59

1K 87 8
                                    

“Bye, Regina!” paalam nung dalawang lalaki.

Agad akong sumakay sa kotse ni Regina nang makarating ito sa harapan namin. Takang tumingin sa akin si Ali pero hindi ko na lang siya pinansin.

“Narda, are you really okay?” tanong ni Regina sa akin nang makapasok na rin siya.

“Ali, kahit sa kanto mo na lang ako ihatid, ako nang bahalang umuwi mag-isa,” sabi ko kay Ali.

Hindi na ako kumibo pagkatapos noʼn. Ramdam kong nakatingin sa akin si Regina pero hindi naman na rin siya kumibo pa. Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho si Ali.

“Narda, tell me whatʼs wrong... Bakit ganiyan ka umasta?” tanong niya na matapos ang ilang minuto.

“Okay lang ako, Regina.” Hindi ko pa rin siya tiningnan.

“Is this about earlier? Hindi kita masyadong nakausap dahil sa dalawang dumating?” tanong niya na obvious naman ang sagot.

Hindi ako sumagot sa kaniya. Nanatiling nasa labas ang tingin ko.

“Iʼm sorry about that. Hindi ko naman alam na nandoon sila,” mahinahong sabi niya naman.

“Hindi mo nga alam na nandoon sila. Pero nung nakita mo na ay parang ako naman ang nawala sa paningin mo,” mahinang sagot ko naman.

Naramdaman ko ang hawak niya sa kamay ko. Hindi ko inalis iyon at hinayaan ko lang siya pero ang tingin ko ay nasa labas pa rin at hindi ko siya binabalingan man lang.

“Ngayon lang kasi kami nagkita ulit after so many years. That was a catch up for us,” sagot niya sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at bahagyang tumango. Intindihin ko na lang kasi hindi naman sadya na magkita sila sa mismong araw na bumabawi kami ni Regina sa isaʼt-isa.

“Huwag na nating pag-awayan ʼyon, Narda. Pwede naman tayong lumabas ulit next weekend,” sabi niya pa.

Tumingin na ako sa kaniya. Salubong ang kilay niya at ang mga mata ay puno ng emosyon na hindi ko malaman kung nag-aalala ba o ano.

“Okay,” tanging sagot ko na lang.

Kagaya ng sinabi ko kay Ali ay binaba nga ako nito sa may kanto lang. Mabilis kong binuksan ang pinto at lumabas na.

“Ingat kayo,” blankong sabi ko at sinara na ang pinto.

Nagsimula na akong maglakad pauwi sa amin. Iniisip ko na tama bang umasta ako ng ganito? Tama bang magselos ako sa dating kaklase ni Regina? Coincidence lang namang nagkita sila, e. Pero syempre nakakatampo pa rin dahil parang hindi nila ako kasama kanina habang nag-uusap sila.

Bahala na nga!

“Ate, may gulo raw sa kabilang kalye!” bungad ni Ding sa akin pagkarating ko.

Mabilis kong binaba ang bag ko at kinuha sa bulsa ko ang bato. Nagpalit anyo ako at mabilis na lumipad para tingnan ang gulong sinasabi ni Ding.

“Darna!” gulat na sabi ni Bryan sa akin nang makita ako.

Napatingin lang ako sa paligid. Walang gulong nangyayari.

“Darna, isang extra ang naninira sa ʼyo sa mga tao. Siya ang dahilan ng pagkakuryente ng mga tao. Set up lang ʼto para lumabas ka,” paliwanag niya sa akin.

Nagtama ang tingin namin ng extra na naglalabas ng kuryente sa kamay. Anong klaseng extra ka?

Wala akong sinayang na panahon at mabilis ko siyang sinugod.

“Bakit mo ginagawa ʼto?” mariing tanong ko sa kaniya.

“Kinakampihan mo ang mga kriminal. Dapat tumulad ka sa babaeng ahas na pinapatay ang mga kriminal dahil iyon naman ang dapat!” sagot niya sa akin.

“Hindi ako pumapatay ng tao!” sabi ko rin sa kaniya.

“Pwes! Hindi kita titigilan!” Naglabas siya ng malakas na kuryente at pinatama iyon sa akin.

Natamaan ko si Bryan at parehas kaming natumba ngayon. Mabilis akong tumayo at nang muling patamaan ako ng kuryente ay sinangga ko iyon gamit ang braso ko. Pero ang isang kamay niya ay nakatutok sa isang poste at pinatumba niya iyon kaya mabilis kong sinalo nang sa ganoʼn ay walang ibang maapektuhan.

Nawala ang extra na kalaban ko. Ginawa niya ito para makatakas sa akin. Napatingin ako sa gawi ni Bryan at tinanguan na lang siya saka mabilis na lumipad na paalis.

“Anong meron doʼn, Ate?” tanong ni Ding.

Nagbalik ako sa pagiging Narda. Naghihintay sila sa akin ni Lola ngayon kaya naman naupo na ako at sinabi sa kanila ang nangyari.

“Grabe hindi talaga nauubos ang extra na ʼyan,” sabi pa ni Lola.

“Ate, panoorin mo si Ate Regina!” sabi naman ni Ding kaya natuon sa phone niya ang atensyon ko.

“Darna, depensahan mo ang sarili mo. My platform is open for you. Harapin mo kami at ipaliwanag mo sa amin kung bakit puro kapalpakan na lang ang dala mo,” sabi niya.

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin kay Lola.

“Paano ko sasabihin sa kaniya na ako si Darna?” tanong ko.

“Apo, mas okay nang hindi mo na lang sabihin sa kaniya.” Napatitig ako kay Lola. “Malaki ang galit ni Regina kay Darna, nakikita mo naman iyon ʼdi ba?” dagdag niya pa.

“Iyon na nga, Lola. Wala naman akong ginawa sa kaniya para magalit siya ng ganoʼn sa akin,” sabi ko naman.

Sobrang laki ng galit ni Regina kay Darna noon pa man. Hindi ko alam kung bakit, kahit na tanungin ko naman siya ay ang sinasagot niya naman ay hindi sapat para maging dahilan kung bakit sobrang laki ng galit niya.

“Kung sakaling malaman niya, tatanggapin niya kaya ako?” tanong ko.

Nakatuon lang sa akin ang paningin ni Lola at Ding. Napasapo na lang ang palad ko sa noo ko at ipinikit ko ang mga mata ko.

“Minsan kailangan nating maglihim para sa ikabubuti natin at nang ibang tao pa,” makahulugang sabi ni Lola.

“Pero mas lalo lang siyang magagalit kung patatagalin ko ʼto, Lola. Paano kung malaman niya?” naguguluhang tanong ko.

Tipid na ngumiti si Lola sa akin. “Kung mahal ka niya talaga ay tatanggapin ka niya. Pero isipin mong mabuti ang desisyon mo, Apo. Mas makabubuti kung hindi mo na lang sasabihin sa kaniya na ikaw si Darna,” dagdag niya pa.

Hindi ko na alam. masyadong magulo ang isip ko ngayon at hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula.

“Magpahinga ka na, Ate.”

Iyon nga siguro ang kailangan ko. Kailangan ko ng pahinga ngayon dahil masyadong nakakaubos ng lakas ang mga nangyayari.

Pero isa lang ang sigurado ako sa ngayon. Haharapin ko si Regina bilang Darna para matigil na siya at maliwanagan ang isip niya.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon