49

1.5K 115 47
                                    

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang noong nagkakilala kami ni Regina. Ang gulo pa noon ng isip ko at hindi agad inamin kung ano ba talagang nararamdaman ko sa tuwing kasama si Regina.

“Happy 5 months!” bati niya sa akin.

Limang buwan na. Sa loob ng limang buwan naming relasyon ay masasabi kong maayos naman kaming dalawa. Kung may tampuhan man, naaayos naman agad.

“Ang sweet sweet naman!” nakangiting sabi ko.

Nandito kami ngayon sa condo niya para i-surprise ako. Hindi ko naman inakalang sobrang effort ang ginawa niya. May cake pa at may mga balloons. Si Ali raw ang kasama niyang nagdecorate rito sa condo niya.

Kaming dalawa na lang ngayon ang nandito para i-celebrate ang limang buwan naming relasyon. Hindi ko naman siya mabigyan ng ganito kagrandeng surprise dahil magastos ʼto masyado. Mga simpleng regalo lang ang kaya kong ibigay sa kaniya.

“Nagustuhan mo ba?” tanong niya.

Nakayakap ang braso niya ngayon sa bewang ko habang nakatingin kami sa mga pulang lobo na nakasabit ngayon rito sa sala ng condo niya.

“Sobra! Palagi na lang may pasurprise tuwing monthsary, Regina. Nakakahiya na mga regalo ko sa ʼyo!” sabi ko naman.

Pinisil niya ang pisngi ko. “Ano ka ba... Okay lang ʼyon, gusto ko ang paggawa ng mga ganito para sa ʼyo. Saka gusto ko rin lahat ng regalo mo sa akin, honey. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano.”

Nagpaalam naman na ako kina Lola at Ding na magkasama kami ngayon ni Regina. Sinabihan ko rin silang bukas na ako uuwi dahil nga monthsary namin ni Regina at icecelebrate namin iyon ngayong hapon.

After work namin ay rito na kami dumiretso. Sa totoo lang ay may mga damit na nga ako rito sa condo niya, e. Noong nakaraan ay bumili kami para daw kapag nandito ako ay pwede akong maligo anytime na gustuhin ko dahil may mga pamalit naman na ako.

“Try natin ʼtong cake,” sabi niya.

Kumuha na siya ng platito at kutsilyo para sa cake na binili niya. May nakalagay roʼn na “Happy 5th months with my Honey.” Vanilla flavor ang cake para daw hindi sobrang tamis.

“Ikaw muna,” sabi niya at tinapat sa akin ang tinidor na may cake na nga.

Hindi na ako nakipagtalo pa at kinain ko na ʼyon. Puro sweets nga ang nandito ngayon sa table, e. May donuts and cupcakes pa nga bukod sa cake. Ewan ko na lang kung hindi sumakit ngipin namin dito.

“Sarap?” tanong niya habang pinanonood akong kumain.

Tumango ako. “Oo, try mo rin,” sabi ko naman.

Balak ko sanang kumuha ng cookies pero bigla akong natigilan nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Actually hindi lang labi dahil pati dila niya nararamdaman ko.

“Masarap nga,” sabi niya matapos bitawan ang labi ko.

Napatitig lang ako sa kaniya dahil sa gulat. Tinikman niya ang cake na nasa bibig ko. Grabe na talaga ʼtong girlfriend ko.

“Masarap pala kapag sa ibang bibig ko titikman,” sabi niya habang nakatingin pa rin sa labi ko.

Kumuha ako ng cookies at kinagat iyon saka walang sabi-sabing hinapit siya palapit sa akin kasabay ng paglapat ng cookies sa bibig niya. Kung kanina ay nasa bibig ko ʼyon, ngayon ay nasa bibig na niya.

“Is this the proper way of eating cookies and cake?” tanong niya sa akin na natatawa pa.

Natawa na rin ako at umayos na. Si Regina kasi, e. Masyado akong hinaharot kaya nadadala tuloy ako sa kaniya.

“Manood tayong movies. May mga bago yata sa Netflix,” sabi niya.

Kumuha na kami ng pagkain namin at agad pumwesto sa sofa. Siya na ang nag-set up ng mga kailangan habang ako ay kumakain lang at hinihintay siya.

“Parang magandang manood ng horror,” sabi ko.

Umayos na siya at namili na nga ng pwede naming panoorin. Mag-uubos lang kami ng oras sa ganito ngayon. Date namin ʼto at dito lang kami sa condo niya. Hindi naman na namin kailangang lumabas pa dahil kahit naman dito lang ay pwede nang magcelebrate.

Mas gusto ko ngang nasosolo ko siya, e.

“Maganda ʼto,” sabi niya nang makapili na.

Sumandal siya sa akin kaya naman inakbay ko ang isang braso ko sa kaniya habang ang isa naman ay may hawak na cookies. Nanood na nga kaming dalawa.

Minsan ay sinusubuan ko siya dahil masyado siyang tutok sa pinanonood namin at hindi na siya nakakakain. Ninanakawan ko rin siya ng halik sa noo at sa sentido kapag natripan ko.

“Kuha lang akong water,” sabi ko nang mapansin kong walang tubig man lang dito sa table.

Umayos siya at nanatiling nakatuon ang atensyon sa pinanonood. Kumuha na nga ako ng tubig at wine na rin dahil may nakita ako sa ref niya. Hindi talaga mawawalan ng wine si Regina. Hindi na dugo ang dumadaloy sa katawan niya kundi wine na.

“Wine for you, honey...” pang-asar na sabi ko at sinalinan ko siya.

Since nakapagpalit na ako ng damit kanina nang dumating ako rito, nakaloose shirt na ako ngayon at dahil mapang-asar ako ay yumuko ako sa harapan niya para magsalin ng wine.

Nakita kong hindi na sa TV nakatuon ang atensyon niya kundi sa dibdib ko na dahil kitang-kita niya iyon ngayon dahil sa pagyuko ko.

“Nananadya ka ba?” tanong niya sa akin.

Umayos ako ng tayo. Nakataas ang kilay niya sa akin ngayon at nakatingala siya dahil nakatayo nga ako.

“Huh? Nagsasalin lang ako ng wine para sa ʼyo,” pa-inosenteng sabi ko naman.

Nilapag ko na ang wine sa table at tumabi na ulit ako sa kaniya. Pigil ang ngisi ko ngayon dahil nakatingin pa rin siya sa akin.

Nang mapansin kong bumaling na ulit siya sa TV ay saka ko lang pinakawalan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko.

“Huwag mo akong subukan, Narda. Baka mapagod ka,” sabi niya kahit nasa TV naman nakatingin.

Napaawang ang bibig ko. “Oh? Wala naman akong ginagawa sa ʼyo, Regina.” Pigil ang tawa ko dahil baka bigla akong kurutin nito kapag napikon.

“Pwes ako ang may gagawin sa ʼyo kapag hindi ka umayos,” may pagbabantang sabi niya naman.

Napadako sa hita niya ang kamay ko. “Matatakot na ba ako?” pang-asar na tanong ko habang hinahaplos ang hita niya.

Ang kinis naman ng girlfriend ko. Pakiramdam ko tuloy ay biglang uminit dito sa condo niya kahit may aircon naman.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon