25

1.9K 146 32
                                    

Being with Regina makes me happy. Wala naman akong pakielam sa sasabihin ng ibang tao, e. Mas mahalaga sa akin kung anong makapagpapasaya sa akin. Anong pakielam ng ibang tao sa buhay ko? Wala naman silang ambag kaya wala silang karapatang magsalita tungkol sa kung anong gusto kong gawin.

“Lola? Opo pauwi na po ako,” bakas ang tuwa sa tono ko habang kausap si Lola.

[“O siya sige, mag-iingat ka...”] malambing namang sabi niya sa akin.

Saktong pagkababa ko ng phone ko ay ang pagkabagsag ng malakas na pwersa. Mabilis akong napatakbo nang makita ko ang isang lalaking nalaglag mula sa itaas ng building.

“Anong nangyari?” tanong ko rito pero mukhang wala akong makukuhang sagot.

Napaangat ang tingin ko sa pinanggalingan ng lalaki. Bumungad sa akin ang babaeng punung-puno ng ahas sa ulo. Halos manigas na yata ako sa pwesto ko habang nakatingin sa kaniya.

Sobrang nakakatakot siya.

Ang mga mata niyang parang mata ng ahas ay nakatitig sa akin ngayon. Ang mga ahas sa ulo niya ay gumagalaw at sobrang dami talaga. Grabe ang takot na nararamdaman ko ngayon sa kaniya.

“B-Bryan...” nanginginig ang mga kamay ko dahil sa takot nang tawagan ko si Bryan.

Umalis na ang babaeng puno ng ahas sa ulo pero ang takot ko ay nanatili pa rin sa akin. Hindi maalis sa isip ko ang nakakatakot niyang mga mata.

[“Narda? Anong nangyari?”] tanong niya sa kabilang linya.

Sinabi ko sa kaniya kung nasaan kami ng lalaking nakita ko. Papunta naman na raw siya dahil pauwi na rin sana pero dito na siya didiretso.

Binigyan ko muna pa unang lunas na alam kong pwedeng makatulong dito sa lalaking nabagsak.

“Bautista?” bungad ni Bryan nang makarating siya.

“Kilala mo siya?” takang tanong ko naman habang nakatingin sa lalaking nakahiga ngayon sa lapag.

“Oo,” simpleng sagot lang ni Bryan.

Tumawag na siya ng ambulansya at iba pang pulis. Nanatili naman akong nakatulala lang habang nakaalalay sa lalaking ʼto.

Ang babaeng puno ng ahas sa ulo. Isa siyang extra at sa lahat ng extrang nakita ko... sobrang takot ang naramdaman ko rito.

“Bryan...” pagtawag ko sa kaniya.

Agad siyang lumapit sa akin. “Nakita ko ʼyung may gawa nito,” sabi ko. Nagsimula na naman akong manginig dahil sa takot.

“Sino? Kakaiba kasi ang mga sugat na nakuha niya. Parang mga tuklaw ng ahas,” sagot niya.

Muling bumalik sa isip ko ang itsura ng babaeng nakita ko.

“Babae siya. Babaeng puno ng ahas. ʼYung buhok niya ay puro ahas, Bryan. Tapos... Tapos ʼyung mga mata niya sobrang nakakatakot. Hindi ko nakita ang buong itsura niya dahil madilim pero ʼyung mata niya talaga ang tumatak sa isip ko,” nanginginig na sabi ko.

Inalalayan ako ni Bryan at pinapwesto muna sa isang tabi. Dumating na ang ibang pulis at inimbestigahan na ang nangyari.

“Dito ka muna, aasikasuhin ko lang ang nangyari,” bilin niya na tinanguan ko na lang.

Nakaupo lang ako ngayon sa gilid ng kalsada. Takot na takot pa rin ako dahil sa nangyari at sa nakita ko. Narinig ko ang boses ni Regina ilang minuto ang nakalipas. Anong ginagawa niya rito?

“Narda, are you okay?” Naramdaman ko siya sa gilid ko.

Nanatili lang akong tulala at nanginginig pa rin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon pero nang marinig ko si Regina ay bahagya na akong kumalma.

“Honey...” mahinang tawag niya sa akin.

Napabaling ako sa kaniya. Nagbabadya na ang luha sa mga mata ko nang makita ko siya. Para akong batang inaway ng kalaro at tumakbo palapit sa kaniya para magsumbong.

“Nakakatakot siya...” iyon ang nasabi ko sa kaniya.

Tinapik niya ako sa balikat at bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Mabilis ko siyang niyakap at doon na lumabas ang lahat ng emosyong pinipigilan ko.

Siya lang ang kailangan ko ngayon. Presensya niya ang makapagpapakalma sa akin sa mga ganitong sitwasyon.

“Itʼs okay. Iʼm here. You are safe with me, Honey.” Mas lalo lang humigpit ang yakap ko sa kaniya.

“Sobrang nakakatakot siya...” parang batang sabi ko pa rin.

Wala na akong pakielam kahit na makita pa kami ng mga kasama namin ngayon. Basta ang alam ko lang ay napapakalma ako ng presensya at yakap ni Regina.

Ilang minuto pa kaming ganoʼn hanggang sa nagpasya na rin naman akong kumalas dahil baka nahihirapan na siya sa pwesto naming dalawa. Nakatalungko lang kasi siya sa tabi ko at nakahigh heels pa siya kaya baka masakit na ang paa niya.

“Ano bang nangyari?” tanong niya nang makakalma na ako ng tuluyan.

“May nakita akong babae na puro ahas ang ulo. Siya ang may gawa niyan,” sabi ko at tiningnan ang lalaking nakahiga pa rin sa kalsada.

“Babaeng puro ahas?” takang tanong niya.

Tumango ako. “Oo. Nakakatakot siya. ʼYung mga mata niya sobrang nakakatakot. Nakatingin lang siya sa akin pero grabe ʼyung takot na naidulot niya sa sistema ko. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa ʼyon sa lalaki pero nung nakita naman niya ako at wala naman siyang ginawa sa akin at umalis na lang basta,” paliwanag ko.

Tahimik lang si Regina at nakikinig sa akin. Nakahawak ako sa kamay niya ngayon dahil nanginginig na naman ako nang maalala ko ang babaeng ʼyon kanina.

Bakit ang lakas ng epekto niya sa sistema ko? Hindi siya basta basta lang kung ikukumpara sa ibang extra.

“Letʼs go. Umuwi ka na para makapagpahinga ka. Sila Bryan na ang bahala rito,” pag-aaya niya sa akin.

Tumayo siya at nilahad ang kamay niya para makatayo na rin ako. Sumunod ako sa gusto niya dahil wala na rin naman akong ibang gagawin dito. Namatay rin ang lalaking naging biktima ng ahas, hindi nakaligtas sa kamandag na nakuha niya kanina.

“Bryan, ihahatid ko na si Narda pauwi. I want to make sure that sheʼs safe. Baka kasi makita niya ulit ang babaeng nakita niya kanina,” sabi niya kay Bryan.

Nag-aalala si Bryan pero tumango na lang ito sa amin. Binilinan niya pa na mag-ingat kami.

Tahimik lang si Ali habang nagdadrive at ganoʼn din naman kami ni Regina sa backseat. Nakapatong ang ulo ko sa balikat niya at hawak ko ang kamay niya ngayon.

“Youʼre safe with me, okay? Huwag kang matatakot kapag kasama mo ako,” sabi niya pa sa akin.

Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa ulo ko. Tatlong beses niyang hinalikan ang ulo ko kaya mas lalo lang akong nakaramdam na ligtas talaga ako kapag kasama siya.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon