa mga mata niya ay agad din akong umiiwas. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko kayang tagalan na titigan. At may kung ano rin sa pakiramdam ko kapag nakatitig ako sa kaniya.
Ano ba namang pakiramdam ʼto, Narda. Hindi mo pwedeng maramdaman ang ganiyan mula sa isang babae na tulad mo.
“Uhmm... Maghahanap pa po kasi ako ng trabaho, Miss Regina. Pasensya na po pero hindi ako makakasama,” sagot ko.
She crossed her arms and raise her eyebrows. Kumabog bigla ang dibdib ko, pakiramdam ko ay magagalit siya sa akin ngayon.
“Kaya nga sumama ka sa akin para mabigyan kita ng trabaho, Narda.”
Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya. Nakangiti naman siya sa akin at naghihintay sa sagot ko.
“Talaga po, Miss Regina?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
“Oo. Letʼs go at sa kotse na natin pag-usapan ang bagay na ʼyan,” pag-aaya niya sa akin na agad ko namang sinunod.
Magkatabi kami sa backseat. Amoy na amoy ko ang mabango niyang katawan dahil magkadikit lang kami ngayon. Her smell is so sweet. I like her smell.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...