18

1.6K 120 34
                                    

Iʼm here at my office with Doc Mandy. Kasama siya noong may nagnakaw sa tindahan kung saan nagta-trabaho si Narda. Actually heʼs happy dahil nandito si Narda at matuturuan niya rin kasama ang iba pang EMTs.

“Good to know na pumayag siyang magtrabaho rito,” Doc Mandy said.

I smiled. “Of course. EMT din ang Mommy niya noon kaya walang pag-aalinlangan niyang tinanggap ang trabahong inalok ko,” I proudly said.

Kahit naman anong mangyari, hindi ako titigil hanggaʼt hindi siya pumayag na rito na magtrabaho. Smirked.

Sabay kaming napatingin sa gawing pinto nang may kumatok at pumasok. Nandito na si Narda.

“Magandang tanghali po...” nahihiyang bati niya sa amin.

Ang cute niya naman.

“Come here, Narda. Ibibigay ko lang ang uniform mo,” nakangiting sabi ko sa kaniya.

Makita ko lang siya ay napapangiti na ako kaagad. Nakakahawa naman kasi ang ngiti ni Narda, e.

“Maraming salamat nga pala sa pagtulong sa akin sa magnanakaw, kung wala siguro noʼn ay baka napatay na ako ng lalaking ʼyon,” sabi ni Doc Mandy.

Nakatitig lang ako kay Narda habang magkausap sila. Bawat parte ng mukha niya ay hindi pinalampas ng paningin ko. I look at her lips, looks soft and kissable.

Oh God! Regina what are you thinking?

“Walang anuman po. Ang mahalaga po ay nakaligtas tayo pare-pareho,” nakangiting sagot ni Narda kay Doc Mandy.

That smile, I want to see that everyday.

Mabilis kong binalik ang tingin ko kay Doc Mandy nang balingan na ako ni Narda. Alam kong napansin niya rin namang nakatingin ako sa kaniya. Sana lang ay huwag siyang mag-isip ng kahit na ano.

“Maʼam, mauna na po ako. Kita na lang po tayo bukas dito,” paalam niya na.

Tumango na lang ako at nanatiling nakangiti sa kaniya. “Mag-iingat ka pauwi, Narda.”

Hindi naalis ang paningin ko sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang makalabas sa office ko.

“Narda is so nice, sobrang bait at tapang niya,” sabi ni Doc Mandy.

Bumaling ako sa kaniya at tipid na ngumiti. Kinuha ko ang basong may wine at ininom iyon.

“She is. Kaya nga mas lalo kong gusto na rito siya magtrabaho sa foundation ko,” sagot ko naman.

Nakatingin lang ako sa kawalan habang hawak ang baso na may wine. Ang isip ko ay puro tungkol kay Narda. I want to know more about her. Sheʼs interesting and I want to be her friend.

Doc Mandy excused himself kaya naiwan na ako rito sa office ko. Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin ng mga balita ngayon. I decided na magvlog na lang since wala naman akong ibang ginagawa.

“Oh God!”

Lumilindol! Ang lakas ng lindol at hindi ko alam kung saan ako pupwesto. Gosh! Nasaan si Narda? Okay lang kaya siya?

“Regina!” I heard Ali.

“Iʼm here, Ali. Under the table!” sagot ko naman sa kaniya.

Ilang minuto ang itinagal ng lindol. I stayed here para masigurong hindi ako matatamaan ng kahit ano if ever may aftershock.

“Regina, look at this.” Pinakita ni Ali sa akin ang isang balita ngayon-ngayon lang.

“What?! Papuntahin mo lahat ng EMTʼs. Iʼll text Bryan about that.”

Mabilis akong umalis sa ilalim ng table ko at inayos ang sarili ko. I need to go there. May gumuhong gusali at ang sigurado akong may mali sa nangyari.

