07

1.9K 119 21
                                    

Binalik ko na muli ang atensyon ko sa pagtulong sa mga nasugatan. Nakuha na ang iba at nadala na sa Ospital. Ang iba naman ay naghihintay pa rito, karaniwan sa kanila ay hindi masyadong malala ang natamo kaya mas inuna na naming ipadala ang mga dapat nang maagapan.

“Nakita mo ʼyung babaeng lumilipad?” tanong ni Bryan sa akin.

Mabilis akong umiling. Iniwas ko rin ang tingin ko sa kaniya dahil ayaw kong makahalata siya.

“Matagal na siyang kinukwento sa akin ni Tatay, nakita niya ang babaeng lumilipad noon at sa wakas, nagpakita na ulit ito ngayon,” nakangiting sabi pa niya.

“Ah... Hindi ko napansin, e. Abala kasi ako sa mga nasugatan,” sagot ko.

Tumitig siya sa akin kaya mas lalo kong naiiwas ang paningin ko.

“Salamat nga pala sa pagtulong,” kaswal na sabi niya.

Ngumiti lang ako sa kaniya at bahagyang tumango. Niligpit ko na ang mga ginamit kong first aid dahil tapos na kami sa paggamot ng mga tao at naghihintay na lang na madala sila sa Ospital.

“Ihahatid na kita pauwi, Narda. Delikado ngayon at saka gabi na rin,” sabi niya pa.

“Naku! Huwag na nakakahiya naman sa ʼyo,” pagtanggi ko.

“Okay lang, ano ka ba? Ihahatid na kita para masiguro kong ligtas kang makakauwi,” pagpilit niya pa.

Sa huli ay wala rin naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya para maihatid niya ako. Habang nasa biyahe kami ay nabuksan ko ang usapan tungkol kay Regina.

“Si Maʼam Regina ba matagal mo na siyang kilala?” tanong ko at bahagyang bumaling sa kaniya.

Napasulyap pa siya sa akin pero agad ding binalik ang tingin sa daan. Naghihintay naman ako ng sagot mula sa kaniya.

“Hindi naman sobrang tagal. Pero madalas kaming magkausap at magkasama dahil partner kami sa mga kaso,” sagot niya na.

“Ang ganda niya ʼno?” nasabi ko na lang habang nakatingin sa harapan. Naalala ko ang mukha ni Regina.

“Maganda siya. Pero hindi ko siya type,” mabilis na sagot ni Bryan.

Taas ang kilay kong napabaling sa kaniya. Wala naman akong sinabing type niya si Regina. Masyado naman siyang assuming. Pfft.

“Ang astig niya nga sa tuwing magv-vlog siya, e. Lahat ng mga salitang binibitawan niya talagang tumatatak sa isip ng tao. Ang galing galing niya,” bakas ang pagkamangha sa tono ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na purihin si Regina dahil kapuri-puri naman talaga siya. Ang bait bait niya at handang tumulong sa mga nangangailangan nang walang pag-aalinlangan sa isip niya.

“Sheʼs a lawyer. Kilala ang Daddy niya sa buong bayan natin kaya naman maingat din si Regina sa bawat kilos at salita niya. Ayaw niyang ma-disappoint ang Dad niya,” saad niya.

Nakuha noʼn ang atensyon ko. “Hindi niya naman kailangang i-please ang Daddy niya. I mean, sobrang nakakaproud naman si Maʼam Regina, sobrang swerte na nga ng Daddy niya dahil nagkaroon ng anak na tulad niya,” sabi ko naman.

Tumigil ang sasakyan at napansin kong nasa harapan na pala kami ng bahay. Inalis ko na ang seatbelt at mabilis na akong lumabas.

“Mabait si Regina at handa niyang gawin lahat para lang maging proud ang Daddy niya. Bilib din naman ako sa kaniya, e. Magaling talaga siyang lawyer,” sabi pa ni Bryan.

Ngumiti lang ako at tumango. Napagawi ang tingin ko sa kapitbahay namin na nakatingin din sa amin. Nandoon din ang bestfriend ko na parang kinikilig pa yata sa amin ni Bryan.

“Mag-iingat ka pauwi,” bilin ko kay Bryan.

Kailangan ko na rin kasing magpahinga dahil napagod din ako sa ginawa kanina. Bukas ay simula na ng trabaho ko kaya gusto ko maaga rin akong makakapasok.

“Sige. At sʼya nga pala, Narda. Ilayo mo ang sarili mo sa gulo please lang,” mariing sabi niya pa sa huling dalawang salita.

Natawa na lang ako sa kaniya. “Hindi ako ang lumalapit sa gulo, Bryan. Ang gulo ang lumalapit sa akin,” birong sabi ko pa.

Blankong tingin lang ang binigay niya sa akin kaya mas lalo lang akong natawa.

“Sige na, sige na. Uuwi na rin ako nang makapagpahinga ka na,” paalam niya na.

Kumaway na ako sa kaniya at sinukbit nang maayos ang bag ko saka nagsimula na ulit maglakad pauwi sa bahay. Nakaabang sa akin si Lola at Ding kaya naman agad akong nagmano kay Lola.

“Kumain ka na ba, apo?” tanong nito sa akin.

“Hindi po ako gutom, Lola. Magpapahinga na po ako dahil maaga pa ang trabaho ko bukas,” nakangiting sabi ko sa kaniya.

“Ay mabuti pa nga. Itatabi ko na lang ang ulam mo para bukas ng umaga ay makakain ka nito,” aniya pa.

“Good night, Ate!” sabi naman ni Ding sa akin kaya nginitian ko siya.

“Good night! Magpahinga ka na rin at may pasok ka pa bukas,” bilin ko sa kaniya.

Pumasok na ako sa kwarto ko para kumuha ng damit at maliligo muna ako. Ang dami ko kasing alikabok at pawis sa katawan dahil sa ginawa kanina.

“Magkikita kaya kami ni Regina bukas?” natanong ko na lang sa sarili ko.

Malamang ay magkikita kami dahil nandoon lang din naman ang office niya. At saka boss din namin siya kaya hindi malabong magkita kami bukas o araw-araw pa nga.

“Hay nako, Narda! Bakit ba gusto mo siyang makita?” pagkausap ko pa sa sarili ko.

Ginawa ko na lang ang mga dapat kong gawin para matapos na agad at makapagpahinga na ako.

Kinaumagahan ay maaga nga akong pumasok dahil ito ang unang araw ko bilang EMT. Hindi counted ang kagabi dahil tumulong lang talaga ako, hindi pa kasali iyon sa trabaho ko.

“Good morning!” bati ko sa mga nakakasalubong kong EMT din.

Nakasalubong ko rin si Dr. Mandy, siya ang natulungan ko noon sa tindahan ni Boss. Siya rin pala ang nagsuggest kay Maʼam Regina na bigyan ako ng trabaho.

“Dr. Mandy, salamat nga po pala, a. Nabalitaan ko po kasi na dahil sa inyo kaya may trabaho ako ngayon,” sabi ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at tinapik ako sa balikat. Ginantihan ko siya ng isang malawak na ngiti.

“Gusto rin naman ni Regina na maging employee ka rito. Magaling ka naman, Narda. At utang ko ang buhay ko sa ʼyo,” sabi niya pa.

Nahiya ako pero dinaan ko na lang sa ngiti. Nagpaalam na siya na may gagawin pa kaya iniwan niya na ako. Nagsimula naman na akong maglakad papunta sa office naming mga EMTs. May sarili na nga akong pwesto roʼn, e. Thanks to Regina, utang na loob ko sa kaniya ang lahat ng ʼto.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon