Hindi ko mapigilan ang galit na nararamdaman ko dahil kay Darna. Talagang sinasagad niya ang pasensya ko.
“Aaaahhhhh! I hate her!”
Tinapon ko lahat ng gamit na nasa harapan ng salamin ko. Naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko kaya napahawak ako rito. I think I need some rest. Masyado akong ini-stress ni Darna. She really pissed me off. I hate her so much!
I decided to go to my bed to get some rest. Maaga na lang akong papasok bukas para makita ko si Narda. Siya lang ang kailangan ko sa ganitong pagkakataon.
“Huwag po. Pang tuition ko po ito. Kuya, maawa na po kayo. Kailangan ko po ʼto!”
I heard something. Dahan-dahan akong lumapit kung saan nakita ko ang tatlong lalaki. Dalawang magnanakaw at isang binatilyo na target nila.
“Hello, boys!” pagkuha ko sa atensyon nila.
Bahagyang tumatabingi ang ulo ko at matalim ang tingin sa kanila habang may ngisi sa labi. Agad pinuluputan ng ahas ko ang dalawang lalaki at walang sabi-sabing pinatay ang mga ito. Basic!
Dahan-dahan akong lumapit sa binatilyo at inabot sa kaniya ang wallet niya na nasa bibig ng ahas ko. Bakas ang takot sa kaniya dahil sa panginginig niya.
“Ayos ka lang?” tanong ko sa kaniya.
Tumango naman siya ng maraming beses. “Opo. Salamat, babaeng ahas...” bakas pa rin ang takot niya.
Ngumiti ako sa kaniya. “Call me Valentina...” Tumayo na ako at tumalikod sa kaniya saka umalis.
Habol ko ang hininga ko nang magising ako. Panaginip? Sa panaginip ko ay ako ang babaeng ahas. Hindi lang ito ang unang beses na nangyari ʼto. Bakit ko siya napanaginipan at bakit ako ang babaeng ahas sa panaginip ko?
Hindi na ako nakatulog nang maayos dahil doon. Kinaumagahan ay naabutan ko naman si Ali na naghahanda ng pagkain para sa aming dalawa. Naupo na ako at magsisimula na sanang kumain nang marinig ko ang balita tungkol sa babaeng ahas.
Paano nangyaring nagkatotoo ang panaginip ko?
“Ali, napanaginipan ko ʼto. Bakit... Bakit lahat ng napapanaginipan ko tungkol sa babaeng ahas ay nagkakatotoo?”
May iba na akong pakiramdam pero ayaw kong isipin na tama ako. Ayaw ko dahil hindi pwede. Hindi ako ang babaeng ahas.
“Tara na, Regina. Kumain na tayo,” pag-aaya niya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.
Napabaling ako sa kaniya na puno ng pagtataka ang mga mata at nag-uusbong na ang galit.
“Ali, tell me the truth. Bakit ganito ang nangyayari?” may banta sa tono ko.
Lumapit siya sa akin. Naghihintay ako ng sasabihin niya.
“Patawarin mo ako. Nagsinungaling ako sa ʼyo,” panimula niya.
Agad tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman.
“Tell me the truth. Tell me the truth!” Mariin ang pagkakatitig ko sa kaniya.
“Ikaw ang babaeng ahas. Ikaw si Valentina...” sagot niya.
Para akong nabingi sa narinig ko. Hindi... Hindi totoo ʼyon. Paanong naging ako si Valentina? Hindi ko naman alam ang mga nangyayari at sa panaginip ko lang iyon nakita.
“No... No... Haha... No... Nooooo!” Para akong baliw na umiiyak at umiiling habang sinasabi iyon.
Hindi ako si Valentina. Hindi pwedeng maging ako si Valentina dahil takot si Narda kay Valentina. Takot na takot si Narda sa babaeng ahas kaya imposibleng ako si Valentina.
“Ikaw ʼyung pumatay kay Arnold Bautista. Pati na rin sa lahat ng pinatay ni Valentina... Ikaw ʼyon,” sabi pa ni Ali.
Nakayuko lang ako ngayon at nakaupo habang umiiyak. No please. Sana panaginip lang ulit ʼto. Sana magising na ako. Hindi pwedeng ako si Valentina. Hindi ko kayang makitang masaktan si Narda. Ayaw kong layuan niya ako.
“Patawarin mo ako. Ginawa ko lang ʼyon kasi ayaw kitang masaktan...” Lumuhod si Ali sa harapan ko.
“So all this time... All this time you knew.” Galit na galit ako ngayon. “You knew! Haha you knew!” Napayuko siya. “Nagsinungaling ka sa akin! Pinagmukha mo akong tanga!” malakas na sabi ko.
Lumayo ako sa kaniya. “Ali, you knew but you didnʼt tell me! Alam mo rin kung gaano katakot si Narda sa babaeng ahas!” Iʼm breaking down.
I donʼt know what to do anymore. Paano na lang kung malaman ni Narda ʼto? Paano na kami?
“Patawarin mo ako, ginawa ko lang ʼyon para hindi ka masaktan,” sabi niya pa.
Punung-puno ng galit ang pakiramdam ko ngayon. I donʼt wanna see him. Galit ako sa kaniya. Galit na galit ako at ayaw kong may magawa ako sa kaniya.
“Get out!” pagpapaalis ko sa kaniya.
Ayaw kong magbago ako bilang si Valentina at may magawa ako sa kaniya. Hindi ko kayang saktan si Ali dahil mahalaga rin siya sa akin. Pero galit ako ngayon at hindi ko kayang kontrolin ang galit na nararamdaman ko.
“Get out!” muling sigaw ko sa kaniya.
Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw nang sumigaw ngayon. Of all people bakit ako pa? Bakit sa akin pa nangyari ang lahat ng ito?
All I want is happiness. Gusto ko lang maging masaya kasama si Narda. Bakit biglang naging ganito? Bakit ako?
“Regina...” Nagmamakaawa siya sa akin.
“Get out! I donʼt wanna see your face again! Get out!” Please, Ali. Umalis ka na dahil ayaw kong masaktan kita.
Gusto kong mapag-isa. Natatakot ako na baka bigla na lang lumabas si Valentina. Hindi ko alam ang mga nangyayari kapag nagiging si Valentina ako. Magkaiba kaming dalawa. Nasa katawan ko lang siya pero hindi kami iisa at iyon ang sigurado ako.
Hindi ko hahayaan na makontrol niya ang katawan ko. Hindi ko hahayaan na lumabas pa siya ulit.
Nang makaalis si Ali ay pinaghahagis ko lahat ng gamit ko. Sa mga gamit ko natuon ang galit na nararamdaman ko ngayon.
“Umalis ka!” malakas na sabi ko nang mapatingin ako sa salamin at nakita ko ang babaeng ahas.
“Paano ko gagawin ʼyon? Ako ay ikaw...” nakangising sabi niya.
Totoo ngang nakakatakot siya. Ang mga mata niya ay sobrang nakakatakot kaya ganoʼn na lang ang sinabi ni Narda.
Hindi ako si Valentina. Magkaiba kami dahil hindi ko kayang pumatay ng tao. Hindi kami magkapareho.
“Leave me alone! Umalis ka! Ahhhh!” Napahigpit ang hawak ko sa buhok ko.
Iyak lang ako nang iyak. Hindi ako si Valentina. Hindi pwede, hindi maaari. Masasaktan si Narda kapag nalaman niya na ang babaeng ahas na kinatatakutan niya ay nasa loob ng katawan ko at lumalabas lang sa mga sandaling grabe ang nagiging galit ko.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...