“HOY! NARDA, TAWAG NA TAYO!” malakas na sabi ni Andre sa akin.
Napanguso at napakunot ang noo ko dahil sa sigaw niya sa akin. Pwede namang tawagin ako nang hindi sumisigaw, e.
“Oo. Hindi mo kailangang sumigaw!” ganting sabi ko sa kaniya.
“Kasi naman po, kanina pa kita tinatawag pero nakangiti ka lang at tulala. Para kang nagd-daydream, madam!” sarcastic niyang sabi sa akin.
Napairap ako sa sinabi niya. Tumayo na ako at kinuha ang folder na gagamitin namin para sa discussion mamaya at demonstration na rin.
“Ano ba kasing iniisip mo?” tanong niya habang naglalakad na kami papunta sa room kung saan gaganapin ang discussion.
“Wala. Ang tsismoso mo talaga!” irita kunyaring sabi ko naman.
Nang makarating kami ay agad na akong pumwesto. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina sa office ni Regina. ʼYung nabasa niyang damit at ang mga hawak niya sa akin. Pati ang halik niya sa pisngi ko ay hindi ko makalimutan. Pakiramdam ko ay namumula na ako ngayon dahil sa naiisip ko.
“Okay ka lang ba, Narda? May sakit ka ba?” tanong sa akin ni Doc Mandy.
Agad akong umiling. Nakatutok sa akin ang atensyon ng lahat ng EMTs na kasamahan ko. Ang tatlong babaeng malaki ang inggit sa akin ay nagbubulungan ngayon.
“Okay lang po ako,” sagot ko naman. Alangan pa akong ngumiti kay Doc Mandy at iniiwas ang tingin sa ibang kasamahan ko.
“Namumula ka kasi, Narda. Baka may sakit ka, pwede ka namang magpahinga na lang muna,” sabi pa ni Doc Mandy sa akin.
“Okay lang po ako. Magsimula na po tayo, Doc!” masiglang sabi ko naman.
Tumango lang si Doc sa akin at binalik na ang atensyon sa lahat ng nandito ngayon. Nagsimula na nga ang pagdemonstrate sa mga kailangan naming gawin kapag may mga sugatan at malala ang injury.
Nakikinig lang ako at nagsusulat ng mga mahahalagang bagay na galing sa dini-discuss ni Doc Mandy. Narinig kong tumunog ang phone ko kaya agad kong sinagot iyon. Tumatawag si Ding sa akin kahit alam niyang nasa trabaho ako. Ano kaya ang problema?
“Ding?” sagot ko sa tawag niya.
[“Ate, nakita ko si Nanay. Nandito siya at buhay siya, Ate. Nandito kami sa gubat at hinahabol kami ng mga tauhan ni Borgo. Puntahan mo kami rito, Ate!”] sunud-sunod na sabi niya.
Laglag ang panga ko at nanlalaki ang mga mata sa gulat dahil sa narinig ko. Walang alinlangan akong nagsabi na may emergency at agad akong tumakbo palabas.
“Narda? Saan ka pupunta?” tanong ni Regina nang makasalubong ko siya.
“Emergency lang,” sagot ko naman. Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya naman ako sa kamay.
“Anong nangyari?” bakas ang pag-aalala sa tono niya. Maging ang mga tingin niya sa akin ay puno ng pag-aalala.
Hinawakan ko ang pisngi niya. Grabe ang kaba ko ngayon dahil sa binalita ni Ding pero kapag nakikita ko si Regina ay nawawala lahat ng kaba at takot na nararamdaman ko.
“Kailangan ako ng kapatid ko ngayon. Mauna na ako, mamaya ko na lang ipaliliwanag ang mga mangyayari, okay?” pagpapaintindi ko sa kaniya.
Tumango siya sa akin. “Okay. Mag-iingat ka, Narda. Tawagan mo ako kung may magiging problema man, okay? Pupuntahan kita agad kahit ano pa ʼyan,” sabi niya naman.
Huminga ako ng malalim at tumango na lang sa kaniya. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak ngayon.
“Babalik ako agad, Regina.” Binitawan ko na ang kamay niya.
“Take care, honey. Hihintayin kita rito,” mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko.
Napangiti ako. “Oo. Babalik ako kaagad,” muling sabi ko at nagtatakbo na ako ng tuluyan palabas ng building.
Sa gubat kung saan madalas magpractice si Ding at Master Klaudio ako pumunta. Ang sabi ni Ding ay nandito raw si Nanay at kasama niya pero ngayong nandito na ako ay wala naman akong makita ni anino nilang dalawa.
“Narda!” Agad akong napabaling sa gawi kung saan narinig ko ang boses.
Nakita ko si Nanay na maraming dugo sa katawan at gulu-gulo ang buhok. Agad nanggilid ang luha ko nang matitigan ko siya. Sobrang miss ko na siya.
“Narda, ibigay mo sa akin ang bato. Nandito na ang mga alagad ni Borgo! Kailangan ko na ang bato!” malakas niyang sabi sa akin.
Kinuha ko mula sa bulsa ko ang bato. Palapit na ako nang palapit sa kaniya nang marinig ko ang sinabi ni Ding.
“Ate, hindi siya si Nanay!” sigaw niya kaya agad kong hinigpitan ang kapit sa bato.
Nag-iba ang anyo ni Nanay. Hindi nga siya ang Nanay namin dahil siya si Master Klaudio. Isa siyang nilalang na kayang magpalit anyo at nasisiguro kong isa siyang alagad ni Borgo na naghahangad makuha ang bato mula sa akin.
Nilabanan ko siya sa abot ng makakaya ko. Binigay ko ang lahat ng lakas ko para magawa siyang talunin dahil nangako ako kay Regina na babalik ako agad sa kaniya.
Kailangan kong tapusin agad ang laban na ʼto dahil naghihintay si Regina sa akin at nag-aalala.
“Ate, saan mo ba kasi nailaglag ang bato?” tanong ni Ding sa akin.
Nagtatago kami ngayon dahil nabitawan ko ang bato at hindi ko pwedeng labanan si Master Klaudio dahil may hawak siyang baril na sobrang pamilyar sa akin. Ang baril na iyon ang dahilan kung bakit nawala si Nanay. Siya ang pumatay kay Nanay kaya sisiguraduhin ko rin na mamamatay siya ngayon.
“Nakita ko na, Ate! Dito ka lang at ako na ang kukuha,” sabi pa ni Ding sa akin.
Habang kinukuha ni Ding ang bato ay ginawa ko namang linlangin si Master Klaudio. Nang makuha ni Ding ang bato ay agad kong isinubo iyon at sinigaw ang DARNA hanggang sa maramdaman ko na ang pagpapalit anyo ko.
Mapanlinlang si Master Klaudio pero matalino ang kapatid ko. Nahuli ko siya pero nag-anong ibon naman siya ngunit nagawa pa rin siyang kainin ng isang hayop mula rito sa gubat. Sana lang talaga ay namatay na siya at nang sa ganoʼn ay wala nang dumagdag pang tulad niya.
“Kailangan na nating bumalik, Ding. May naghihintay sa akin.”
Bumalik ako bilang Narda. Sa trabaho pa rin ako dumiretso kahit na dapat ay sa bahay muna at kausapin si Lola. Pwede namang mamaya na lang pag-uwi ko siya kausapin, sa ngayon ay si Regina muna ang kakausapin ko para hindi na siya mag-alala pa.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...