Nakita ko lahat ng nangyari sa pinagtatrabahuhan ni Narda. I was there looking at her and I saw everything.
“Sundan mo siya, Ali.”
Kung saan saan siya nagpunta at parang wala pa siya sa sarili niya dahil sa nangyari. I want to go to her pero baka nagtaka siya kapag nakita niya ako basta.
Patawid si Narda nang biglang pinaandar pa rin ni Ali ang sasakyan. Kinabahan ako dahil baka natamaan si Narda or what. Mabilis akong lumabas ng kotse para tingnan kung anong lagay niya.
“Jusko! Muntik na ako roʼn!” Nakahawak siya sa dibdib niya dahil sa nangyari.
“Oh My God! Okay ka lang ba?” Iʼm worried! Baka natamaan siya dahil sa ginawa ni Ali.
Tiningnan ko kung may sugat ba siya or pilay o kahit ano. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong wala ni isang galos. My Gosh, Ali! Lagot ka sa akin mamaya.
“O-okay lang po ako, Miss Regina.” Still, I am worried. Paano na lang kung natamaan nga siya kanina?
Nako, Ali! Wala akong sinabing sagasaan niya si Narda. Ang sinabi ko lang naman ay sundan niya ʼto.
“Narda, right?” tanong ko kahit hindi ko naman talaga nakalimutan ang pangalan niya. “Are you sure you are okay?” paniniguro kong tanong.
She smiled at me. Iyang ngiti na ʼyan ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Hindi mawala sa isip ko ang ngiti niya.
“Okay lang po ako. Wala naman akong galos o ano pa man. Nakaiwas naman po ako kaagad,” she answered.
I felt relief. Mabuti naman at maayos talaga siya. Inayos ko ang buhok ko gamit ang point finger ko. This is my mannerism, dalawang hintuturo ang ginagamit ko para ayusin ang buhok kong nasa gilid ng mukha ko.
“Ali, next time nga ayusin mo ang pagmamaneho at siguraduhin mong walang tatawid kapag nagmamaneho ka. Muntik na si Narda kanina kung hindi siya nakaiwas kaagad,” sermon ko kay Ali.
Hindi na ako nakapaghintay na makarating sa office at dito ko na nga nasermunan si Ali dahil sa nangyari.
“Pasensya na, Regina. Pasensya na, Narda.” Nakatingin lang ako sa kaniya. Alam naman niya ang inutos ko kanina sa kaniya.
“Ah hindi. Okay lang po, kasalanan ko rin naman dahil hindi ako tumitingin sa daan bago tumawid. Ako po ang dapat sisihin sa nangyaring ʼto,” sabi naman ni Narda kaya napabaling ako sa kaniya.
“No. Ali needs to drive safety, ” kontra ko. “Saan ka ba pupunta?” kunot noong tanong ko at pinasadahan pa siya ng tingin.
Narda is pretty indeed. Ang sexy niya rin pero mas nakaagaw talaga ng pansin ko ang ngiti niya. Ang ngiti niyang nakakaalis ng pagkabadtrip ko.
“Maghahanap ng bagong trabaho, Miss Regina. Natanggal po kasi ako sa trabaho ko,” she answered.
Alanganin pa siyang ngumiti sa akin. Alam ko namang natanggal siya sa trabaho dahil nandoon nga ako at nakita ko lahat. Sinayang nung may-ari ng tindahan ang isang babaeng ganito kaganda, masipag at matapang.
Tumaas ang kilay ko sa kaniya. “Bakit ka naman natanggal?” tanong niya para hindi niya mahalata na alam ko na ang nangyari.
“Regina, may lakad ka pa,” sabi ni Ali.
May lakad talaga ako ngayon, at iyon ay ang puntahan si Narda na ngayon ay nagawa ko na. Ang susunod ko na lang na gagawin ay ang maisama siya para mabigyan ng bagong trabaho.
“Oh yeah. Narda, gusto mong sumama? Wala ka naman yatang ibang gagawin?” tanong ko.
Iʼm good at acting. Regina Vanguardia is not just a lawyer, I am also a vlogger. I can act din naman at nasisiguro kong hindi ako mahahalata ni Narda.
“Uhmm... Maghahanap pa po kasi ako ng trabaho, Miss Regina. Pasensya na po pero hindi ako makakasama,” sagot niya.
I crossed my arms and raise my eyebrows at her. Hindi naman ako aalis dito hanggaʼt hindi ko siya napipilit na sumama. Ganito na ako kadesperadang maging employee si Narda to the point na sinundan ko pa siya. Malaki kasi ang maitutulong niya sa foundation kung sakali mang maging parte siya ng EMT ko.
“Kaya nga sumama ka sa akin para mabigyan kita ng trabaho, Narda.” Nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa akin.
Nakangiti naman ako sa kaniya at naghihintay sa sagot niya kung sasama ba siya o sasama ba siya. Wala siyang choice kundi ang sumama talaga.
“Talaga po, Miss Regina?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
I nod.
“Oo. Letʼs go at sa kotse na natin pag-usapan ang bagay na ʼyan,” pag-aaya ko sa kaniya na agad niya namang sinunod.
Mas lalo lang niya akong binibigyan ng dahilan para hindi na talaga siya pakawalan pa. My foundation needs someone like Narda. Sheʼs perfect in this job for sure.
Ang tahimik niya habang magkatabi kami sa kotse. Siguro ay nahihiya siya sa akin kaya hindi siya kumikibo kaya naman gumawa na lang ako ng mapag-uusapan namin.
“Nakatapos ka ba ng college?” tanong ko na lang.
Mabilis naman siyang umiling. “High school lang po ang natapos ko, Maʼam. Hindi na po kasi kayang magcollege dahil namatay ang Nanay ko noon,” sagot niya.
Itinuon ko ang atensyon ko sa harapan. “Mayroon akong foundation na nabuo. Mga EMT na tumutulong para sa mga nangangailangan. Marunong ka ba sa medical?” tanong ko.
“Yes, Maʼam! EMT din po ang Nanay ko noon at idol na idol ko po siya. Gusto ko ring tumulong sa mga taong nangangailangan ng tulong. Ang sabi po kasi noon sa akin ni Nanay, “Ang pinakamalaking kasalanan ay may kakayahan kang tumulong pero hindi mo ginawa.” Iyon po ang palaging nasa isip ko kaya kapag po may nangangailangan ng tulong ay hindi po ako nagdadalawang isip na kumilos,” mahabang sabi niya.
Napatitig lang sa ako sa kaniya habang nakataas ang isang kilay. Iʼm speechless.
“Pasensya na po, Maʼam. Ang daldal ko talaga...” mahinang sabi niya.
Bahagya akong natawa sa kaniya. “No. Itʼs okay. Natutuwa nga ako sa ʼyo.” Ngumiti pa ako pagkatapos.
Nakakatuwa naman talaga siya. Bakas kasi sa mukha niya kanina na masaya talaga siya at gusto niya ang trabahong nabanggit ko dahil isa rin palang EMT ang nanay niya noon.
“Ang gusto ko sa mga employees ko ay masipag, maagap at mabilis kikilos. Hindi pwede ang tatamad-tamad lalo na sa ganitong trabaho,” sabi ko habang nakatitig sa kaniya.
“Kayang-kaya ko po iyan, Maʼam! Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, sisikapin ko po talaga at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko,” siguradong sagot niya naman.
Nakatitig pa rin ako sa mga mata niya. Kung nasabi ko kanina na ngiti niya ang mas nakaagaw ng atensyon ko, ngayon ay mas gusto ko na yata ang mga mata niya. Ang ganda ng mga mata niya.
“Okay youʼre hired. You can start tomorrow but for now, sumama ka muna sa akin para maipakita ko sa ʼyo ang iba pang kailangan,” nasabi ko na lang. Pilihim akong napangiti pagkatapos.
Done! Nakuha ko na si Narda. Mayroon na akong isang employee na matapang at alam kong mapagkakatiwalaan ko.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...