06

1.8K 141 28
                                    

Abala ang lahat sa paggamot sa mga taong na-rescue na. Mabilis kong kinuha ang first aid kit at lumapit sa isang sugatan na hindi pa naaasikaso ng ibang EMT.

“Narda!” Napabaling ako nang marinig ko si Bryan.

“Bryan...” banggit ko rin sa pangalan niya.

Ginagamot ko na ang mga sugat ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

“Anong ginagawa mo rito? Hindi pa naman start ng trabaho mo,” sabi niya sa akin.

Napairap ako. “Tumutulong ako, Bryan. Masama bang tumulong?” mataray kong sagot sa kaniya.

“Hindi naman. Mag-iingat ka, may mga nagbabaksakan pa ring bakal at hollow blocks,” sabi niya naman.

Tumango na lang ako at tinuon na ang atensyon sa paggamot sa lalaki.

“Huwag ka ring kung saan saan pupunta. Kami na ang bahalang pumasok sa loob at kunin ang iba pang nandoon,” dagdag niya pa.

Hindi ako kumibo at tinitigan ko lang siya. Tumingin lang din siya sa akin at mabilis nang pumasok sa loob ng gusali pagkatapos.

“Humiga lang po kayo at huwag kayong masyadong gagalaw. Parating na po akong ambulansya para madala kayo sa Ospital,” sabi ko sa lalaking ginamot ko.

“Narda, merong matandang babae sa banda roʼn. Ikaw na bahala may gagamutin din kasi ako sa banda roʼn,” sabi naman ng isang kasamahan ko.

Mabilis akong tumango. “Oo. Ako na bahala roʼn,” sagot ko naman.

Mabilis akong lumapit sa matandang babaeng may sugat sa noo. Mabilis ko ring tinapalan ng bimpo para matigil sa pagdurugo.

“Nay, kalma ka lang po. Gagamutin ko kayo,” sabi ko sa kaniya habang sinisimulan nang gamutin ang sugat niya.

Kahit saan ako lumingon ay nakikita ko ang mga taong sugatan. Marami pa sa loob at ang iba ay natambakan ng mga bato.

“Tulong!” nakarinig ako ng sigaw mula sa itaas ng building.

May isang lalaking nasa itaas at malapit na siyang malaglag kapag nakabitaw siya sa batong hinahawakan niya ngayon.

“Nay, okay na po. Hintayin mo na lang po ang ambulansya para madala kayo sa Ospital kasama ang iba pa. Dito lang po kayo at huwag kayong masyadong gumalaw,” bilin ko sa kaniya.

Mabilis akong nagpunta sa lugar na malayo sa mga kasamahan ko. Sa lugar kung saan pwede kong magamit ang bato. Hindi pa ako handa para dito pero kailangan ako ng mga tao.

“DARNA!” malakas na sabi ko at naramdaman ko ang kakaibang pwersa sa katawan ko. Maging ang pag-iba ng kausotan at ayos ko ay naramdaman ko.

Hindi kaya nila ako makikilala sa ganito? Sana ay hindi ako mamukhaan ng mga kasamahan ko.

Ginawa ko na ang dapat gawin. Isa-isa kong kinuha ang mga taong nasa loob ng gumuhong building at nilagay ko sa safe na lugar. Mabilis ang bawat kilos ko at siniguro kong walang maiiwan na tao sa loob.

“Babaeng lumilipad!” narinig kong sabi ng mga tao.

Sa lugar na ʼto unang lumabas si Nanay noon. Sa lugar na ʼto niya nakalaban ang kakaibang nilalang na hindi maipaliwanag kung saan nagmula. At ngayon, sa ilang taon na lumipas ay muling lumabas si Darna. Ngunit hindi na sa katauhan ni Nanay kundi sa akin na.

Mabilis akong lumipad paalis sa lugar na pinangyarihan ng insidente. Kailangan kong bumalik doon nang hindi nahahalata ng mga kasama ko na ako si Darna. Pumasok ako sa isang kwarto na nakita ko, may mga damit at hindi ko alam kung para saan ang mga ito.

“Paano ba ako babalik sa dati?” tanong ko sa sarili ko habang pabalik-balik sa paglalakad.

Hindi ko alam kung paano ko ibabalik ang dati kong anyo. Walang sinabi sa akin si Nanay kung paano gamitin ang bato. Ang alam ko lang ay lulunukin ito at isisigaw ang pangalang...

“DARNA!”

Wala pa ring nangyari. Paano ba kasi ako babalik? Kailangan ko nang makabalik sa gumuhong gusali dahil baka mahalata na nila ako.

“Paano ba kasi ʼto? Paano ba ako babalik bilang Narda---” Nailuwa ko ang bato dahil doon.

Mabilis kong tinago sa bulsa ko ang bato at sakto namang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Regina kasama ang iba pang EMT at Pulis.

“Narda?” gulat at pagtataka ang bumakas sa kaniya.

Alanganin akong ngumiti sa kaniya. Nagtataka pa rin siyang nakatingin sa akin ngayon.

“Anong ginagawa mo rito?” muling tanong niya. Tiningnan niya pa ang kabuuan ko.

“Ah... Chineck ko lang po kung may dapat pang tulungan dito,” sagot ko at muling ngumiti sa kaniya.

“Okay. Letʼs go! Marami pa tayong dapat gawin,” sabi niya naman at tumalikod na.

Nakahinga ako ng maluwag at sumunod na rin ako sa kanila. Naabutan ko si Bryan nang muli akong bumalik sa mga sugatan.

“Narda! Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap!” bungad niya sa akin.

Bahagyang umawang ang bibig ko at iniwas ang tingin sa kaniya. “Uhm... May tinulungan lang ako sa banda roʼn,” sagot ko at tinuro pa ang kabilang parte ng building.

“Okay. Akala ko kung saan ka na napunta,” sabi niya naman.

Tipid lang akong ngumiti sa kaniya. Lumapit na ulit ako sa mga sugatan pa at tumulong na gamutin sila. Naririnig ko ang usap-usapan tungkol sa babaeng lumilipad kaya palihim akong napangiti.

Babaeng lumilipad... Siya si Darna. Pero hindi na ulit siya magpapakita pa dahil hindi pa rin ako handang maging si Darna.

“Paanong gumuho ang gusaling may magandang quality ng mga bato at bakal?” rinig kong tanong ni Regina.

Ang maamo niyang mukha ay nababakasan ng galit ngayon habang nakatingin sa gusali. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya.

“Sa pagkakaalam ko ay ang nawawalang engineer ang humawak sa paggawa ng gusali na ʼto,” sagot naman ni Bryan.

Nanatiling na kay Regina ang atensyon ko. Sheʼs frustrated. Kahit na itago niya iyon ay nahahalata pa rin. Sa tingin ko ay mannerism niya na ang pagbaling ng ulo niya kasabay ang pagpikit niya.

“Mas mabuti pa na bumalik ka na sa office, Regina. Delikado rito at baka lumindol ulit,” sabi nung kasama niyang lalaki.

“No, Ali. Kailangan ako rito,” sabi ni Regina.

“Maʼam Regina, tama po siya. Kailangan ninyong bumalik para mas safe kayo, kami na po ang bahala rito, Maʼam!” pagsingit ko na sa usapan.

Tumitig siya sa akin kaya nakaramdam na naman ako ng hiya. Iniwas ko ang tingin ko at pinaglaruan ang daliri ko na nasa likuran ko ngayon. Kinakabahan ako dahil baka magalit siya sa akin.

“Okay. Narda, be safe. Mag-iingat kayo rito,” bilin niya pa sa maamong paraan.

Sumilay ang ngiti sa akin dahil hindi siya nagalit sa akin. Ginantihan niya rin ako ng ngiti at nagpaalam na siya sa iba pang kasamahan namin.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon