12

1.6K 129 96
                                    

Nang ibigay sa amin ang pagkaing inorder namin ay para kaming mga bata na tuwang-tuwa. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya dahil ang sayang titigan ng masaya niyang mukha ngayon.

“Letʼs eat na, Narda! I am one hundred percent sure na magugustuhan mo ʼyan,” sabi niya habang inaayos na ang pagkain niya.

“Oo naman, Regina. Alam kong pasok din sa akin ang mga taste mo,” sagot ko naman.

Inayos ko na rin ang pagkain ko. Minsanan ko siyang tingnan pero siya ay nakatuon lang sa pagkain niya ang atensyon. Nakita ko pa nga ang satisfied look niya nang sumubo na siya ng pagkain niya.

“Ang sarap!” sabay naming sabi kaya sabay rin kaming natawa.

Ang sarap nga ng tapsilog dito. Tama si Regina, mukhang mapapadalas ang pagkain namin dito. The best talaga sabi nga ni Regina.

“I told ya!” proud pang sabi niya.

Nakangiti akong nakatingin sa kaniya. Natigil ako sa pagnguya at nanatiling nakatingin sa kaniya. Taka niya akong tiningnan.

“May problema ba?” kunot noong tanong niya sa akin.

“Sino nga ako?” tanong ko sa seryosong paraan pero sa isip ko ay natatawa na ako sa reaksyon ni Regina.

“Huh?” naguguluhang tanong niya sa akin.

“Nakalimutan ko ang pangalan ko. Sino nga ulit ako?” muling tanong ko. Gusto ko nang matawa sa itsura niya ngayon.

Bahagyang nakaawang ang bibig at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin. Puno ng pagtataka ang itsura niya ngayon.

“Joke!” malakas kong sabi at tumawa na nga. Natawa na rin siya at napailing na rin dahil sa inakto ko.

“If you really forgot your name, Iʼll say that your name is Honey. Para kapag tatawagin kita ay Honey na,” nakangising sabi niya sa akin.

Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Nakaramdam na naman kasi ako ng kakaiba sa dibdib ko. Para akong kinakabahan sa bilis ng tibok ng puso ko.

“May mga magkakaibigan naman na honey ang tawagan, wanna try that, Narda?” nakataas ang isang kilay niyang tanong sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at napainom ako sa tubig na nasa gilid ko. Ano ba ʼtong nangyayari sa akin. Masyado kong ginagawang big deal ang bawat kilos ni Regina.

“Oh God! Kung makikita mo lang ang itsura mo, Narda. Okay nakabawi na ako!” tumatawang sabi niya.

Napahinga ako ng maluwag dahil doon. Ginantihan niya lang pala ang ginawa ko kanina sa kaniya. Akala ko kasi ay kung ano na.

Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain namin. Nagkukwento siya tungkol sa mga ginagawa niya para sa foundation at ako naman ay nakikinig lang sa kaniya.

“You know what, Narda. Kahit gaano pa kalaki ang magawa ko, still kulang pa rin para kay Daddy,” sambit niya.

Napatitig ako sa kaniya. Nag-iba ang aura niya dahil sa pagbanggit nung tungkol sa Daddy niya.

“Hindi naman mahalaga kung gaano kalaki ang nagawa mo, e. May mga taong proud na proud pa rin sa ʼyo. Huwag mong isipin na kulang pa rin para sa Daddy mo dahil for sure naman proud pa rin siya sa achievements mo,” sagot ko sa kaniya.

Maluha-luha ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nag-aalala ako sa kaniya dahil sa tuwing Daddy niya ang usapan ay nagiging emosyonal siya.

“Thank you, Narda. Thanks for being here for me,” madamdaming sabi niya pa.

Ngumiti ako sa kaniya. “Palagi akong nandito para sa ʼyo. Magkaibigan tayo, Regina at ang magkaibigan ay palaging nagdadamayan,” sagot ko naman.

Nang matapos kaming kumain ay nagkatuwaan pa kami habang pabalik sa office. Pinagtitinginan na naman tuloy kami ng iba pang EMTs. Iniisip siguro ng mga ito na masyado akong close kay Regina, iniisip siguro nila na nagiging sipsip ako kahit hindi naman talaga.

“Regina, saan ka nanggaling?” tanong ni Ali, secretary siya ni Regina.

“Kumain kami ni Narda sa labas. Sorry, Ali, hindi na kita nasabihan,” sagot ni Regina.

Napatingin lang sa akin si Ali kaya tipid akong ngumiti sa kaniya.

“Bumalik ka na sa office mo, may mga dapat ka pang tapusin,” sabi ni Ali.

Humarap sa akin si Regina na may ngiti sa labi. “Thank you, Narda. I really enjoyed that,” aniya.

Lumawak ang ngiti ko at bahagyang tumango. “Salamat din, Regina. Salamat sa libre, hayaan mo next time babawi ako sa ʼyo,” sabi ko naman.

“Aasahan ko ʼyung adobo na iluluto mo para sa akin, Narda. Hindi na ako makapaghintay na matikman ang luto mo,” natutuwang sabi niya pa.

“Sige na, bumalik ka na sa office mo dahil marami ka pa raw gagawin. Babalik na rin ako sa trabaho ko,” utos ko sa kaniya.

“Okay. See you again!” Kumaway pa siya sa akin bago ako talikuran.

Napadako ang tingin ko sa mga kasamahan ko na masasama ang tingin sa akin ngayon, actually ʼyung tatlong babaeng malaki yata ang inggit sa akin ang masama ang tingin sa akin.

Hindi ko na lang pinansin pa at pumunta na lang ako sa pwesto ko. Bukas pa yata ang meeting and demonstration namin kaya walang masyadong gagawin ngayon.

“Close pala kayo ni Maʼam Regina?” tanong ni Andre sa akin.

Tumango ako. “Oo. Hindi naman siya mahirap pakisamahan,” nakangiting sagot ko naman.

“Akala nga namin noon ay masungit siya, e. Nakakatakot kaya aura niya,” sabi niya naman na nagpakunot ng noo ko.

“Hindi naman, a. Ang amo nga ng mukha niya at saka mabait siya. Hindi lang siguro ninyo madalas makausap kaya akala ninyo ay masungit,” depensa ko naman.

“Baka nga...” tumatangong sabi naman ni Andre. “Balik na ako sa pwesto ko. Kapag may kailangan ka ay magsabi ka lang,” dagdag niya pa.

“Sige. Salamat!”

Wala naman akong kailangan at kung mayroon man ay kaya ko naman siguro iyong gawaan ng paraan.

Habang walang ginagawa ay tinuon ko na lang ang atensyon ko sa patingin sa Facebook ng mga balita tungkol sa bayan ng Nueva Esperanza. Sa ngayon ay puro tungkol sa lalaking may malakas na kakayahan at kay Javier ang topic dito.

“Marami pa nga bang tulad nila?” natanong ko na lang sa sarili ko habang nakatingin sa pictures nilang dalawa.

Maging si Regina at Mayor Zaldy ay usapan din sa internet ngayon. Tama naman si Regina sa sinasabi niya tungkol kay Mayor. Para kasing hindi kumikilos si Mayor para sa lungsod niya. Laganap na ang kakaibang pangyayari at maging ang iba pang kremen dito.

Handa akong tumulong hanggaʼt kaya ko. Pero hindi pa handang magpakilala si Darna sa mga tao. Hindi ngayon, siguro ay sa tamang panahon.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon