75

1K 85 13
                                    

Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi ni Regina kanina. Ayaw kong masira pa ang magandang mood naming dalawa.

“Gusto kong i-try ʼyung ice skating,” sabi niya.

Nakaakbay ako sa kaniya ngayon habang siya naman ay nakasandal sa akin. Pinag-uusapan namin kung saan ang susunod naming pupuntahan dahil six monthsary na namin next day.

“Meron naman yata niyan sa mall?” takang tanong ko.

Meron kasing ganoʼn sa ibang mall. Nasa last floor madalas makita ang ganoʼn. Kung gusto naman niya ay pwede naman kaming pumunta sa mga mall na malapit para tingnan if merong ice skating.

“Try natin ʼyon...” parang batang sabi niya pa.

Pinaglalaruan ko ngayon ang buhok niya. Tumango na lang ako sa kaniya bilang sagot dahil abala rin akong amuyin ang buhok niya. Ang bango bango kasi at ang lambot ng buhok niya.

“Iyon na lang gawin natin para sa 6th monthsary natin?” tanong ko sa kaniya.

Bahagya siyang tumingin sa akin at tumango. Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. Iniyakap ko na rin ang isa ko pang braso sa kaniya kaya nakakulong na siya ngayon sa akin.

“Ehem... Love birds, storbohin ko muna kayo saglit, may mga dapat pa kasi kayong tapusin,” sabi ni Ali.

Kapapasok niya lang at iyon nga ang sinabi niya sa amin. Natawa na lang kami ni Regina. Inalis ko ang yakap ko kay Regina at inalalayan siyang umayos ng upo.

“Narda, hinahanap ka na nila Andre. May pupuntahan daw kayong mga rescue team. Ikaw naman, Regina, may dapat ka raw ayusin na kaso sabi ng Daddy mo. Pupuntahan ka raw niya this week,” sabi ni Ali.

Nagkatinginan kami ni Regina nang mabanggit ang Daddy niya. Siguro ito na ʼyung time para makilala ko ang Daddy niya. As friend lang muna ang pagpapakilala para hindi masyadong mahirapan si Regina.

“Mauna na ako sa inyo,” paalam ko sa kanila.

“Text me kapag nakabalik na kayo rito,” bilin naman ni Regina sa akin.

Tumango at ngumiti naman ako sa kaniya. Kumaway ako sa kanilang dalawa ni Ali at tuluyan na ngang lumabas.

“Narda, sama ka sa amin. May kukunin tayong pasyente,” sabi ni Chard at agad akong hinatak.

Hindi na ako nagreklamo dahil mukhang nagmamadali naman sila. Sumakay na lang ako at tumabi kay Chard kasama ang iba pa naming kasamahan na EMT.

“Puro pakikipaglandian kasi inuuna,” rinig kong sabi ng isa sa kasamahan ko.

Hindi ko sure kung sinong sinasabihan niya. Pero mukhang sa akin niya iyon pinapatama dahil tumitingin siya sa gawi ko.

“Canʼt imagine myself having a relationship with the same gender,” sabi naman ng kaibigan nito.

Tumaas ang kilay ko. Mukhang ako nga talaga ang target ng mga ito, a. Anong problema nila sa akin?

“Baka kaya niya jinowa dahil boss natin,” dagdag pa nung isa.

Doon na ako napatunghay at napatitig sa kanila. Tumaas ang kilay nila sa akin dahil sa inasta ko.

“Tigilan nga ninyo ʼyan,” saway ni Chard sa kanila. Si Andre naman ang nagmamaneho at tumitingin sa gawi namin dahil naririnig din ang mga nangyayari dito.

“Totoo naman, a. Umiiwas sa trabaho ʼyan porket girlfriend siya ng boss natin,” sagot ni Rish.

Nagpipigil lang ako. Hanggaʼt maaari ay ayaw kong patulan ang mga tulad nila.

“Naiinggit ka ba?” tanong ni Chard dito.