“Okay na, Regina. May mga nauna na raw sa lugar kung saan nangyari ang pagguho. May mga pulis na ring pumunta,” sagot ni Ali pagbalik dito sa office ko.

“We should go there, Ali. They need us there!” Mabilis kong kinuha ang bag ko para makapunta agad doon.

Nag-aalala ako sa mga taong nasa loob ng building na ʼyon na ngayon ay natabunan dahil sa pagguho. At nag-aalala rin ako kay Narda. I hope sheʼs okay.

“Oh God! Bakit sobrang lala ng nangyari?!” Hindi ako makapaniwala nang makita ko ang epekto ng lindol sa bagong tayong building.

“Paanong gumuho ang gusaling may magandang quality ng mga bato at bakal?” Hindi ko maitago ang pagkainis ko.

“Sa pagkakaalam ko ay ang nawawalang engineer ang humawak sa paggawa ng gusali na ʼto,” sagot ni Bryan sa akin.

Mariin kong naipikit ang mga mata ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko. Ang daming taong sugatan ngayon at agaw buhay dahil sa gumuhong bagong gawang gusali.

“Mas mabuti pang bumalik ka na sa office, Regina. Delikado rito at baka lumindol ulit,” sabi ni Ali sa akin.

Napunta sa kaniya ang atensyon ko. “No, Ali. Kailangan ako rito,” sagot ko.

Alam kong may mali sa pagkakagawa sa gusaling ʼto. Hindi kayang paguhuin ng hindi kalakasang lindol ang ganito kalaking gusali. Sobrang damage ang nangyari kaya napakaimposibleng walang mali rito.

Sinasagad talaga nila ang pasensya ko. Bakit may mga taong tulad nila na sobrang sakim sa pera? Bakit may mga tulad ni Mayor Zaldy?

“Maʼam Regina, tama po siya. Kailangan ninyong bumalik para mas safe kayo, kami na po ang bahala rito,” sabi naman ni Narda.

Napatitig ako sa kaniya. I donʼt know why pero isang salita niya lang kumakalma na ako kahit gaano pa kagrabe ang emosyong nararamdaman ko. Only Narda can do this to me.

“Okay. Narda, be safe. Mag-iingat kayo rito,” sabi ko naman.

Ako ang boss at ako dapat ang masusunod pero bakit sa isang sabi lang ni Narda ay nabaliktad yata ang sitwasyon? Para akong isang pet na agad sumunod sa sinabi ng amo niya.

Nang makabalik ako sa office ko ay agad kong binuksan ang iPad ko para makapagsimulang magvlog.

“Magandang hapon sa inyong lahat. Sana ay maayos ang lahat sa kabila ng nangyaring paglindol.”

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

“Nakakapagtakang gumuho ang isang bagong gawang gusali na pinaggastusan ng malaking halaga para maipundar ito. Kung maayos ang pagkakagawa at maayos ang mga ginamit na materyales, hindi aabot sa puntong guguho ng ganoʼn ang gusali nang dahil lang sa isang lindol, ʼdi ba?” tanong ko sa mga tao.

Maraming nanonood sa vlog ko at lahat sila ay pabor sa sinasabi ko. Karamihan kasi rito ay apektado sa nangyaring pagguho dahil ang ilan sa pamilya nila ay kasama sa nadaganan.

“Mayor, anong nangyari? Bakit dinaig pa ng mga bahay ang gusaling napatayo? Isang hindi naman sobrang lakas na lindol ang nangyari pero napaguho ang napakalaking gusali?” pagak akong natawa pagkatapos sabihin iyon.

Umangat ang gilid ng labi ko nang mapansin kong nagagalit sa kaniya ang mga tao sa comment section ng video ko. Ganiyan nga, dapat ipamukha kay Mayor ang mga kalokohang ginagawa nila.

Ang mga taong corrupt ay hindi nagwawagi kailan man, Mayor. Ang batas ay batas at walang sinuman ang pwedeng bumali roʼn.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon