71

990 85 9
                                    

Ilang rides pa ang sinakyan namin ni Regina. Nagpapalakasan nga yata kami sa pagsigaw, e. Grabe sobrang nag-enjoy kaming dalawa.

Nandito kami ngayon sa bench at kumakain ng cotton candy. Natuwa kasi siya habang ginagawa ang cotton candy kaya bumili kami. Pangatlong plastic na nga namin ito ngayon. Ang dami na naming nakakain.

“Uminom ka ng maraming tubig. Ang tamis niyang kinain natin,” sabi ko sa kaniya.

Inabot ko ang bottled water na binili ko para sa aming dalawa. Hindi ko sure kung bibili pa ba ulit si Regina ng cotton candy.

“Grabe sobrang saya naman dito,” sabi niya habang nakatingin pa rin sa paligid.

Pinanonood ko naman ang ekspresyon sa mukha niya. Ang ganda ganda niya talaga.

“Next time ulit punta tayo rito?” tanong ko sa kaniya.

Agad siyang bumaling sa akin at ilang beses tumango. Parang bata na napagbigyan sa gusto kaya sobrang saya ng mukha ngayon.

Nagstay pa kami para maglibot sa paligid at bumili ng souvenirs namin. May binili kaming bracelet na magkamukha. Simpleng bracelet lang ʼyon na may moon and sun. Sa akin ang sun at sa kaniya naman ang moon.

“Tulong!”

Agad akong napabaling kung saan nanggagaling ang mga sigawan. May nagtatatakbong mga tao at takot na takot.

“Whatʼs happening?” tanong ni Regina.

“May extra doʼn. Umalis na kayo rito para hindi na kayo madamay,” sagot naman nung babaeng huminto sa harap namin.

Nagkatinginan kami ni Regina. Ako ang unang bumawi ng tingin at hinanap ko ang pinanggagalingan ng extra. Delikado kung patatagalin ko pa ito.

“Regina, magtago ka sa ligtas na lugar. Titingnan ko lang kung anong nangyayari,” sabi ko sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya sa akin. “No way! Magkasama tayong magtago, Narda. Hindi ka pwedeng pumunta roʼn,” sabi niya naman.

Tipid akong ngumiti sa kaniya. Naghanap ako ng pwedeng pagtaguan ni Regina at hindi naman ako nabigo nang may makita ako. Agad ko siyang hinatak doon para maitago.

“Babalik ako,” sabi ko sa kaniya. Hinalikan ko siya sa noo at basta na lang akong umalis.

Nagtatakbo ako sa isang tagong lugar para doon magpalit anyo. Nang masiguro kong walang makakakita sa akin ay ginawa ko na ang dapat kong gawin.

“DARNA!”

Agad akong bumalik para pigilan ang extra na nanggugulo. Nakipaglaban ako rito pero hindi ko sinunod ang gusto ng mga tao na patayin ko ito. Hindi ko kayang pumatay at hindi ko kailanman gagawin ang pagpatay.

Aaminin kong sa bawat extra na nakakalaban ko ay palakas nang palakas ang mga ito. Hindi ko alam kung paanong nagpapalabas ni Borgo ang mga extrang ʼto.

“Regina...” mahinang sabi ko nang makita ko siya.

Sa gawi niya napunta ang extrang nakalaban ko. Huwag sanang lumabas si Regina mula sa pinagtataguan niya para hindi siya makita ng extrang ʼto.

Bakas ang takot kay Regina. Matalim na tingin ang binigay ko sa extra at muling sinugod ito. Hindi ako papayag na mapahamak ang babaeng mahal ko.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay may dumating nang mga pulis. Pinaputukan ng mga ito ang extra na kalaban ko. Oo nga pala, hindi nga pala sila kasamahan ni Bryan. Hindi sakop ng task force ang mga pulis na ʼto.

Mabilis akong umalis para magpalit na ulit ng anyo bilang si Narda. Nagtatakbo ako papunta kay Regina kung saan ko siya iniwan kanina.

“Regina!” Agad ko siyang niyakap nang makalapit ako sa kaniya.

Nanginginig pa siya at halatang takot na takot. Mahigpit pa rin akong nakayakap sa kaniya.

“I was scared, Narda! Bakit ka kasi umalis pa? Paano kung may nangyari sa ʼyo?” sabi niya sa akin.

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ako sa pisngi. Bakas pa rin ang pag-aalala at panginginig sa kaniya.

“Okay lang ako. Nagtago ako nung nakita kong naglalaban na ʼyung extra saka si Darna...” sagot ko sa kaniya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Naramdaman ko ang pagtayo niya kaya tumayo na rin ako.

“We should go home. Baka kung ano pang mangyari sa atin dito,” sabi niya pa.

Ganoʼn nga ang ginawa namin. Umuwi na kami dahil sa nangyari. Tahimik lang si Regina at hindi ko alam kung bakit.

“Okay ka lang ba?” tanong ko sa kaniya.

Kapapasok lang namin sa condo niya. Iniwan na kami ni Ali para daw makapag-usap kami ni Regina.

“I donʼt know if I heard it right. Pero narinig ko ang pangalan na Darna? I mean alam kong boses ni Darna ʼyon, so bakit kailangan niya pang banggitin ang pangalan niya?” takang tanong niya.

Naupo ako sa tabi niya. Puno pa rin ng pagtataka ang mukha niya at iniisip ang narinig.

Ilang beses naman akong napakurap. Narinig niya ako. Mababa ang boses na ginagamit ko kapag ako si Darna.

“Hindi ko narinig ʼyon,” sagot ko sa kaniya. “Baka naman may nagtanong sa kaniya kung sino siya?” tanong ko naman.

Tumitig sa akin si Regina. Tipid akong ngumiti kahit na kabadong-kabado ako ngayon.

“Kung hindi lang ako galit sa Darna na ʼyon iisipin kong ikaw siya,” sabi niya pa.

Bahagyang lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakahahalata na ba siya?

“B-Bakit mo naman nasabi ʼyan?” tanong ko naman. Muli akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

“Well, mas maganda ka naman kay Darna. Mas sexy ka rin at mas mabait. Pero may mga pagkakahawig kayo, masyado lang sigurong makapal ang make up niya,” sagot naman niya.

Palihim akong napalunok. Napangiwi ako sa kaniya nang magtama ang paningin namin.

“Pero hindi naman ikaw si Darna. Galit ako sa babaeng ʼyon. Hindi na mawawala ang galit ko sa kaniya,” sabi niya pa.

Napatango na lang ako. Mukhang hindi pa talaga ito ang tamang panahon para sabihin sa kaniya ang totoo. Kailangan kong patunayan pa kay Regina na hindi kaaway si Darna. Hindi dapat mamuo ang galit na mayroon siya kay Darna dahil mahihirapan ako kapag ganoʼn.

“Uhm... Uuwi na ako, Regina. Baka nag-aalala na rin sina Lola sa akin,” paalam ko na sa kaniya.

Tumayo rin siya nang tumayo ako. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.

“Thank you so much, Honey. Sobrang nag-enjoy ako kahit na ganito ang nangyari, sobrang saya ko,” sabi niya pa.

Ngumiti naman ako. Makita lang siyang masaya ay masaya na rin ako. Iyon naman ang mahalaga sa akin, e. Ang makitang masaya si Regina.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon