Nakaidlip ako sa biyahe. Ginising lang ako ni Regina sa mahihinang tapik niya sa kamay ko. Nandito na kami sa tapat ng bahay namin nang makamulat ako.
“Salamat sa paghatid, Regina. Pasensya na rin sa abala,” sabi ko sa kaniya nang makababa ako.
“Itʼs okay hon--Narda. Anytime you need help, you know Iʼm here,” nakangiting sabi niya naman.
Pigil ang tawa ko dahil muntik na niya akong matawag na honey sa harap ni Ali.
“Sige, Regina. Ah, gusto ba ninyong pumasok muna sa loob?” tanong ko.
“No. No, Narda. Next time na lang siguro,” sagot niya naman.
Tumango na lang ako sa kaniya. “Okay. Ingat kayo,” bilin ko pa.
Hinintay kong makaalis muna sila bago ako pumasok sa loob. Sinalubong ako ni Lola at Ding na puno ng pag-aalala.
“Ate, anong nangyari? Okay ka lang ba?” tanong ni Ding.
Naupo ako sa sofa at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Nasa tabi ko silang dalawa at naghihintay ng sasabihin ko.
“May nakita kasi akong babaeng puro ahas sa ulo, Lola. Isa siya sa mga extra at pumapatay rin siya. Gamit ang mga ahas na nasa ulo niya, tinutuklaw ng mga ito ang biktima niya hanggang sa mawalan na ng buhay,” paliwanag ko.
Puno ng pag-aalala ang tingin sa akin ni Lola at Ding. Natatakot ako sa babaeng ahas at kung maghaharap man kami bilang Darna, hindi ko alam kung kaya ko ba siyang talunin.
“Ate, sa tingin mo lalabas ulit ang babaeng ahas?” tanong ni Ding. Nandito na naman siya sa kwarto ko.
Nilista niya lang ang mga salitang “Babaeng ahas” at nilagay kasama ang iba pang extra na natalo ko na. Napatitig ako sa sinulat niyang ʼyon. Hanggang ngayon ay may takot pa rin akong nararamdaman.
“Hindi ko alam, Ding. Pero sigurado akong hindi ko siya kayang harapin. Sobrang nakakatakot talaga siya, Ding. Pakiramdam ko ay hindi ko siya kayang talunin dahil sa lakas na mayroon siya,” paliwanag ko.
Hanggang sa pagtulog ay hindi ako tinigilan ng babaeng nakita ko. Ang mga mata niya ay hindi maalis sa isip ko. Sobrang nakakatakot talaga siya. Ilang beses siyang nagpapakita sa isip ko kahit na nasa office na ako ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko.
“Narda?” Halos mapatalon yata ako sa gulat dahil sa biglaang pagtapik sa akin ni Regina.
Nandito siya ngayon sa office naming mga EMTs. Nakatingin nga sa amin ang iba pang EMTs at ang iba sa kanila ay pinag-uusapan na kami for sure.
“Maʼam Regina...” banggit ko sa pangalan niya. Hindi naman pwedeng Regina lang dahil baka kung anong isipin at sabihin ng mga co-workers ko.
“I know traumatized ka pa rin dahil sa nangyari kagabi, I understand that. If youʼre not feeling well, pwede ka namang umabsent muna at magpahinga,” mahabang sabi niya pa.
Napailing ako at bahagyang ngumiti. “Okay lang ako, Maʼam. Medyo natatakot pa rin ako pero ayos lang naman ako,” sagot ko sa kaniya.
Binigyan ko pa siya ng isang ngiting madalas kong gawin sa kaniya. Alam kong gusto niyang nakikita ang ganitong ngiti ko, e.
“Are you sure you are okay?” bakas ang pag-aalala sa kaniya.
Tumango ako. Nakatitig ako sa mga mata niya ngayon. Ang mga matang nakaagaw pansin sa akin noong una kaming magkita dahil ang ganda noʼn at parang maraming gustong sabihin.
“Nakakatakot ang mata nung babaeng nakita ko pero nung nakita ko na mga mata mo, Maʼam... Parang nakakalma na ako, nawawala takot ko,” seryosong sabi ko habang nakatitig pa rin sa mga mata niya.
Bahagya siyang naglean sa table ko at ngumiti sa akin. Ang ganda naman ng honey ko. Kung wala lang nakakakita sa amin ngayon baka kanina pa siya nakatikim sa akin. Nakatikim ng yakap syempre.
“Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas, just think of me.”
Hindi naalis ang tingin ko sa mga mata niya.
“Just look into my eyes, Narda...” Nagpapungay pa siya ng mga mata niya kaya sabay kaming natawa pagtapos.
Tumayo siya at umakto na parang lilipad katulad ni Darna. Ang ganda ganda niya talaga.
“Pwede na ba akong superhero?” tanong niya at muling natawa. “Or should I say Super Regina?” dagdag niya pa.
Natatawa na lang ako sa kaniya. Talagang pinagagaan niya ang pakiramdam ko. Bumalik siya sa kinauupuan niya at muling tumingin sa akin.
“Are you busy? Samahan mo na muna ako sa office ko,” sabi niya.
Napatingin ako sa gawi kung saan nakapwesto ang mga babaeng EMTs na malaki ang inggit sa akin. Pinag-uusapan nila kami.
“Wala naman, Maʼam.” Tumayo na ako at bahagyang inayos ang uniform ko.
Sabay na kaming umalis ni Regina para magpunta sa office niya. Hindi maalis ang ngiti namin sa isaʼt-isa.
Ano nga ba talaga ang meron kami? Sa ngayon kasi ay hindi pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko. Paano kung nadadala lang ako sa sitwasyon? Paano kung masyado lang akong kampante na nasa tabi ko siya?
“Something wrong, honey?” tanong niya nang makapasok kami sa office niya.
Agad akong naupo sa sofa niya. Tumabi siya sa akin at sumandal sa balikat ko saka kinuha ang kamay ko para paglaruan.
“Wala naman. Naisip ko lang, ano nga bang tawag sa kung anong meron sa atin ngayon?” tanong ko.
Natahimik siya at ganoʼn din naman ako. Walang kumikibo ni isa man sa amin ngayon. Parehas malayo ang takbo ng isip namin at hindi alam ang dapat na sagot sa naging tanong.
“Ang alam ko lang masaya ako na magkasama tayo,” mahinang sagot niya na.
Inakbay ko sa kaniya ang isang braso ko at pinaglaruan naman ng kamay ko ang buhok niya. Gusto ko rin ang buhok niya, sobrang ganda kasi at alagang-alaga pa.
“Walang label pero nagkiss na, nagyakapan at nagtawagan ng honey,” pang-asar ko sa kaniya.
Natawa ako nang bahagya siyang tumingin sa akin at parang batang inagawan ng candy dahil sa pagkakanguso niya ngayon.
“Ang strong ng aura mo pero nagmumukha kang baby kapag ako na kasama mo,” muling pang-asar ko sa kaniya.
Sinundot niya ako sa tagiliran kaya bahagya akong natawa. Kapag ako kumiliti sa kaniya bahala siya, hindi ko siya titigilan.
“At least sa ʼyo lang nagiging ganito,” sagot niya naman. Napangiti ako at hinalikan na lang siya sa noo. Niyakap ko siya at ilang minuto lang kaming ganoʼn.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...