My day went well. Not until Darna ruined my day. Palagi na lang talaga siyang palpak.
“That Darna. Galit na sa kaniya ang mga tao,” sabi ko kay Narda.
Nandito siya ngayon sa office ko at hindi ko alam kung ako lang ba o talagang may problema siya? Mukhang matamlay kasi siya.
“Gusto niya lang namang makatulong,” sagot niya sa akin.
Naglalakad-lakad lang ako habang hawak ang wine na nasa baso. Natigil ako at humarap sa kaniya.
“Pero hindi siya nakakatulong. Mas lumalala pa nga ang nangyayari dahil sa kaniya. Sila ng babaeng ahas, parehas lang silang dalawa na walang dinala rito kundi gulo!” medyo tumaas ang tono kong sabi.
I canʼt hold my emotions. Masyado akong nakararamdam ng inis kapag naiisip ko si Darna.
Nagulat ako sa biglaang pagtayo ni Narda. I knew it! Halata naman kasing may problema talaga siya. Pero hindi naman siya nagsasabi sa akin.
“Narda?” pagtawag ko sa kaniya pero agad naman siyang umalis.
Taka ko lang tiningnan ang pinto. What happened? May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan? Iʼll talk to her later na lang siguro. Sa ngayon ay tatapusin ko na muna ang mga dapat kong tapusin na trabaho.
We talk. Pinag-usapan at inayos namin ang nangyari. Ayaw kong magkaroon kami ng tampuhan ni Narda nang dahil lang sa ganoʼn.
“Narda, Iʼm eating...” saway ko sa kaniya.
Ali brought food for me. Si Narda naman ang nagpakain sa akin pero hindi lang kain ng pagkain ang nangyari. She also ate me. Ugh! Buti na lang walang ibang nakakita sa ginawa ni Narda sa akin.
Like what I said, I love doing dirty things with her. Hindi naman na nawawala sa amin ang pagiging sweet at naughty. Kapag magkasama kami ay palagi kaming naghaharutan.
The next day I saw her with Noah. Nagkasagutan kaming dalawa dahil kay Noah—sa panliligaw ni Noah sa kaniya. She canʼt blame me, I want her only mine. Masama bang humiling ako na ipaalam namin kung anong relasyon namin para naman wala nang umaligid pa sa kaniya.
Pero dahil ayaw kong lumala pa at masira kami nang dahil dito ay hinayaan ko na lang kung hindi pa handa si Narda na ipaalam sa iba. Ilang araw nga kaming hindi nagpansinan, hindi siya nagpunta sa office ko.
“Saan mo gustong pumunta?” I asked her.
Gusto kong bumawi dahil sa naging tampuhan namin. Ayaw ko nang maulit ʼyon at hindi ko na hahayaan pang maulit nang dahil lang sa lalaki.
Kumain muna kami at hindi ko naman inasahan na may dalawa akong kakilala noon na nandito rin kaya medyo nagcatch up na rin kami. I know Narda is not okay with this pero gusto kong makita kung paano siya magselos.
Pinagpatuloy ko ang pakikipag-usap sa dalawa at palihim kong tinitingnan si Narda. I love seeing her jealous face. Ngayon lang ʼto, hindi ko na uulit na pagselosin siya. Alam kong may tampo siya sa akin pero sinuyo ko naman siya pagkatapos at pinaliwanag na hindi ko naman alam na nandoon ang dalawa. Mabuti na lang talaga at naayos namin agad.
Hindi ko siya pagseselosin ulit. Ayaw kong mag-isip siya katulad nung inisip ko sa kanila ni Noah. Bigla akong nagsisi na ginawa ko pang pagselosin siya. Hayst!
“Darna, depensahan mo ang sarili mo. My platform is open for you. Harapin mo kami at ipaliwanag mo sa amin kung bakit puro kapalpakan na lang ang dala mo,” sabi ko nang magvlog ako.
Ang laki talaga ng galit ko sa Darna na ʼyan. I want to see her. Gusto ko siyang makausap at nang malaman ko kung saang lupalop ba siya nanggaling. She ruined everything!
Sa tuwing may gagawin ako ay palagi na lang siyang umeepal. Sa tuwing nasa akin ang spotlight ay palagi na lang niyang inaagaw.
“I hate her!” sigaw ko matapos patayin ang camera ko.
