63

1K 91 31
                                    

REGINAʼs POV:

Being with her makes me feel safe and happy. Narda is my everything. I canʼt see myself without her in my life. I really love her and I will do everything for her.

Sa bawat araw na magkasama kami ay hindi man lang ako nakararamdam ng lungkot. Walang araw na hindi niya pinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamahal and I am so lucky, really lucky to have her.

Her family welcomed me. Ano pa bang mahihiling ko? Sobra sobra na ang lahat ng ʼto.

“Mainit pa, a. Huwag kang magmadali baka mapaso ka,” Narda said.

Kumakain kami ng kwek-kwek at siya ang nagluto noʼn. Magkakasabay kami ngayon kasama ang Lola at kapatid niya. Ang saya rito sa kanila.

Sobrang maalaga si Narda. Siya rin talaga ang nagiging sandigan ko sa bawat panahon na dis-appointed sa akin si Daddy. Narda is always in my side and listen to me.

“Regina?”

When I heard her voice I automatically run to her and hug her. Iʼm crying because of Dad again.

“Dad is mad at me—again!” sabi ko habang nakayakap pa rin sa kaniya.

Sheʼs my living diary. My handkerchief and sometimes my punching bag. Narda can do anything for me. I love her so much.

I trust Narda but not the men around her. I felt jealous when Noah come here and give some gift for Narda.

“Mauna na ako sa inyo,” paalam ko sa kanila.

I know Narda loves me. Hindi ko lang talaga mapigilan na magselos. Sheʼs my girlfriend and masaya naman kaming dalawa. Minsan naiisip ko lang na mahirap din pala kapag hindi pwedeng ipangalandakan sa iba kung anong meron kaming dalawa. Ang hirap magtago ng emosyon habang nakikita ko ang mga lalaking may gusto sa kaniya.

“Regina...” she called me.

“Narda...” walang emosyon ko namang banggit sa pangalan niya.

Sumunod pala siya rito sa akin sa office ko. Iniwan niya ba si Noah sa labas? Nakakahiya naman sa manliligaw niya.

“Tungkol doon kay Noah...” she started.

Hinarap ko na siya para makapag-usap kami nang maayos. Nanatiling walang emosyon ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya.

“Magkakilala pala kayo ni Noah? ʼYung anak ni Mayor Zaldy!” mariing sabi ko sa huli.

Kumukulo ang dugo ko sa Mayor na ʼyon. Walang ginawang tama.

“Oo. Minsan na niya kaming hinatid ni Ding at bumili rin siya sa online selling namin ni Mara,” sagot niya naman.

Hindi ako galit sa kaniya. Nagseselos ako dahil nakukuha pa rin ng ibang tao ang atensyon niya. At alam naman ni Narda kung paano alisin ang selos o tampo ko. Isang halik niya lang ay maayos na ulit ako. She always give an assurance for me kaya mas lalong lumalaki ang tiwala ko sa kaniya.

Everything falls into place. Weʼre always going out. Minsan nasa condo ko siya and she spent the night with me. Minsan naman ay dumadalaw ako sa kanila.

“Ali, help me with these.” Pinakita ko ang mga hawak ko.

Balloons na hindi pa nalalagyan ng hangin at iba pang designs para sa Monthsary namin ni Narda. Limang buwan na kami ngayon and I want to surprise her.

“Sige, Regina. Ako nang bahala sa mga lobo, ikaw na lang ang mag-ayos ng mga banners and cake,” sabi niya naman.

So Ali and I started to decorate the living room. Maaga ko siyang pinapunta rito para talaga tulungan ako sa surprise ko kay Narda.

“Is it okay?” tanong ko matapos naming ayusin.

“Dagdagan natin ng ilang balloons pa sa gawi rito para mas okay tingnan,” sabi niya naman.

Siya na ang gumawa noʼn. Inayos ko naman ang cake na para kay Narda. Maya-maya lang ay pupunta na siya rito. I am so excited to surprise her.

“Okay na, Regina. Puntahan ko na si Narda para makapagcelebrate na kayo,” sabi pa ni Ali.

I just smile and nod at him. Nang umalis siya ay tiningnan ko naman ang set up for Monthsary. Sana magustuhan ni Narda ʼto. I really want her to be happy.

I waited for them. Ali texted me na malapit na sila kaya naman nagready na ako.

“Happy 5 months!” malakas na sabi ko nang makapasok na siya.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Nakita ko namang nakangiti sa amin si Ali at tinuro niya ang gawing pinto para sabihin na aalis na siya. I mouthed “thank you” to him.

“Ang sweet sweet naman!” sabi ni Narda.

Kumalas ako sa yakap sa kaniya at pumwesto ako sa gilid niya. Nakatingin kami ngayon sa surprise ko sa kaniya.

“Nagustuhan mo ba?” tanong ko.

Bahagya pa akong tumingala para tingnan ang mga loob na ginawa ni Ali. Ang gaganda noʼn at maayos ang pagkakalagay niya.

“Sobra! Palagi na lang may pasurprise tuwing Monthsary, Regina. Nakakahiya na mga regalo ko sa ʼyo,” sabi niya naman.

I pinched her cheek. “Ano ka ba... Okay lang ʼyon, gusto ko ang paggawa ng mga ganito para sa ʼyo. Saka gusto ko rin lahat ng regalo mo sa akin, honey. Huwag kang mag-isip nang kung anu-ano.”

Every things she gave to me is precious. Maliit man o malaki basta galing sa kaniya ay sobrang iniingatan ko talaga.

“Try natin ʼtong cake,” sabi ko sa kaniya.

I want to celebrate this monthsary sana sa labas pero parang mas okay na rito na lang sa condo ko. Masosolo pa namin ang isaʼt-isa and mas mag-eenjoy kami kung kaming dalawa lang.

Sinubuan ko siya ng cake. “Sarap?” tanong ko habang nakatingin sa bibig niya.

I wonder kung anong lasa ng cake kapag sa bibig niya nanggaling. I should try that. Hmm?

“Oo, try mo rin,” sabi niya naman.

Mabilis kong dinikit ang labi ko sa labi niya. Her lips are tempting me to do that. I lick her lips to taste the cake in her mouth. Sweet and delicious.

“Masarap nga,” sabi ko naman. “Masarap pala kapag sa ibang bibig ko titikman,” dagdag ko habang nakatingin pa rin sa labi niya.

Nakakaadik ang labi ni Narda. I wanna taste that lips every second if itʼs okay with her.

Kumuha siya ng cookies at kinagat iyon. Mabilis niya akong hinapit palapit sa kaniya and for the second time our lips met again. Nilipat niya ang cookies sa bibig ko. I love this. I love doing crazy and dirty things with her.

Only with her.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon