Ang aga kong dumating sa office ko and binilin ko sa isang EMT na kapag dumating si Narda ay papuntahin siya sa office ko.
Habang wala pa siya ay inabala ko muna ang sarili ko sa pagbabasa ng ilang cases na mahahawakan ko ngayong linggo.
“Maʼam?” narinig ko ang boses niya kaya agad napaangat ang tingin ko sa kaniya.
“Narda!” Mabilis akong tumayo at lumapit sa kaniya. I also check her para masiguro kong maayos lang talaga siya.
“Oh God! Buti naman at ayos ka lang!” I canʼt hide my emotions. Masyado akong nag-alala sa kaniya.
“Okay naman po talaga ako, Maʼam. Anong meron?” naguguluhang tanong niya.
“Kahapon kasi ʼdi ba may nakalaban kayong goons? Si Javier, isa siyang extra hindi ba?” masyadong emosyon na naman ang nailalabas ko ngayon sa kaniya.
“Patay na po si Javier. Ang mga goons naman po ay namatay na rin dahil sa tulong ni Bryan. Okay naman po ako at hindi ako nasaktan. Nanganak din naman po ng maayos si Sally at nasa Ospital para mas maalagaan ang baby,” paliwanag niya.
Nakatitig lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya at napahinga ako ng maluwag nang malaman ko na okay lang talaga siya.
“Salamat naman at okay ka lang. Akala ko ay kung napaʼno ka na,” mahinang sabi ko.
Hindi maalis ang ngiti ko sa kaniya ngayon at hinawakan ko ang kamay niya . Her hand is so soft. Ang sarap sarap hawakan ng kamay niya.
“Uhmm... Pinatawag daw ninyo ako, Maʼam?” bigla ay tanong niya.
Binitawan ko ang kamay niya kahit na ang totoo ay gusto ko lang iyong hawakan hanggang mamaya. Gosh, Regina!
“Yes. Gusto ko lang malaman ang nangyari kahapon. Iʼm okay now, nalaman ko na ang gusto kong malaman,” sagot ko at muling ngumiti sa kaniya.
Hide your true emotions, Regina. Huwag mong ipakita sa kaniya na sobrang galak kang nandito siya sa harapan mo. Huwag kang bading, Regina!
Sumilay na rin ang ngiti sa labi niya. Magkatitigan kaming dalawa ngayon at kung pwede lang sanang hindi na maputol ang ganitong titigan namin ay handa akong titigan siya kahit gaano pa katagal.
“Anyways, kumain ka na ba?” natanong ko na lang.
Napahawak siya sa tiyan niya nang bigla iyong kumulo. Sabay kaming natawa nang magtama ang paningin naming dalawa. Gutom naman pala ang honey ko. We should eat na, hindi pwedeng nagugutom si Narda.
“Hindi ako nakapag-almusal, nagmamadali kasi akong pumasok,” nahihiyang sabi niya pa.
Agad akong pumunta sa table ko para kunin ang phone at wallet ko. Mabilis din naman akong lumapit kay Narda nang makuha ko na iyon.
“Letʼs eat? Hindi pa ako kumakain at gutom na ako tulad mo,” natatawang sabi ko pa sa huli.
Nahihiya pa yata siya sa akin pero pumayag din namang kumain kaming dalawa. Palabas na kami sa office ko and Iʼm excited.
“You know weʼre friends, right?” tanong ko.
“Yes, Maʼam!” sagot niya agad.
Bumaling ako sa kaniya at nakatitigan ko na naman siya pero agad din naman siyang umiwas kaya binalik ko na lang din sa harapan ang atensyon ko.
“Just call me Regina. Cut the Maʼam and cut the po, Narda. Hindi mo kailangang maging formal sa akin,” sabi ko.
Pakiramdam ko kasi ay masyadong malayo ang agwat namin sa tuwing tatawagin niya akong Maʼam. Regina is fine with me or she can call me honey; much better tho.
So gay, Regina. You are so gay!
Nakasalubong namin si Doc Mandy at tinanong kung saan kami pupunta ni Narda. Sinabi ko namang kakain kami dahil nagugutom si Narda. Hindi naman ako gutom pero gusto kong makasabay kumain si Narda thatʼs why weʼre here together sa isang karinderya na isang beses ko pa lang natry kainan. She asked me if okay lang ba sa akin na kumain sa ganoʼn and I said yes. Hindi ako maarte at gusto kong ipakita kay Narda na kaya kong sabayan lahat ng gusto niya.
“Anong gusto mong kainin?” tanong ko sa kaniya.
“Ikaw...” Agad napaangat ang tingin ko sa kaniya dahil sa sagot niya. Is she sure? “I mean, ikaw ba anong gusto mong kainin?” dagdag niya.
Sa isip ko ay napapangiti na ako. Narda, be careful about your words, baka seryosohin ko ang mga binibitawan mong salita.
“Ikaw... Ikaw muna, kung anong sa ʼyo ay ganoʼn din sa akin,” sagot ko habang nakatitig sa kaniya.
“Hindi ko pa kasi na-try kumain dito, e. Hindi ko alam kung anong masarap,” sagot niya habang nakatingin sa menu.
Napangiti ako. “Ako...” Napaangat ang tingin niya sa akin. “Ako na-try ko na. The best ʼyung tapsilog nila rito, e. Pati ʼyung sisig nila ang sarap!” dagdag ko habang hindi maalis ang ngiti sa labi.
Narda... Narda... Narda... Masyado mo akong binibigyan ng dahilan para mas malaman kung ano ang kakaiba kong nararamdaman sa tuwing kasama kita. Binubuhay mo ʼyung ibang side na meron ako, Narda.
I ordered for us. Sagot ko na dahil first time naman naming kumain na magkasama. She asked me about my favorite food. Nag-usap pa kami ng kung anu-ano and sobrang nag-enjoy akong kasama siya. Ipagluluto niya pa ako ng adobo and sobrang excited na akong matikman ʼyon.
“Nakalimutan ko ang pangalan ko. Sino nga ulit ako?” tanong niya. Nagtataka naman ako kung bakit ganito ang sinasabi niya. “Joke!” she added and malakas siyang tumawa after that.
I pouted. Argh! Pinagtripan niya ako. Pero hindi ko rin napigilang matawa dahil sa inakto niya. Sheʼs so cute!
“If you really forgot your name, Iʼll say that your name is Honey. Para kapag tatawagin kita ay Honey na,” nakangising sabi ko.
Thatʼs better, right? I can feel the butterflies in my stomach because of that thought. My God, Regina! Youʼre exposing yourself too much!
Kumain na ulit kami at nagkwentuhan na lang ulit ng kung anu-ano. Being with her makes me feel better. I mean, pakiramdam ko nailalabas ko lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya. Saglit pa lang kaming nagkakilala pero grabe na ang sayang naidulot niya sa akin. Being with her means being home.
I feel safe when sheʼs around. I said that I like Bryan... but I guess I like Narda more. Is that okay? I mean, weʼre in a judgmental society. Liking someone who is same as your gender is sin for others.
But I donʼt give a fvck. Iʼm happy when Iʼm with Narda. Happiness is important, she is important and she is my happiness.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...