I really hate Darna. Wala siyang ginawang tama para sa akin. Isa lang siyang walang kwentang superhero. Dapat ay hindi na lang siya nagpapakita pa. Puro kapalpakan lang ang dulot niya.
“Regina, may bisita ka.” Binuksan ni Ali ang pinto at pumasok ang taong hinihintay ko.
Agad akong tumayo at tumitig sa kaniya. Sheʼs here. Nasa harapan ko ngayon ang babaeng lumilipad; Darna.
“Darna...” nakangising banggit ko sa pangalan niya. Taas noo lang siyang nakatingin sa akin. “Mabuti naman at nagpunta ka, Darna. Hindi ka duwag,” dagdag ko pa.
“Hindi ako nagpunta rito para makipag-away. Nandito ako para magpaliwa---” pinutol ko na ang sasabihin niya.
“Good! Then letʼs get started,” mataray kong sabi at tumalikod sa kaniya.
Inaayos ni Ali ngayon ang camera. Pumwesto naman kami ni Darna para masimulan ang interview para sa kaniya.
“So tell us, Darna. Saan ka ba nanggaling? Bakit ka may superpowers? Isa ka rin bang extra?” sunud-sunod na tanong ko.
“Hindi ako isang extra,” sagot niya.
Tumaas ang kilay ko. “Kung ganoʼn ay saan nanggagaling ang powers mo?” tanong ko pa.
Napaangat ang gilid ng labi niya. “Hindi ko pwedeng sabihin,” sagot niya.
Agad akong nakaramdam ng inis sa kaniya. Mas lalo lang nadadagdagan ang galit ko sa ʼyo, Darna.
“Darna... Umaasa ang mga tao na makilala ka. Kung hindi mo sasagutin ang mga tanong ko ay ano pang silbi ng pagpunta mo rito?”
“Nandito ako para sabihin sa lahat ng manonood.” Humarap siya sa camera. “Na hindi kailanman tamang pumatay ng tao kahit na kriminal pa ito!” mariing sabi niya pa.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya. Kung nandito lang si Narda ay nakikita niya sana ngayon ang babaeng hinahanggan at pinagtatanggol niya. Tsk!
“Mali ang nakararami na sumang-ayon sa babaeng ahas.” Napatingin pa siya sa akin. Peke ang ngiting binigay ko sa kaniya.
“Pero hindi ba dahil sa laging kapalpakan mo kaya kumakampi ang mga tao sa babaeng ahas!” Nakacrossed arms ako at nakatingin sa kaniya ngayon.
Defend yourself, Darna. Ipakita mo sa akin na mali ako. Ipakita mo sa akin na dapat hindi ako nagagalit sa ʼyo.
“Innocents... Kumakampi ang mga tao sa kasamaan... dahil sa ʼyo,” dahan-dahan pero may riin sabi ko.
“Hindi ba unfair ang ganiyang pananaw, Regina?” tanong niya.
Nagbalik ang galit na nararamdaman ko sa kaniya. Masyado ring mataas ang tingin nito sa sarili niya.
“Hindi ito tungkol sa kung sino ang kakampihan nila. Tungkol ito sa nangyayaring pagpatay. Dapat lahat ng tao ay binibigyan ng pagkakataon na depensahan ang sarili nila gamit ang batas. Hindi ba iyon din ang gusto mo bilang isang abogado?” tanong niya habang nakatitig pa rin sa akin.
We talk again and again. Anong pinaglalaban ko? Ang mga tao sa lungsod na nasasakupan namin. Napapahamak kasi nang dahil sa kaniya.
“Gawin mo ang tama, Regina. Nang hindi iniisip kung magugustuhan ka nila o hindi,” muling sabi niya.
Mas lalo akong hindi nakapagpigil ng emosyon ko. Habol ko ang hininga ngayon dahil sa kaniya. Sobrang ginagalit niya ako.
“Are you saying na ginagawa ko ʼto para hangaan ako ng mga tao?” tumaas ang tono ko.
“Hindi ako ang makakasagot sa mga tanong na ʼyan,” huling sabi niya at tinalikuran na niya ako.
Mabilis ang paghinga ko dahil sa galit na nararamdaman ko dahil kay Darna. Youʼll pay for this, Darna! Pinahiya mo ako sa mata ng maraming tao!
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...