Hinawakan ko ang kamay ni Chard para pigilan ito. Ayaw kong pati siya ay madamay pa rito.

“Pwede bang huwag ako ang pag-initan ninyo. Ginagawa ko ang trabaho ko at walang kinalaman ang relasyon namin ni Regina rito,” sagot ko na.

“Parehas kayong babae. Anong ginagawa ninyo? Katulad ba ng ginagawa ng mga normal na couple?” tanong ni Mayce.

Tumaas na naman ang kilay ko sa kaniya. Pagak akong natawa na mukhang ikinagulat niya pa.

“Curious ka? Bakit hindi mo subukan nang malaman mo? Pati buhay ng ibang tao pinakikielaman mo, a.”

Nakababanas sila sa totoo lang. Hindi lang ito ang unang beses na pinag-initan nila ako. Sa unang tapak ko pa lang sa trabahong ʼto ay mainit na agad ang dugo nila sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kanila.

“Tigil na nga ninyo ʼyan!” saway ni Andre sa amin.

Nakipagsukatan ako ng tingin sa tatlong babaeng nasa harapan ko. Hindi ko sila uurungan. Masyado na silang sumosobra at pati buhay ng ibang tao ginagawa nilang libangan at pinakikielaman nila.

“Kung hindi naman nakakaapekto sa buhay ninyo ang relasyon namin ni Regina, pwede bang huwag na lang ninyong pakielaman? Mamakielam kayo kung may ambag kayo sa amin,” sabi ko pa sa kanila.

“At isa pa, walang mali sa relasyon nilang dalawa. Kayo talagang tatlo lahat na lang napapansin ninyo,” sabi rin ni Chard.

Pairap kong iniwas ang tingin sa tatlo. Nagbubulungan pa sila pero hindi ko na pinansin pa. Ayaw kong palakihin pa ang naging sagutan namin.

“Salamat, Chard.” Pagkababa namin ay sinabi ko iyon sa kaniya.

Naglalakad na kami ngayon papasok sa isang room para kunin ang pasyente na ililipat sa ibang Ospital.

“Wala ʼyon, Narda. Kahit crush kita, support pa rin naman ako sa inyo ni Maʼam Regina,” nakangiting sagot niya naman sa akin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Alam ko namang may something si Chard sa akin pero hindi ko naman inasahan na ganito niya kasimpleng sasabihin iyon sa akin.

“Gulat ka? Oo, crush kita. Pero wala naman akong balak na makigulo pa sa inyo. May gusto si PO2 Robles sa ʼyo at ganoʼn din si Noah. Hindi naman ako tulad nila na pangit ang mindset pagdating sa relasyon ninyo ni Maʼam Regina,” dagdag niya pa.

Hindi ako nakasagot dahil nakarating na kami sa loob ng kwarto at kinuha na ang pasyente. Ang ibang EMT na ang humila sa stretcher na dala namin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na sagutin ang sinabi ni Chard.

“Wala naman akong pakielam sa kung anong iniisip ng iba sa amin ni Regina. Hindi naman nakakaapekto sa relasyon namin ʼyon,” sabi ko sa kaniya.

Nginitian niya naman ako.

“As long as masaya kayong dalawa at walang tinatapakang ibang tao, ipagpatuloy lang ninyo ʼyan,” sabi niya pa.

Sumilay ang ngiti ko. Iba pa rin talaga ang epekto kapag may mga taong nakakaintindi sa sitwasyon na meron kami ni Regina. Yes, wala akong pakielam sa mga negative opinions, mas marami pa rin namang positive opinions na natatanggap katulad nitong kay Chard.

“Ang gusto ko lang maging masaya ka, Narda. Okay na ako roʼn,” nakangiting sabi niya pa sa akin.

Ngumiti na rin ako bilang ganti. Ganitong mindset ang gusto ko. Kahit na may nararamdaman siya para sa akin ay hindi siya tumutol sa kung anong meron kami ni Regina. Mas inisip niya ang nararamdaman ko. Sana lahat ganito.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon